bc

The Bidding Marriages (TAGALOG)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
9.3K
READ
billionaire
possessive
sex
kidnap
arrogant
badboy
drama
tragedy
sweet
female lead
like
intro-logo
Blurb

Madison McKenzie 23 years old a simple model was kidnapped by a syndicate where forced marriages are rampant for wealthy businessmen with a trend of price hikes,

But she is unaware that a Secret billionaire

na labis niyang kinamumuhian

Pero bago pa niya makaharap ang taong nakabili sa kanya ay nakilala niya ang isang Rex Cordell na isa sa pinag kakatiwalaan ng tao na nakabili sa kanya,

What if they meet the man who bought him at the time he was already in love with a Rex Cordell.

chap-preview
Free preview
Bihag
May naririnig ako na nag uusap sa paligid ko, "Pare galawin na kaya natin ito?" "Gusto mo ba malintikan tayo kay boss?" "hindi naman' malalaman nun na nagalaw na to e" "Gago! bago kumuha si boss ng mga babae pinaiimbestigahan muna nila dahil malaking pera ang kapalit ng mga iyan" Rinig ko na pinag usapan nila, dahil nakatakip ang mata at nakatali ang bibig ko, hindi ko makita ang paligid ko, Basta ang naalala ko pauwe na ako galing ng Mindoro dahil umattend ako ng kasal ng pinsan ko, Nag aabang ako ng bus nang may tumakip sa ilong ko na kinahilo ko, Pero nang magkamalay ako nakatakip na ang mata ko, Nakaramdam ako ng takot para sa Sarili ko, bakit ako nandito ano kailangan nila, Naramdaman yata ang nasa paligid ko na gising na ako, "Pare gising na yata" Sabi nang lalaki, "Sige tanggalin muna yung mga tali at ilipat muna sa kabilang kuwarto" Natakot ako sa sinabi nila, Naramdaman ko na unti unti lumiwanag ang paligid ko, Nakita ko ang ibang klase ng ngiti nila napasiksik ako sa kinauupuan ko, "Sino kayo?" bakit ako nandito! anong kailangan ninyo!" Pero hindi nila ako sinagot, biglang bumukas Ang pintuan pumasok ang isang mtabang babae, Nakapustura ito at puno ng naglalakihang ginto ang katawan nito, lumapit siya sa akin at inangat ang ulo ko, Lumipat ang tingin niya' sa dalawang lalaki kanina, "itayo ninyo nga ito" Natakot ako anong gagawin nila sa akin, Halos magtayuan ang balahibo ko nung humawak ang kamay nila sa akin para sapilitan ako itayo, Umikot sa akin ang babaeng mataba habang nakatingin sa katawan ko, "Sige dalhin na sa kuwarto iyan" "Areglado madam" Biglang talikod nung babae palabas ng pinto, "Nakapasa siya Kay madam" Narinig ko na sinabi nung lalaki sa kasama niya', Hinila na nila ako palabas nang pinto, panay tanong ko sa kanila bakit ako nandito at ano ang kailangan nila, Pero ayaw nila ako sagutin, hindi ko alam anong gagawin nila sa akin bakit ako nandito, Pinasok nila ako sa isang kuwarto at bigla din sila lumabas, Nilibot ko ang mata ko nagulat ako sa nakita ko, Bukod sa akin merun pang tatlong babae ang nasa loob ng kuwarto na iyon, Nakabakas din sa kanila ang takot at maraming tanong Kung bakit kami nandito, Lumapit ako sa kanila yung isa nakita ko na may sugat sa bibig, Yung isa naman ang daming pasa sa katawan maliban sa kanila iyak lang ng iyak ang isang kasama nila, Nagtanong ako sa kanila, "Bakit tayo nandito? anong kailangan nila sa atin? Sumagot yung babaeng maraming pasa sa katawan, "Katulad mo hindi din namin alam" "Basta nung magkamalay ako naririnig ko sa usapan nung kumuha sa akin na parang