Syndicate of bidding marriage

1054 Words
Kinaumagahan lahat kami ay pinilit maligo na nakilala namin sa pangalan na Madam Sona' Wala kami nagawa kundi sumunod sa lahat ng pinag uutos niya', Pagkabalik niya may kasama na siyang dalawang bakla na magsusukat sa amin, Sa kilos at pag uusap nila ay kasama ang dalawa na ito sa organisasyon nila, Nung ako na ang susukatan nakita ko ang pagtaas nang kilay ng isang bakla, Lumingon siya kay madam sona na nakaupo sa mesa na nakaharap lahat sa amin, 'Ayy naku madam mukhang mas malaki ang kikitain mo sa isa na ito ahh," "Pataasin mo pa ang presyo sigurado maraming matatanda ang mag uunahan" Nangilabot ako sa narinig ko, totoo nga talaga ang sinasabi ni lanie, Mapalingon ako kay lanie na sinusukatan din ng isang bakla, Nagkatinginan kami, mababakas sa mukha niya ang labis na Galit, "Ang dami ninyo sinasabi madaliin ninyo ang pag gawa sa mga gown nila at naka schedule na ang bidding" Sagot niya sa dalawang bakla, Pagkatapos kami sukatan sinunod naman nila si Cindy at karen, Umiiyak si karen habang sinusukatan pero wala din siya magawa dahil sa matang nakatingin sa amin na si Madam Sona', Pagkatapos kaming sukatan lahat' lumabas na silang tatlo pero lumingon pa sa akin ang isang bakla, '"Girl Pagagandahin ko ang gown mo siguradong billion ang magiging offer sayo'" Maarteng sabi niya sa akin' na kinalingon ko kay lanie, Pagkasara ng pinto narinig ko na naman' ang iyak ni karen, "Ayoko!! ayoko!!magpakasal! ang sama nila" Naiiyak na sabi niya.. Napatingin ako kay lanie na galit pa din ang nakabakas sa mukha Si Cindy naman ay umiiyak lang ng tahimik, "Nasa malaking sindikato tayo na Kung tawagin ay bidding marriage" Napalingon ako sa sinabi ni lanie, Hindi niya kami tinitignan habang nagsasalita, "Ang bidding marriage ay pataasan ng offer kung sino ang mas mataas ang offer sa kanya tayo ikakasal" Sabi niya' Natutulala ako sa mga sinasabi niya', "Hindi natin makikita kung sino sino ang mag ooffer sa atin ng mas malaking halaga'' "Dahil sila lang ang makakakita sa atin' naka gown tayo na haharap sa mga mayayaman na matatanda na mangagaling pa sa ibat ibang bansa," Nagising ako sa pagkatulala sa narinig dahil sa malakas na iyak ni karen, Kaya nilapitan ko itong bigla at niyakap, Tumingin ulit ako kay lanie at nagtanong, "Paano mo nalaman ang lahat ng ito" Parang ayaw niya.pa sumagot dahil natahimik siya, Hindi pa din siya tumitingin sa akin, "n Naging biktima ang kaibigan ko ng ganitong sindikato'' '' dahil maganda at sexy siya maraming negosyante ang nagpataasan para lang mapakasalan siya" "isang matandang hapon ang nanalo sa bidding" 'Billion ang katumbas niya' pero sa araw ng honeymoon nila natuklasan ng hapon na hindi na virgin ang kaybigan ko," Patuloy na kwento niya' tahimik kami nakikinig sa mga sinasabi niya', "Nagalit ang hapon binugbog siya nito na muntik na din niya' ikamatay'' ''Pero hindi siya tuluyan mapatay ng hapon dahil sa kasal sila at pwedeng ikapahamak din ng hapon" "Ginawa nung hapon kung kanino kanino siya na Yakuza ibinibenta para mabawi lang ng asawa niya ang billion na ipinambile sa kanya!" Pagtatapos ni lanie sa kwento niya', Pero gusto ko pa malaman Kung ano nangyari sa kaybigan niya kaya nagtanong ulit ako, "Nasaan na ang kaybigan mo?" Mahabang katahimikan bago niya' ako sinagot, "Nasa japan siya napariwara na ang buhay niya'" "Hindi na siya makaalis sa ganoong sistema na ginagawa ng asawa niya' dahil nalulong na din siya" "Dahil sa tuwing ibebenta siya ng asawa niya' may pinapainom daw sa kanya ito o kaya iniinject na kinakawala ng katinuan niya'" "Bakit hindi siya humingi ng tulong?" Tanong ko sa kanya ulit, Tumingin na sa akin si lanie na umiiyak na, Naawa ako sa klase ng iyak niya' Dahil akala ko matapang siya, "Hindi na niya' magawa dahil sa gamot na itinuturok o pinapainom sa kanya ay hinahanap hanap na niya' ito" Biglang yumuko si lanie na salo ng dalawang palad ang mukha habang umiiyak, Halos lahat silang tatlo ay umiiyak na. pero ako nanatiling nakatulala, Bakit ako napunta dito', tanong ko sa Sarili ko, Siguradong nag aalala na si nanay at tatay sa akin, Nagsisi tuloy ako bakit kasi ipinilit ko pa magpunta sa kasal ng pinsan ko, Pero narinig ko sa mga kumidnap sa akin ay parang pinasubaybayan na nila ako nuon pa bago nila ako tuluyang kunin, Bakit hindi ko napapansin iyon? Tanong ko sa Sarili ko, Sabagay sa trabaho ko bilang isang model sa isang hindi gaanong kilalang brand ng mga kasuotan natural na lang sa akin ang tingin ng mga tao na humahanga, Narinig ko ulit na nagsalita si lanie, "Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mapakinabangan nila" Galit na Galit na sabi' nito, " May paraan pa siguro" Sabi ko na lang kung tutuusin wala din ako maiisip, Kanina ko pa din gustong umiyak ng malakas, Nilalakasan ko na lang ang loob ko dahil pare pareho kaming mababaliw sa kakaiisip at kakaiyak, Nasa ganoon kaming sitwasyon nung bukas ulit ang pinto, Yung dalawang lalaki ulit may dala na naman silang pagkain, Napatingin sa akin ang isang lalaki, Nandiri ako sa klase ng tingin niya', Pero bigla din siya binatukan ng kasama niya', "Gago ka talaga sinabing huwag mo pagnasaan iyan e! gusto mo bang mapatay ka ni madam sona!" Sabi niya sa lalaking nakakadiri tumingin, "Ang ganda kasi ang ganda pa ng katawan tapos yung kutis malaporselana" Oarang naglalaway pa na sagot niya sa kasama niya', sabay tingin ulit sa akin, "Model kasi kaya ganyan kaganda kaya nga hindi tinigilan ni madam sa pagsubaybay Diba!" Sagot naman nung isa, "Dapat pala pinakeelaman ko na yan bago nakuha ni madam" Nangilabot at nandiri ako sa narinig ko, Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari, Yung nilapag nila na puno ng pagkain ay lumipad sa mukha nila kasama ang tray, "Mga hayup kayo!!!! buhay pa kayo sinusunog na ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno'!! Galit na Galit na sigaw ni lanie sa kanila habang nakatayo na, "Aba putang ina kang babae ka ahh!!!" Sigaw na Galit at akmang susugurin si lanie nung lalaki na nakakadiri tumingin, Pero inawat siya nung kasama niya', "Tumigil kana sabi ni madam bawal sila magkaroon ng kahit na anong galos dahil malapit na daw ang bidding" Sabi' nung isang lalaki at inaya na siyang lumabas sabay lingon ulit sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD