Nanlalamig ang aking mga kamay at sadyang namamawis ang aking tenga hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kaba. Narito ako ngayon sa harapan ng mahigit sa labin-apat na miyembro ng konseho. Lahat sila ay matamang nakatingin sa akin subalit ang nakabalatay sa mukhang ekspresyon ay malamig lamang na para bang ganoon talaga sila tumanggap ng bisita. “Let me formally introduce to you the lady of the Roshire clan. My wife, Loren,” the Lord said with a dripping confidence on his voice. Tumayo ang mayroong pinakamataas na posisyon sa kanilang lahat at agad na hinarap kami ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon. “We are pleasured that you brought the lady of the whole clan here, Lord Magus,” pagpuri niya sa aking kasama at saka lumipat ang tingin sa akin. “And of course!” he huffe