Hindi ako mapakali sa kaiisip sa pangyayari kani-kanina lamang. Nakaalis na si Trisha upang kahit papaano ay mag-asikaso ng kaniyang sarili dahil gabi na rin naman. Ilang oras man ang nakalipas ay malinaw sa aking isipan ang binabalak noong Katriya. Halata naman na nais niyang gawing delubyo ang pamumuhay ko rito sa loob ng kastilyo. “Huwag kang papayag na maapi ka, Caith. Dapat mas tapangan mo pa!” sikmat ko sa aking sarili. Inayos ko ang aking higaan at handa na sanang humiga ngunit nakarinig muli ako ng ingay mula sa kabilang silid. Nagsimula na namang mabuhay ang kakuryusuhan sa akin. Saan ba nanggagaling ang mga ingay na iyon at bakit hindi pa rin natitigil mula pa kanina. Napapapitlag ako sa mga sumunod na tunog ng pagkabasag. Parang malalaking bagay na iyon at ang kalansing ay