• JEDAN POV •
Pagbaba ko nang bus ay madali akong naglakad, baka kasi sundan na naman niya ako. Para akong paranoid na palingon-lingon sa likod ko kung nakasunod na naman ito sa akin. Nang makarating ako sa bahay ay hinanap ko ulit kung nasa paligid lang siya, nang wala akong nakita ay agad kong binuksan ang gate namin at pumasok sa bahay namin. Nakahinga ako nang maluwag nang nakapasok na ako sa bahay. Binalibag ko ang bag ko sa may sofa at binalibag ko din ang sarili ko dito.
"What a wasted day!" sabay lagay ko nang kamay ko sa mata ko para magpahinga sandali.
Ilang minuto din siyang nagtagal na nakahiga sa upuan bago niya naisipan pumunta sa kusina nila, Nagtingin ito sa ref kung may pwede siyang makain, binuksan niya ang mga cabinet nila at naghanap ng pwedeng iluto, nang makakita ito ay nagluto ito ng pansit canton. Kahit kasi mayaman sila ay hindi sila kumukuha ng katulong para daw may alam na gawaing bahay ang mga nakaratira dito. Pagtapos mag asikaso ni Jedan ng kanyang kakainin ay bumalik na siya sa sala at binuksan ang napakalaking TV nila.
"Ano bang ginagawa ko sa buhay ko? bakit ba humihinga pa ko hanggang ngayon?" Tanong ko sa sarili ko, wala naman kasi akong ibang makakausap maliban sa sarili ko.
Simula kasi nang mawala yung kaibigan niya, parang nawala na din ito, hindi na niya ginagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya, pumapasok siya sa school para may matutunan siya, pero kahit isa ay wala itong naiintindihan, wala itong goal sa buhay, akala kasi niya na wala siyang kwentang tao, wala siyang kaibigan, ang tanging kaibigan lang niya ay nawala pa sa kanya.
Ang daddy na lang niya ang kasama niya ngunit hindi sila close nito dahil bihira lang sila magkita nito, lagi kasing inuuna nito ang trabaho bago ang anak, wala din itong ibang matakbuhan kapag may problema ito, wala syang masasandalan kapag gusto niyang umiyak. Sinasarali na lang niya lahat ng hinanakit niya sa buhay at problema niya, at kahit na sino ay wala itong pinapansin na para bang ma malaking pader na nakapalibot sa kanya.
• ZANEA POV •
"Kamusta yung first day niyo?" bungad agad ni Daniel pagkapasok pa lang sa bahay.
"Wala pa yung dalawa?" tanong ulit niya, hinanap niya sila Gwen at Rovie.
"Wala pa, ayon kahit paano ay naging ayos naman, sinabi niya yong name niya, look oh! kinuhaan ko siya ng picture kanina.." Sabay abot ko sakanila ng camera.
"Wow! naman gwapo din pala nang alaga mo." Manghang sabi ni Daniel.
"Talaga ba?" tanong ko dito, binalik niya sa akin yung camera kaya tinignan ko yung picture niya, Sabagay tama naman siya, gwapo naman talaga siya.
"Buti ka pa kahit paano may progress sa unang araw pa lang." Biglang lumungkot ito.
"Bakit? ano ba nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayon di Ok," sagot niya sa akin.
"Ok lang yan, unang araw pa lang naman." pagpapalakas ko ng loob. Nginitian niya lang ako
"Nagugutom ka ba? gumawa nga pala ako ng lunch kanina bago ako nagpunta sa Master ko."
"Wow buti na lang talaga may magaling magluto sa atin kung 'di baka puro tayo kain sa labas," sabi ko dito habang pa punta sa kusina at naupo sa upuan. Inabutan niya ako ng plato kaya kinuha ko ito, tinanggal ni Daniel ang mga takip ng pagkain tsaka kami nag sandok ng kakainin namin.
"I'm Here.." Bungad ni Rovie, nagtanggal ito ng kanyang sapatos.
"Walang nagtatanong." Sabat ni Gwen dito at nilagpasan ito sabay deretso dito sa dinning table, kumuha agad ito ng plato niya.
"Wow Lunch..." Masayang sabi nito habang nakatingin sa mga pagkain.
"Takaw!" asar ni Rovie.
"Bakit ikaw! hindi!" sagot naman nito sabay irap dito.
"Sino nagluto?" tanong ni Gwen, tinuro ko si Daniel.
"Buti na lang may chef tayo." masayang sab nito habang nagsasandok ng pagkain niya.
"Asa ka na naman, matuto kang mag luto kababae mong tao eh, hind lagi-lagi pag luluto tayo niyan ni Daniel." Sabat ni Rovie kay Gwen. Ayan na naman sila! the mortal enemy.
"Wala kang paki!" Sagot naman nito sabay kuha niya ng sinandok na ulam ni Rovie at inilagay sa plato niya. Pinanood ko lang silang dalawa na bangayan ng bangayan, bahala kayo diyan basta ako kakain lang dito, masarap ang pagkain, magaling talaga mag luto si Daniel.
"Pwede ba tumigil kayong dalawa! 'di niyo na ginalang yung pagkain." inis na sabi ni Daniel, ayan hala lagot kayo, nginisian ko silang dalawa ng parang naging maamong pusa ang mga ito.
"Wag kayong magtalo dito couple."
"WHAT!" sabay sabi ng dalawa, inirapan ni Gwen si Rovie at ganon din naman si Rovie kay Gwen. Walang nagawa yung dalawa kaya kumain na lang sila. Naks! Daniel lang malakas.
"By the way? Kamusta kayo ng Master niyo?"Tanong ko sa dalawa, we decided na Master ang itawag namin sa kanila kapag kami-kami na lang.
"Sakit sa ulo as usual kung pwede ko lang siyang batukan ginawa ko na eh." sagot ni Rovie
"Ano kaba! Angels tayo kailangan natin sila itrato ng maayos at ng may pagmamahal." Sabi ko agad dito.
"Ikaw naman Gwen?" baling ko dito. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang kumakain.
"She's suicidal." Sagot nito, napanganga kami sa sinabi niya.
"Ang dami niya cut sa kamay niya, nakita ko din yung leeg niya, parang nag bigti, she's alone and loner, wala siyang kahit isang kaibigan. 'Di ko tuloy alam kung trabaho pa ba nang mga angels ang ganitong sitwasyon eh, parang therapist kasi ang kailangan niya." Dagdag pa nito, pageexplain sa lagay ng master niya.
"Lalong magpapakamatay 'yon kapag nakita ka pa niya." asar ni Rovie, sinamaan siya ng tingin nito at nagtitigan na naman sila na akala mo nagpapatayan sa titig. Kung nakamamatay lang ang titig, kanina pa may bumagsak sa dalawang couple na ito.
Actually di naman talaga sila couple, 'yon lang ang tawag namin sa dalawa, madalas kasi mag-asaran eh, sabi nga ni cupido, the more you hate, The more you love. Kaya don din ang tungo ng dalawang to.
"Hindi nakakatuwang biruin ang ganong sitwasyon Rovie."
"Ayan buti nga sayo," Asar pa ni Gwen nang pagsabihan si Rovie ni Daniel. Si Daniel ang pinaka bata sa amin pero siya yung pinaka matured mag-isip, siya din 'yong laging tahimik, kaya kapag nagsalita siya, naka focus talaga kami sa sasabihin niya.
"Nagkaganon lang naman yung master ko dahil sa lalaking minahal niya eh." Dagdag pa ni Gwen. Sabay labas ng folder niya, nilabas din namin yung amin at nagpalitan kami para malaman yung mga background nila.
"I think Zanea, master is the hardest one among us." Sabat ni Daniel kaya napatingin ako sa kanya. Sabay binalik niya sa akin yung folder ko.
"Umiinom, naninigarilyo, that's illegal. Hindi nag-aaral. May kaibigan na namatay dahil sa aksidente na siya ang may gawa, may record na sa police." Napabuga ako sa hangin sa mga sinabi niya about sa Master ko.
"Pero mukha naman siyang mabait sa akin kanina, sinabi niya nga yung pangalan niya eh, kaya kahit paano may pogress naman kami." Sabi ko sa mga ito.
"Tsaka, hind naman siya araw-araw na ninigarilyo, kapag stress lang, so kaya ko sigurong mabago yung habit niya sa paninigarilyo" Dagdag ko pa.
"Pero kapag nanigarilyo siya alam mong bibigat ang pakpak mo. Kaya sa bawat sigarilyong hihithitin niya katumbas nito ay ang pagbigat ng iyong mga pakpak." Sabat naman ni Gwen na may pag-aalala sa mukha. Hay nako Gwen!. Gwen is a cold sometimes but she's warm inside.
"Alam ko naman 'yon. Salamat sa pagpapaalala ng mga consecquences." Nakangiting sabi ko sa mga ito.
"Wag kang mag-alala, Zanea, Hindi naman bibigat yang pakpak mo, basta lagi mo lang babantayan yung Master mo, kung kinakailangan sundan mo siya kahit saan magpunta, kahit sa CR pa 'yan masiguro mo lang na hindi siya gagawa ng mga bawala na bagay na ikapapahamak mo." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Daniel.
"C.R is not allowed hoy!" sabat ulit ni Gwen.
"I know." sagot nito.
"Pero alam naman natin na kaya tayo pinadala dito dahil sa mga task natin, natural lang bibigat ang mga pakpak natin kaya nga tinatawag ng mga angels na dangerous job itong mga trabaho natin dahil dito eh," Sabi naman ni Rovie
"Tama si Rovie, Pinili tayo ng Royal Council kasi lahat tayo ay may potential na nakita sa atin na kaya natin tulungan ang mga master natin kaya tayo andito, kaya mag tiwala lang tayo sa mga sarili natin." dagdag ko pa.
