• 3rd PERSON POV•
~ Fast forward ~
Lumipas ang isang buwan, patuloy pa din si Zanea, sa pagsunod niya sa kanyang master, tuwing umaga ay nag-aabang siya sa gate ng school nito para tanungin kung kamusta ito, tuwing hapon naman ay inaantay din niya ito para samahan sa bus hanggang sa makauwi ito. Pa ulit-ulit at araw-araw lang ang nangyayari sa dalawa maliban na lang kapag wala itong pasok sa school.
Patuloy din ang pag-iwas ni Jedan kay Zanea, hindi na lang niya ito kinikibo pero may pa minsan-minsan naman ay sumasagot ito sa mga tanong ni Zanea, sa kanya.
Mag-aalas kwatro na, mag lalabasan na sila, nakaabang na agad si Zanea, dito. May dala itong payong kasi umuulan. Nang makita na niya si Jedan ay tumakbo agad ito sa kanya
"Bakit ka nagpaulan? wala ka bang dalang payong?" salubong agad niya dito at pinayungan ito. Hindi siya pinansin ni Jedan at nag tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Nakasunod lang ito habang pinapayungan niya si Jedan kahit nababasa na ito kakahabol dito basta mapayungan lang ang kanyang master.
"May gusto ka ba sa akin?" Sabay sabi ni Jedan, kay Zanea.
"What? ako may gusto sayo? Haha haha. Ano bang mga iniisip mo? Saan mo na kuha yang masamang balita?" Sabay takip niya sa kanyang bibig habang tumatawa.
"Eh bakit sunod ka ng sunod sa akin? ilang beses na kita sinabihan na layuan mo ko, wag na kong sundan pero parang wala kang naririnig" Mahinang sabi nito.
"Wala akong gusto sayo, i like you. Oo... Kaya gusto kita maging kaibigan, 'yon lang iyon. Walang ibang ibig sabihin ng i like you ko sa'yo." nakangiting sabi nito kay Jedan. Napanganga naman si Jedan sa sinabi nito..
"Grabe naman tong babae na to, walang preno-preno kung mag salita." Sabat ni Jedan, sa isip niya. Tumalikod na ito sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa sakayan ng bus.
"Ano kaba Jedan!!m Lahat tayo kaila— Aaaahhhhh" sigaw ni Zanea, sabay takbo kay Jedan. Napalingon naman ito sa sumisigaw na kasama.
"Tangalin mo dali kyaaahh~ bilisan moooo" sabay abot nito ng kamay niya kay Jedan.
"Parang ipis lang, ang liit-liit niyan." natawa ito nang malaman niyang 'yon lang pala ang dahilan bakit ito sumisigaw. Takot ka pala sa ipis ah.
"I'm—sca—red." Utal-utal na sabi niya habang hindi makatinging sa ipis na nasa braso niya, nakapikit kasi ito. Pinitik ito ni Jedan, para mawala at tumalsik ito.
"Wala na," sabi nito. Dinilat na ni Zanea, ang mata niya at tinignan ang kamay niya.
"Takot ka pala sa ipis." Tanong pa nito, kaya natawa ito ng bahagya, di nakatakas iyon kay Zanea kaya dali-dali niyang kinuha ang camera niya.
*Click*
"Hey! Erase that!" Agaw ni Jedan, sa camera. Mabilis na itinago ni Zanea, ito at inilagay sa bag niya tsaka isinara ito.
"Ayan para safe" sabi nito sa isip niya.
"Alam mo bagay sa'yo kapag nakangiti ka." sabi nito. Kumunot ang noo nito at di na lang siya pinansin ni Jedan, at nag madali ng sumakay sa bus nang dumating na ang bus. Sinundan lang siya ni Zanea, tsaka sumakay din sa bus na sinakyan nito.
"Wag kang uupo sa tabi ko!" Paalala niya dito.
"Don't worry. Wala kong balak." Sabay ngiti niya dito. Ilang minutong katahimikan ang lumipas nang biglang humarap si Zanea, kay Jedan. Sa unahan kasi siya nakaupo at nasa likod niya naman ito.
"Pero Jedan, alam mo ba ang pangalan ko?" Tanong nito dito habang nakatingin naman ito sa bintana na parang walang naririnig dahil hindi man lang niya tinapunan ng tingin ito.
"Natatandaan mo ba ang pangalan ko?" Tanong ulit nito sa kanya. Hindi niya kasi sinagot ang tanong ni Zanea. Hindi pa din niya ito sinagot bagkus ay kinunutan lang siya ng noo nito at pinag patuloy ang panonood sa labas ng bintana na akala mo may magandang palabas.
"Wag mong sabihin na may Alzheimer kana? ang bata-bata mo pa, hays! kawawa ka naman," sabi pa nito sabay ipinatong niya ang mga kamay niya sa sandalan at inilagay ng mukha dito.
