Malamig sa pakiramdam ang hangin na dumadampi sa aking katawan. Gustong gusto ko na balutin pa ng kumot ang kabuoan ko subalit hindi ko maigalaw ang aking katawan at miski na rin maidilat ang aking mata ay hindi ko magawa. Para bang nasa loob ako ng isang dimension kung saan hindi ko hawak ang kontrol sa sarili ko. Tunog ng tubig; lumalagaslas iyon at ihip ng hangin lamang ang maririnig. Napakatahimik ngunit nakakaramdam ako ng panganib. Ito ba ay isang panaginip? Bakit tila hindi naman dahil iba talaga sa pakiramdam. Ang hangin ay hindi lamang basta humahaplos sa aking balat kundi parang humahalik iyon, inaalis ang lahat ng init sa katawan ko. What is happening to me? Why do I feel like someone is controlling me? Pinakiramdaman kong mabuti ang paligid upang malaman kung may