wedding gown

1030 Words
Tatlong araw pa ang lumipas para kaming bibitayin sa kakaisip Kung ano ang mangyayari, Pilit kaming nagpapakatatag lahat' sa tatlong araw na iyon ay lubos kong nakilala silang tatlo, Sana kung makalaya man kami sa sitwasyon na ito ay wala na Sana pang ibang mabiktima ng ganitong kalakaran, nakahiga ako habang nakayakap sa akin si karen naaawa ako sa kanya dahil nakikita ko sa kanya ang sobrang hina ng loob, hindi katulad ni lanie at Cindy na nakikitaan ko ng katatagan ng loob, hindi ko sinasabi na matapang ako pagdating sa ganitong sitwasyon, ang katwiran ko kasi wala na din ako magagawa, pero Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na matakasan ang ganitong sitwasyon ko, gusto ko kasama silang makakawala dito', nasa ganuon akong pag iisip nung bumukas ulit ang pinto, napaupo kami sa higaan ni karen pero hindi pa din niya inaalis ang pagkayakap sa akin, pumasok si Madam Sona at yung dalawang bakla na nagsukat sa amin para sa wedding dress, pero sa pagkakataon na to may kasama pa silang dalawa pa na Kapwa din bakla, sinabi nila na aayusan na nila kami para sa magaganap na bidding marriage, wala kami nagawa, dahil kahit labag sa loob namin ano pa ba ang laban namin, alam namin na maraming tauhan si Madam Sona' sa labas nitong kwarto, ayon na din sa kwento ni cindy' kaya nga wala daw siya nagawa nung magtangka siya tumakas, dahil madami daw cctv sa loob ng bahay at pinakalabas ng gate, hindi ko pa nakikita ang kabuuan nitong bahay na sinasabi ni cindy' dahil nakatakip ang mata ko nung dinala ako dito' at wala din ako malay, ganoon din daw si lanie at karen, "girls aayusan nila kayo kaya umayos kayo!" "wag na kayo magtangka lumaban o tumakas dahil nag aaksaya lang kayo ng oras mapapagod lang kayo!" matalim na salita na sabi' niya sa amin dahil malaki ang loob ng kwarto na pinagdalhan sa amin, may mga pumasok pa na ibang tauhan ni madam sona dala ang mga naglalakihan na salamin at duon kami pinaupo bawat isa, napansin ko din ang mga nag gagandahan na apat na gown, bawat isa sa amin ay may nakatoka na mag aayos, at ang pumili sa akin mag ayos yung bakla na nagsukat sa akin, halos ayaw bumitaw sa akin ni karen, takot na takot pa din siya sa puwedeng mangyari, napapikit na lang ako' para kaming naghihintay sa aming kamatayan, habang inaayusan ako nanlalaki ang mata nung bakla sa nakikita niyang kinalalabasan ng itsura ko, "girl sa totoo lang kahit hindi na kita ayusan maganda kana talaga! pero heto talaga ang bilin ni madam ang lalo kayo pagandahin!" narinig ko na sumagot si lanie, "pagkatapos namin dito pakiayusan din ang amo ninyo dahil hinihintay na siya ng mapapangasawa niya' sa impyerno' kasama kayo!!!" hindi nila pinansin ang sinabi ni lanie tinawanan lang nila ito, narinig ko din sa kabila na nagagalit yung isang bakla sa pag aayos kay Karen, "ayy naku day huwag mo akong artihan dahil wala kana din magagawa! nasasayang tuloy yung make up mo e!!" pero iyak pa din ng iyak si karen, bigla din nagsalita yung nag aayos kay Cindy, napatingin ako kay Cindy para na siyang natutulala sa nangyayari, "kaya namin kayo lalo pinapaganda para yung taong makakabili sa inyo sa mataas na halaga'' ay siguradong mayaman" "kaya mga day pag nangyari yun edi buhay milyonarya din kayo!" sabi niya' bilang pangungumbinsi sa amin, alam ko na hindi iyon mangyayari, natatakot pa din ako sa imposibleng mangyari sa amin, kaya kailangan ko makapag isip ng mabuti kung ano ang gagawin, napabalik ako mula sa malalim na pag iisip nung biglang tumili yung bakla na nag aayos sa akin, "Eeeeee grabe girl sa lahat' ng inayusan ko Ikaw ang masasabi kong my perfect masterpiece ko!!" napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko' kahit ako nagulat sa ayos ko pero hindi ako natutuwa, halos sabay sabay din nila kami natapos ayusan, kinuha nila ang mga gown na para sa amin, pinasuot nila iyon sa amin bawat isa, lalong nagningning ang mata nung bakla na nag aayos sa akin, "sabi' ko sayo' e gagawan Kita ng gown na lalong magpapatingkad sa ganda ng katawan mo, tumingin ulit ako sa salamin may luha ng naglandas sa mata ko, akala ko hindi ako iiyak dahil kailangan ko mag isip para sa akin at sa mga kasama ko, pero nung tuluyan ko ng nakita ang itsura ko na nakasuot ng gown ay parang nawalan ako ng pag asa, pinangarap ko talaga ang makpag suot ng ganito kagandang gown pag ako ang ikinasal, Natupad nga siya pero sa maling dahilan, muling nagsalita yung bakla, "sigurado marami Ang mag uunahan sa iyo na makakuha kaya nga sa huling bidding ka ilalabas ni madam" hindi ko na inintindi ang sinabi niya', katulad kanina na nakita ko kay Cindy ganuon ngayon ang nangyayari sa akin, nakatulala ako na nakatingin sa salamin habang tinitignan ang Sarili ko, napalingon ako sa tatlong kasama ko, lalo ako naiyak at nalungkot dahil nakikita ko din sa kanila ang kawalan na din ng pag asa, nararamdaman ko na ito na ang huli namin pagkikita, napatingin ulit ako kay Karen nakatingin din pala siya sa akin habang umiiyak, natakot ako para sa kanya paano Kung mangyari sa kanya ang nangyari sa kaybigan ni lanie, bumukas Ang pinto at pumasok ulit si Madam Sona', marami na siyang Kasama na mga malalaki ang katawan pero mga nakakatakot ang mukha, may lumapit sa amin na lalaki bawat isa, napaatras ako sa biglang paglapit nung isa, tinakpan niyang bigla ang mata ko, narinig ko na nagsalita si Madam Sona' "mga girls kailangan piringan kayo sa mata' tulad ng sinabi ko wag na kayo manlaban at wala din kayo magagawa!" nang iinis na sabi niya', may narinig din ako na nagsalita boses ni lanie, "ipanalangin mo lang na heto na ang huli natin pagkikita dahil kung magkakaroon ako ng pagkakataon babalikan Kita!!" rinig ko na sigaw ni lanie na kinatawa lang ng malakas ni madam sona, "sige na akayin na sila palabas!" rinig ko na utos niya', Narinig ko din ang pagtawag ni karen sa pangalan ko, napakuyom ang dalawang palad ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD