• ZANEA POV •
" Mukang madali lang yung akin, Baka ma tapos ko agad yung task ko." Sabi ni Rovie sa mga kasamahan habang palabas sila sa kwarto na dala na ang mga folder nila.
"Baka isa o dalawang linggo lang yong akin." Confidence sa sabi ulit nito.
"Sabi ni Ms. Sandra, yung ibang mga Guardian Angel inabot ng Buwan bago na tapos ang task nila. And maninirahan tayo as a human form" Sabi ni naman ni Gwen.
"And sa tingin ko mukang aabutin ako ng two months. Pero buti nalang babae yung akin." Dagdag pa nito habang nakatingin sa folder nya.
"Akala ko ba lahat tayo parehas na same gender ang babantayan natin? sakin lalaki" Takang tanong ni Daniel.
"Lalaki din sakin." Sabat ko.
"Sigurado ka bang babae ka? Hahaha" Asar ni Gwen
"Malamang!!! O baka bulag ka lang." Mataray na sabi ko dito.
"Kalma lang, Pero baka yang lalaking iga-guide mo is sobrang malala kaysa sakin." Sabay tap nya sa shoulder ko. Ewan ko sayo Gwen.
"Sa tingin ko lahat tayo ay iisang lugar lang? tapos yung mga babantayan natin ay same school lang din. So don't worry sama-sama naman tayo dito." Dagdag pa ni Gwen sabay ngiti sakin.
"Na basa ko nga pala yung backgroun ng tao ko.----"
"Daniel, hindi natin dapat sila tawagin naganyan, tawagin nyo sila sa pangalan nila. Di ba ilang beses ko na sinabi sa inyo yan?"
"Sorry Ms. Sandra." Hinging pa umanhin naman ni Daniel dito.
"It's Ok." Sagot ni Ms. Sandra habang na una na syang mag lakad samin.
"Kinabahan ako don ah!! Feeling ko anjan lang sya kahit saan tayo mag punta." Sabay hapo ni Daniel sa dibdib nya.
"Syempre pa punta tayo sa Canteen, nasa public place kaya tayo." Sabat ni Gwen.
"Gutom na ko, tara kain na tayo." Pag iiba ng usapan ni Rovie.
Nag tungo na sila sa Canteen kung saan kahit sinong Angels ang pwedeng pumasok at kumain dito. Gusto sana nila don ulit sa Head Quarters nila kaso andon ang mga Senior nila. Madali silang kumain dahil kailangan ulit nila bumalik sa kanilang Head Quarters. Nang matapos sila kumain ay nag punta na sila sa HQ ng mga Guardian Angel.
"Ok guys.. It's time para bumama na kayo at gawin ang mga trabaho nyo." Sabi agad ni Ms. Sandra samin pag pasok palang namin sa room.
"Ngayon na po Ms. Sandra?" Tanong ni Gwen.
"Yes. And kayong Apat ay titira sa isang bahay lang, May nahanap na kaming tutuluyan nyo na malapit lang din sa mga babantayan nyo." Huling sabi nito samin, ito na kasi ang huling meeting namin at huling beses na makikita sya bago kami bumaba sa lupa.
"Get ready guys, pag labas nyo dito may mag hahatid sa inyong Guard pa pa punta sa sasakyan nyo, Ok dismissed." Pa alis na sana kami ng biglang tinawag nya ako.
"Zanea, Please stay back for a minute." Nag katingin muna kaming apat at tsaka ako bumalik kay Ms. Sandra. Ano kaya yon, bakit ako lang ang tinawag nya?
"Eto, dalhin mo to." Sabay abot nya sakin ng camera?. kinuha ko ito at pinagmasdan, ang ganda.
"Kuhanan mo ng mga picture ang iyong babantayan, lahat ng picture ay automatic na mapupunta sakin." paliwanag nito.
"Ms. Sandra. bakit wala sila?. Bakit ako lang ang merong may camera?" Takang tanong ko habang nilalagay ang camera sa bag ko.
"Don't asking Zanea. Just follow what i said. Sige na makakaalis kana" Mag iingay kayo, and good luck sa inyo, specially you. Pahabol nito sakin, nag taka ako sa huling sinabi nya.
"Specially you" Bakit ako na naman?.
"Ok po." sabi ko nalang sa kanya at tsaka sya lumipad palabas ng room. Hindi ko maiwasang humnga sa pag lipad nya, napakaganda kasi talaga ng pakpak nya, sana maging ganyan din kaganda yung pakpak ko. Lumabas nadin ako at nag punta sa mga kasama ko.
"Anong sabi ni Ms. Sandra sayo?" Tanong agad nila sakin pag ka labas ko pa lang sa room, nag aantay pala sila, akala ko na una na sila.
"Good luck daw sa atin. Wala naman syang sinabi masyado, binigyan lang ako ng camera." Sagot ko sa kanila.
"Camera? Bakit kami wala?" Takang tanong nila sakin. Nag lakad na kami pa puntang Elevator.
"Tinanong ko din yan, pero ayaw nyang sabihin sakin." Sagot ko ulit. Pumasok na kami sa loob ng elevator. Pa punta na kasi kami sa Lugar kong saan kami bababa pa puntang mundo ng mga tao.
"Tignan nyo oh, para tayong na sa isang box na malaki tas kulay white lang lahat ng kulay." Turo ni Rovie sa labas, bali itong elevator kasi na sinasakyan namin is transfarent kaya kita yung labas. Akala ko dati puro Cloud ang makikita dito pag sumakay kay ka dito, mali pala ako, puro puti lang pala dito.
"Tingin ko tayo lang ang nag ta-trabaho ngayon." Sabi ko sa kanila.
"Yeah for sure, tayo lang naman ang mahirap ang trabaho eh, malayo pa, dahil di tayo makakabalik kapag nag failed tayo." sagot ni Gwen.
Mabilis kaming nakarating sa lugar. May isang guard na sumalubong sa amin pag labas ng elevator, sinundan namin ito at dinala nya kami sa isang lugar kung asaan ang mga sa sakyan na pa punta sa mundo ng mga tao.
"Wow.. Ang gaganda." Manghang sabi ni Daniel. May nakita kaming isang sasakyan na naka ready na dito.
"Dito ata tayo sasakay." Sabi ni Gwen.
"Siguro."
"Angel's. Ito ang magiging sasakyan nyo pa punta sa mundo ng mga tao. Good luck sana'y mag wagi kayo sa inyo g mga task." Nakangiting sabi nito samin.
"Thank you." Pag papasalamat namin sa kanya bago kami isa-isang sumakay dito.
"This is it!!! wala ng atrasan to!!!
• JEDAN POV •
"JEDANNNN!!!!" sigaw ni daddy, nasa taas kasi ako kaya madali akong bumaba. Baka magalit na naman sakin yon.
"Bakit?" Tanong ko dito pagkababa ko.
"Isarado mo ang pinto aalis na ko." Sabay kuha nya ng gamit nya.
"JEDAN DE VERA!!!" sigaw ulit ni Daddy kaya na pa balik ako sa harap nya, pa akyat na kasi sana ulit ako eh.
"Kailangan mong pumasok sa school simula ngayon! Ayoko nang may tatawag na naman sa office ko at ipatatawag na naman ako." Sabay bukas nya ng pinto at lumabas na.
Na pa sabunot ako sa buhok ko sa inis! Ayoko pumasok!!. Nang alam kong na ka alis na si Daddy ay ini-lock ko na yung pinto. Na kakaasar!! naman. Ayoko lumabas ng bahay at lalo na papasok pa sa school, ayoko makita ang kahit sino mang studyante sa school namin. Wala naman silang gagawin kundi ang oag usapan ako!!!
Wala itong nagawa kundi umakyat sa kwarto nya para mag palit ng uniform, buti nalang katatapos lang nito maligo. Nang nakapag uniform na ito tsaka nya inayos ang kanyang sarili, kinuha ang bag at tsaka lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko nag tungo agad ako sa kusina para kumain, kahit wala akong gana kumain, buti nalang may pagkain na iniwan si Daddy. Kinain ko nalang ito kahit hindi ko nalalasahan! pati pagkain ko kinatatamaran ko na din!
"Nakakapagod mabuhay!" malungkot na sabi nito sabay pinag masdan ang buong lugar kung saan sya nakaupo.
Nang makarating ako sa school ay agad akong dumeretcho sa room, habang nag lalakad ako, lahat ng nadadaan ko ay automatic na napapatingin sakin, at mag bubulungan, wala naman bago ganyan sila lagi.
"Himala, pumasok sya ngayon."
"Akala ko ba nag drop out na yan?"
"Akala ko din e."
"Hindi pa,. Hindi lang talaga sya pumapasok."
"Iba talaga nagagawa ng pera no??? mapapalaya ka ng kulungan agad-agad!!!"
"I feel sorry don sa kaibigan nya, lalo na don sa mga magulang." Mga bulong-bulungan nila.
"I wish i could die instead of my bestfriend" Bulong nito sa sarili.
Mabilis akong nakarating sa room namin, may mga ma ngilan-ngilan nadin tao dito, di ko sila pinansin nung nakita nila akong pumasok sa room, deretcho ako sa dulo ng mga upuan kung saan ako nakaupo, inilapag ko ang gamit ko at sumubsob sa desk at natulog. Wala din naman sisita sakin, kahit kasi mga teacher dito hindi na din ako pinapakilaman. Sana kaya ko maging invisible.
Nag tuturo lang kung ano-ano ang mga teacher na pumapasok sa room na to!! pero wala akong naintindihan ni isa man lang. Lumipas din ang Lunch time pero wala akong gana kumain at umalis sa upuan ko, hindi ako gutom,
Mabilis lumipas ang oras at natapos na ang klase namin ngayong araw. pinakiramdaman ko lang muna ang mga classmate ko na isa-isang lumabas ng room, nang masigurado ko na ako nalang ang andito ay agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko, inayos ko muna ang mukha at buhok ko tsaka lumabas ng room. Nag buntong hininga nalang ako at nag lakad ng nakayuko palabas ng school. Pag bubulungan na naman kasi ako ng mga makakakuta sakin, as if hindi sila nauubusan ng kwento..
• SOMEONE POV •
"*Click*"
Pag labas nya sa school nila ay may narinig itong tunog ng camera kaya napatingala ito agad at hinanap kung sino yon. Nakita nya na ang isang nakangiting babae ang may hawak ng camera at nakatayo sa harap nya.
"Bu--bura--hin mo- yan" na uutal na sabi nito dito.
"Ano yon?" sabi nito kay Jedan, nag paggap ito na hindi sya narinig nito.
"Burahin mo sabi eh." ulit nito, this time nakatingin na sya sa babae. Napansin nito ang mga labi ng babae na laging nakanginiti sa kanya. Pinagmasdan pa nya ito. Hindi ito naka school uniform so alam nyang hindi sya nag aaral sa school nila.
"Ayoko nga, bakit ko buburahin." Sabi nito at itinago na ang camera sa bag nya.
• JEDAN POV •
Tinitigan ko ng masama itong babae na kumuha ng litrato ko, baka sakaling matakot sakin, pero bigo ako, kasi nakangiti lang ito sakin, ano ba tong babae na to? baliw, anong nginingiti-ngiti nito!
"Hi, I'm Zanea Salvador." Pakilala nya sakin sabay lahad nya ng kamay nya. Na pa lunok ako sa laway ko at tinitigan lang ang kamay nya sa harap ko, hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo!. Teka! kinakausap nya ko? sya lang ang kauna-unahang kumausap ulit sakin. Hahawakan ko na sana ang kamay nya para makipag shake hands ng bigla nya itong binawi, kaya palihim kong ibinaba ang kamay ko at pinasok na lang sa bulsa ng jacket ko.
"Burahin mo yong picture." Ulit ko sa kanya, sabay alis at nag punta sa sakayan ng bus.
"*Click*" Na pahinto ako ng maring ko na naman yung camera nya kaya mabilis akong lumingon dito.
"Sinusundan mo ba ko??" inis na sabi ko sa kanya.
"Hehehee Oo, di ba halata?" nakangiting sabi pa nya.
"Wag kang sumunod sakin, wag ako ang pag tripan mo, mag hanap ka ng ibang pag ti-tripan mo." sabi ko pa dito
"Bumubulong ka ba?. Pwede bang lakasan mo yung salita mo? hindi kasi kita marinig eh." Nginisian ko nalang sya at tsaka na nag lakad ulit pa punta sa sakayan ng bus. Alam kong sumusunod padin sya sakin kaya agad akong sumakay sa bus at umupo sa bakanteng upuan sabay inilagay ang bag ko sa tabi ko. Mahirap na baka umupo sya sa tabi ko.
• ZANEA POV •
Dinalian ko din yung lakad ko ng binilisan nya ang lakad nya at sumakay agad sa bus kaya sumakay din ako dito, nakita kong inilagay nya yung bag nya sa tabi ng upuan nya kaya doon ako umupo sa unahan nya at humarap nalang ako sa kanya.
"Eto naman, umalis ka agad, hindi ko pa alam yung pangalan mo. Anong name mo?" Tanong ko sa kanya. Alam ko naman na yung pangalan nya, syempre kailangan ko mapalapit sa kanya kaya kailangan ko syang kausapin, tapos kunyare hindi ko alam yung pangalan nya
"I don't know, tsaka bat ko sasabihin sayo" mahinang sabi nya, sabay tingin nya sa bintana.
"Whoaaa ang haba naman pala ng pangalan mo." Asar ko sa kanya.
"Tanga ka ba?" sabay tingin nya sakin, finally tumingin ka din sakin.
"Paano ko kasi malalaman eh ayaw mo ngang sabihin." napasimagot naman ako sa kanya.
"Jedan De Vera." mahinang sabi nya
"Haa?" takang tanong ko, pero na realize ko din agad kung anon yung sinabi nya. He said his name finally.
"Tha't my name." bulong ulit nya. Sinabi nya yung pangalan nya hindi dahil para malaman ni Zanea, kundi para sumuko na ito dahil sa kakulitan ng anghel na dalaga.
——
Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)