"Sabagay. Hindi naman ako tao para may makaalala sa pangalan ko." Pabulong na sabi niya sabay ipinikit ang mga mata.
"Zanea Salvador." Nagulat si Zanea, sa kanyang narinig kaya na pa tayo ito sa kinauupuan niya
"I said it! Pwede ba tumahimik kana? umupo ka nga!" Inis na sabi nito. Umupo naman si Zanea, na malaki ang ngiti sa mga labi.
"Naaalala ko yung pangalang mo, wag muna ulit ipasabi sa akin! that's the last." mahinang sabi niya.
Sa katotohan ay na guilty ito nang marinig niya ang sinabi ni Zanea.
"Sabagay! hindi naman ako tao para may makaalala sa pangalan ko." That words hit him. May lungkot sa pagkakasabi niya at nakarelate siya sa mga salitang 'yon. Dahil ramdam niya din yung pakiramdan ni Zanea.
• JEDAN POV •
"Sa bagay! hindi naman ako tao para may makaalala sa pangalan ko." Nang marinig ko 'yan ang parang sinuntok yung dibdib ko.
"Zanea Salvador." Kaya na sabi ko ang pangalan niya. Kilala ko naman siya, paanong hindi ko siya makikilala? eh unang pagkikita pa lang namin nagpakilala na agad siya.
Hindi ko din naman makakalimutan ang pangalan niya, basta-basta na lang aiyang sumulpot, wala naman akong ibang kakilala bukod sa kanya. She's the only one girl who approach me first.
"Na touch naman ako don Jedan, naaalala mo pa din pala yung pangalan ko." Masayang sabi nito sabay labas niya nang camera niya..
"Smile ka dali."
*Click* Ngumiti na lang ako ng peke.
Ayoko naman na basagin 'yong kasiyahan niya ngayon kasi nakikita ko sa mga ngiti niya na masaya talaga siya kasi may nakakaalala sa pangalan niya.
"Finally ngumiti ka din. I'm so proud of you," sabi pa nito sa akin habang nakatingin sa kuha niya sa camera niya.
"That's the fake smile kung di mo napapansin." Sagot ko sa kanya.
"Oh really? this fake smile make me happy and proud" sabay tingin niya sa akin at nginitian ako matapos niya ibalik ang camera niya sa bag niya tsaka siya humarap sa inuupuan niya.
"Weird" Nasabi ko na lang sa isip ko.
• ZANEA POV •
Nakaupo ako sa hagdan dito sa bahay namin, tinignan ko ang mga kuha ko kay Jedan. Nakita ko yung picture na kinuhaan ko kanina sa bus, kahit fake smile pa ito sobrang saya ko pa din.
Napalingon ako sa likod ko nang marinig kong may nagbukas ng pinto sa isa sa mga kwarto.
"Hey."
"Oh Daniel, ikaw pala, 'di ka din makatulog?" madaling araw na kasi.
"Oo eh, iniisip ko yung mission." sagot nito sa akin.
"Magiging maayos din yan. Alam mo bang ikaw ang tingin namin na makakatapos ng mission kaysa samin," sabi ko sa kanya sabay baba ko sa camera ko.
"Ang totoo niyan kasi napapagod na ko. Nanghihina na ako dahil pabigat na ng pabigat yung pakpak ko. Nagaalala ako na baka mauna akong bumagsak sa inyong tatlo. Nasayang lang ang mga effort ko." Paliwanag nito sa akin. Hindi ko alam na ganon na pala ang nararamdaman niya..
"Daniel. Wag kang susuko ha? Ang mga Royal Council ang pumili sa atin kaya tayo andito, hindi naman siguro nila tayo ipapadala dito kung alam nilang hindi natin kaya diba?" pagaalo ko sa kanya.
"Akala ko hindi ako magagawa sa iba na magiging emotional or what. Hindi ko alam pano iexpress yung nararamdaman ko, at alam niyong lahat yang mga angels sa kalangitan. Ang hirap ireach ng master ko, pareho kaming cold at arogante." malungkot na sabi pa nito. Tinap ko ang balikat ni Daniel, para kahit paano na malaman niya na andito ako para damayan siya kung ano man problema ang kinakaharap niya
"Subukan mo makipag kaibigan sa master mo, unahin mo paano mo siya mare-reach out at maaapproach. Do it sincerly Daniel. Sabihin mo na gusto mo makipag kaibigan sa kanya, try to get along with him. Wag mo muna isipin yung mission mo kasi madidistract ka lang, kasi don ka naka base eh! kaya don ka lang mag pofocus." Paliwanag ko dito. Ayoko siyang unti-unti panghinaan ng loob, ayoko siyang bumagsak agad. Ayokong may kahit sinong babagsak sa amin sa lupa at mawawala.
"Thank you for encourage me. Sobrang nakatulong lahat ng mga sinabi mo sa akin Zanea." Napangiti ako sa kanya ng malaman na kahit paano ay naging Ok siya sa mga sinabi ko. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha yong mga sinabi ko. Kahit ako sa sarili ko hindi ko din alam na ako mismo ang nagsabi non. I feel proud of my self.
"Kaya natin to. Fighting" sabi ko pa dito.
"Yes! Let's do it." Tugon niya sa akin
"Aahh! Ano nga pala balita sa tatlo?" pagtutukoy nito kala Gwen, Dave at Rovie
"Ah! yung mga 'yon? Ayon! Simula ng dumating si Dave, lagi nang magkasama yung dalawa" Sagot nito sa tanong ko.
"Dalawa?" Takang tanong ko.
"Oo. Si Dave at Gwen. Mukang napabayaan tuloy si Rovie." paliwanag niya.
"Ahhh kaya pala parang nakabusangot kanina si Rovie, pagdating ko, 'di ako pinansin."
"Oo. Wala sa mood 'yon kanina pagdating. Wala na kasi siyang kaasaran 'di na din kasi siya masiyadong pinapatulan ni Gwen." Paliwanag pa niya.
Sa aming lima kasing angels na andito si Daniel, ang pinaka ma obserba sa lahat. As in malalaman niya kung anong meron o wala, kung may pinagbago kaba o ano! basta lahat.
Ah nga pala. Lima na kasi kami dito sa bahay, may isang angel ang nadagdag. Si Dave Aballo.
Kasabayan din namin siya. Si Dave ay hindi naka attend ng graduation dahil may sakit ito. Kahit kaming mga angels nag kakasakit din. Kaya ngayon lang siya nakahabol sa amin, akala nga namin di na siya makakababa eh, akala namin nag back out or papalitan na lang siya ng iba ng Royal Council. Bali five angel kami na kailangan matupad ang mission para makabalik kami sa aming tahanan sa Heaven.
"It's a love triangle." sabi naman ni Daniel, sa'kin.
"Ha?" gulat ako sa narinig ko.
"May gusto yung dalawa kay Gwen?"
"No. no. Not that! I mean is. Yung master ni Dave may gusto sa master ni Gwen. Parehas silang suicidal kaya nag team up yung dalawa para makagawa daw ng plano. Mag-aala cupid ang dalawa, balak kasi nila na mapa fall yung master ni Gwen don sa master ni Dave para magka-inlove-ban yung dalawa at hindi na saktan ang mga sarili nila o kaya naman mag suicide" Paliwanag nito.
"Eh si Rovie? anong papel nila sa dalawa?"
"Ah yon? May gusto kasi si Rovie kay Gwen matagal na." Nakangising sabi nito.
"I knew it. Halata naman sa lalaking yon, the way she arguing to Gwen. Kahit wala ng kwenta mga pinagsasabing mga bagay," sabi ko pa dito.
"That's his strategy. Para pansinin siya ni Gwen." Dagdag pa ni Daniel.
"Hays! Kawawang Rovie."
"Pero mukang exciting ah. Love triangle."
"Malas lang kasi dalawa sa kanila ay pure angel." sabi ni Daniel. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Bakit? hindi ba pwede mainlove ang angels sa human?" tanong ko dito.
"I don't know pero may narinig akong kwento about sa angel na nainlove sa master niya," sabi niya. Naging interesado ako kaya lumapit ako sa kanya
"Pero hindi daw nag katuluyan yung dalawa kasi yung angel ay kailangan bumalik sa atin don sa heaven at ang master is mananatili dito sa lupa. Wala pa akong nabalitaan na angel na nagpakasal sa human." paliwanag niya.
"Aaahhh may ganon pala." sagot ko dito.
"Bakit parang naging curious ka bigla? gusto mo bang mainlove sa human at makasama siya?" taas kilay nyang tanong sakin.
"What! hindi ah! Parang curious lang eh." Depensa ko. Sabay hawak sa likod ko, bigla kasi sumakit.
"Bakit?" tanong agad niya sa akin.
"Ahh.. wala para kasing biglang bumigat yung pakpak ko," sabi ko dito at binuksan ang pakpak ko at pinagaspas ito, gusto ko lang subukan kung gumagalaw pa.
"Mukhang may nagawa na naman sigurong hindi maganda yung master mo," sabi sa akin ni Daniel, kaya napaisip ako. Ano kayang ginawa niya bakit bigla na lang bumigat ang pakpak ko?
"Wag muna isipin 'yon. Matulog kana, ipahinga muna yung pakpak mo." Baling sa akin ni Daniel at tsaka ito tumayo at nagtungo na sa kwarto niya. Tumayo na din ako at nagtungo naman sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko at inispread ang mga kamay ko. Nag aadjust pa kasi ako sa pakpak ko dahil bumigat ito. Sana hindi na masundan kasi baka hindi ko na kayanin ang bigat nito sa susunod.