ibebenta tayo" Nangilabot ako sa narinig ko, bakit nila kami ibebenta, Napaisip ako ganito yata yung mga nababalita sa tv na may mga babae na nagiging biktima ng ganitong kalakaran, Nanghina ako isipin na sasapitin ko ang ganitong pangyayari, Biglang nagsalita din yung babae na umiiyak, "Natatakot ako gusto ko na umuwe" Paulit ulit niya' na salita habang umiiyak, Naiiyak na ulit ako sa nakikita ko na kalagayan namin, Numukas ang pinto at pumasok yung dalawang lalaki kanina, May dala na silang pagkain at mga plastic bag nilapag nila iyon sa harapan namin at lumabas ulit, Binuksan ko ang plastick bag nakita ko na mga gamit ito para sa panligo at may mga lotion, Yung ibang plastick naman' ay mga damit at mga short may mga panloob din, Tinabi ko ang mga iyon, kinuha ko ang mga pagkain at nilapit sa mga kasama ko sa loob ng kuwarto, Kumain na tayo walang mangyayari kung iiyak lang tayo dito, Kailangan magkaroon tayo ng lakas para makapag isip, Sabi ko para lumakas ang loob nila pero kahit ako nanghihina pa din, Pero dahil nakita ko na hindi ako nagiisa pwede kami makaisip lahat kung ano ang dapat namin gawin, Napilitan kaming kumain dahil yun ang kailangan namin, Nakilala ko silang tatlo pagkatapos kumain, Si lanie yung may pasa sa bibig kaya pala siya nagkapasa sa bibig ay sinampal daw siya nung babae na mataba, Dahil dinuraan daw niya' ito sa mukha, Si Cindy naman' yung maraming pasa at sugat sa katawan nakuha daw niya' ito dahil nagtangka daw siya tumakas, Pinabugbog daw siya nung babaeng mataba sa mga tauhan niya', Si karen naman' yung babaeng walang tigil sa kakaiyak, Kaya pala siya iyak ng iyak dahil binenta daw siya ng tiyahin niya' sa hindi niya' kilalang tao, Dinala daw siya dito, hindi daw niya' matanggap na magagawa ito ng kamag anak niya' pa, Nasa gitna kami ng pag uusap nung bumukas ulit ang pinto, Pumasok yung babaeng mataba na sentro ng pag uusap namin, Sino ba ang babae na ito, "Girls tapos na rin naman' kayo kumain magsiligo na kayo para masukatan na kayo" Anung susukatan tanung ko sa Sarili ko, Biglang sumagot si lanie na may pasa sa labi, "Susukatan para saan? dapat ikaw ang magpasukat isama muna ang ataul mo dahil hinahantay kana ng groom mo sa impyerno' Nagulat ako sa sinabi ni lanie nakita ko ang pagliyab ng mata nung babaeng mataba, Ubod lakas nitong sinampal si lanie na kinabagsak nito sa sahig, Sinundan niya ito sa sahig kung saan bumagsak si lanie at hinila ang buhok pataas, "Matapang ka talagang babae ka!!" "Kung Ikaw kaya ang ipakasal ko sa isang asal demonyo para habang buhay kang nasa piling ng impyerno' ha babae ka!!!! Sabay bitaw sa buhok ni lanie at tumingin sa amin, "Magsi ayos na kayo!!!!" Sabay talikod nung babae at labas ng pinto, Bigla namin nilapitan si lanie na may dugo sa gilid ng labi, Matapang ang mata niya' na tumingin sa amin, at may sinabi "ipapakasal nila tayo sa mga matatandang negosyante na may kapalit na malaking halaga!" Nanlaki at gulat na gulat ako sa sinabi ni lanie, Napatingin ako kay Karen dahil bigla itong umiyak na ubod ng lakas kaya nilapitan ko ito at niyakap.. Bakit may ganitong mga pangyayari, bakit may mga taong halang ang kaluluwa para sa pera.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
102.6K
bc

His Obsession

read
75.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook