"Pero ma'am, hindi pa po niya oras ngayon at wala naman pong ibang tao ang nakakita ng pangyayari, baka po puwede naman po mag request kay God." Biglang sabat ni Miss. Sandra, kaya agad na tumingin sa kanya si Zanea, at pasimpleng ngumit. "Thank you miss." Bulong nito. "Please po, nagmamakaawa po ako sa inyo," sabi ni Zanea, habang naka please sign ang mga kamay. "Hindi deserve ng master ko ito, isinakripisyo niya ang buhay niya alang-alang sa akin." Dagdag pa nito. "Carmen, magpadala ka ng mensahe sa langit at sabihin ang nangyari, tignan natin kung ano ang magiging desisyon ng nasa itaas." Utos ng presidente sa kanyang secretary. "Ok po ma'am," sagot ng secratary nito agad at ginawa ang inuutos sa kanya. "Thank you po." Nabuhayan naman si Zanea, sa mga narinig niya kaya agad iton