"Potential? Or we just sacrifice?" sabi ulit ni Rovie
"Kung mangyayare man sa akin 'yon, aware na ko, atleast na kaready na ko." dagdag pa nito
"Magiging masaya kapag bumagsak ka." Asar naman ni Gwen dito.
"Let's make a deal! ano? kung sino unang babagsak sa atin?" sabay nag crossed arm ito at humarap kay Gwen.
"Sure! Akala mo ililigtas kita kapag bumagsak ka?" Palaban sa sabi nito.
"Hay nako! tumigil na nga kayo wag na nga natin muna isip 'yan mga bagay na iyan." Sabi ko sa kanila, hahaba na naman 'yang bangayan nila, parehas silang ayaw mag patalo, bagay nga silang dalawa, pupusta din ako. Itong dalawang to magkakatuluyan. Tumayo na ako para iligpit ang kinainan ko.
Nagsipag sunudad na din sila sa pagliligpit.
"Lagay niyo na lang jan, ako na maghuhugas, punasan niyo nalang yung mesa." Sabi ko sa mga ito. Kinuha ni Gwen ang pamunas at nagsimula itong punasan ang mesa. Yung dalawang lalaki naman ay umakyat na sa taas, bali nasa taas kasi ang mga kwarto namin, may kanya-kanya kaming kwarto, we love privacy kasi.
• JEDAN POV •
Naglalakad na ako papunta sa school namin, kabababa ko lang kasi ng bus, dahan-dahan lang akong maglakad at tinitignan ang paligid, baka kasi may makasalubong na naman ako kagaya kahapon. Sana hindi ko siya makasalubong ngayon. Kagabi ko pa inisip yung babaeng 'yon eh! bigla na lang sumulpot nakakatakot lang na baka my iba akong ma meet na kagaya niya, wag naman sana. Nang nasa malapit na ako sa gate ay nagbuntong hininga na lang ako.
"Safe Zone." Naibulong ko na lang bigla.
*Click* na patingin ako bigla nang may narinig akong tunog ng camera.
"What the f*ck!" sabay sabi ko ng makita ko yung babae kahapon, hawak na naman niya yung camera niya, at talagang nakangiti pa siya. Hindi ko siya pinansin at maglalakad na sana papasok sa gate ng hinarang niya ako.
"Wait lang Jedan, Kamusta ka naman? ako nga pala si Zanea, baka kasi nakalimutan mo na yung pangalan ko." Sabi niya sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga studyante na dumadaan para pumasok sa loob ng gate.
"Tignan mo oh, si Jedan o, may kausap na babae." Nag-umpisang mag bulong-bulungan ang mga ito.
"Oo nga, first time ata na may lumapit sa kanya at kausap niya."
"Oo nga no. Sino kaya siya? Girlfriend niya?"
"F*ck off" Sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi, sabayan pa ng mga chismosang nasa paligid mo.
"I dont know, pero parang hindi." Dinig ko pang sabi nila
"Alam mo bang hindi maganda sayo ang mag mura? masama 'yon." Sabi ni Zanea dito, pinakiramdaman niya yung pakpak nya kung bibigat ito, nang wala naman siyang naramdaman ay napangiti ito, nalaman niya na ang pag mumura ng master niya ay hindi kasali para bumigat ang pakpak niya.
"Get loss" sabi ko ulit dito, nginitian niya lang ulit ako.
"Pupuntahan kita araw-araw dito at aantayin kita sa gate nato para lang batiin kita kagaya kahapon at ngayon. Tapos sasabayan kita hanggang sa bus paguwi mo" masayang sabi nito sa kanyang master. Humarap naman si Jedan dito.
"Bakit! Pwede bang tantanan mo ko? gusto kong mapagisa. Hindi mo ba nakikita na ayoko kang kasama!!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit mo ba ko kinakausap? kung balak mo makipag kaibigan sa akin bakit hindi na lang sa iba." dagdag ko pa dito. Natatakot ito na baka tutuhanin niya ang sinabi ni Zanea dito.
"Kasi kailangan mo nang magiging kaibigan para samahan ka, at eto ako, kaya nga ako andito para damayan ka." Sabi pa nito sa akin. Napansin ko na naging malungkot siya, hindi kasi siya nakangiti tulad ng lagi kong nakikita sa kanya.
Natulala si Jedan sa mga sinabi ni Zanea, Ito ang unang may nagsabi ng mga ganyang salita sa kanya at sa taong hindi niya pa kilala, for the first time ever, nagkaroon din ng taong may concern sa kanya, ang taong kayang pagpasensyahan ang ugali niya.