"Naiintindihan ko na Zanea," sabi ni Jedan, at humakbang palapit sa kanya. "No! Hindi mo naiintindihan." Sigaw ni Zanea, sa kanya. Natatakot na ito dahil palapit na ng palapit ang shadow ng demonyo sa kanya. Napahinto si Jedan, sa paglalakad dahil sa sigaw nito sa kanya kaya agad itong napayuko at tumingin sa sahig. "Sige na Jedan, please, umalis kana." Pagmamakaawa pa nito habang nakatitig sa mga mata niya. "No! Hindi ako aalis! Hindi kita iiwan dito." Sigaw din ni Jedan, sa kanya. Napansin niyang tumingin ito sa itaas ng dingding kaya sinundan niya ito ng tingin. Napakunot ang mga kilay at noo nito nang may mapansin na kakaibang anino na dapat ay wala naman doon. Tumingin ulit siya kay Zanea, at ganon din naman si Zanea, sa kanya. Bigla na lang itong nalungkot at naawa sa nakikita n