“Good morning, Missus,” “Good morning, Lady Alnwick,” Kaniya-kaniyang bati sila sa akin ngunit tanging tango lamang at ingit ang aking naisasagot dahil sa labis na antok. Maaga nila akong binulabog dito sa aking silid upang ihanda para sa gawain sa araw na ito. “The Lord wants the best for you, Lady Alnwick,” naliligayahang sambit noong isang babae na kanina pa sinusukat ang aking balakang. Sa tingin ko ay hindi pa sapat ang mga kasuotang nasa loob ng closet ng room na ito dahil nagpadala pa siya ng mga panibagong damit para sa akin. Inaakala niya ba na hindi ako makukuntento sa mga kasuotang mayroon ako? Higit pa nga iyon sa sapat kaya naman hindi ko maunawaan kung para saan ang patuloy na paggastos niya sa pagbili ng damit na hindi ko naman sigurado kong talagang maisusuot. Mabuti