five billion

1027 Words
Isinakay ako sa isang sasakyan dahil sa nakapiring ang mga mata ko hindi ko alam kung kasama ko din sa loob sila karen. Masyadong tahimik ang loob ng sasakyan' naramdaman ko na umaandar ito pero hindi ko alam kung saan papunta, Hula ko isang oras din ang itinagal ng biyahe bago ito tuluyang huminto, May humawak sa braso ko, Inakay ako palabas ng sasakyan at naglakad na hindi ko din alam kung saan ang punta, Naramdaman ko na umupo ako sa isang malabot na upuan ang sa hula ko ay kama, Naramdaman ko din na unti unti tinanggal ang piring sa mata ko, Unti unti nagliwanag Ang mata ko sa paligid nasa isang malaking kuwarto ako na wala kang makikita na kahit na anong gamit, Nakita ko din sa harapan ko ang isang napakalaking glass wall na tinted, Sinakop nito ang kabuuan ng napakalaking kwarto sa harapan ng kama, Na sapat na para makita ang kabuuan ng kwarto, Pilit kong tinitignan mula sa aking kinauupuan kung ano ang Puwede ko makita sa likod nito, Nillibot ko ang mata ko sa taas ng kisame ng malaking kuwarto, Nakita ko din na maraming mga nakakabit na cctv camera at hindi ko na matukoy kung ano pa ang iba, Nagulat ako sa biglang pagtunog ng isang maliit na speaker mula sa taas ng kisame, Merun biglang nagsalita dito', "Ni hao meinu?" Hindi ko alam kung anong lengwahe ang kanyang sinabi, Merun ulit nagsalita na ibang boses. "hi jamila" "kono on'nanoko ga hoshī " "naneun-yeojaleul wonhanda" "je veux cette fille pour ma mariée" Narinig ko din ang parang palitan pa nila ng mga salita, Bigla silang natahimik lahat ng may nagsalita galing naman sa kabilang speaker na nakakabit din sa kisame. "Listen you all' I know you are all excited to know! who among you will be the most beautiful bride in front all of you!" Napakuyom ang palad ko dahil narinig ko ang boses ni madam sona, "lei adesso è mia" Biglang sagot nung isang boses sa speaker, "Then let's start the bidding!" Boses ni madam sona, "first Price 10 million!" Gulat na gulat ako sa sinabing halaga'ni madam sona, Totoo nga ang sinasabi ni lanie nangilabot ako sa mga naririnig ko, Pataasan nga sila ng mga presyo "100 million!" Sagot nung lalaki sa kabilang speaker Narinig ko na nagbubulungan sila sa ibat ibang lengwahe nila. "That's the last one?" Narinig ko na tanong ni madam sona na nasa kabilang speaker pa din, Narinig ko pa din ang pagbubulungan ng maraming boses sa kabilang speaker, '"five billion!" Natahimik ang lahat nung biglang nagsalita sa isang speaker ang nagsabi ng five billion, napatingin ako sa boses kung saan nanggaling iyon, Sa hula ko ang huling nagsalita ay hindi kasama ni madam sona at nung iba pang mga lalaki na naririnig ko na nagbubulungan at nagsasalita ng ibat ibang lengwahe, "There is even more to offer in that private room?" Boses ulit ni madam sona, Pero bulungan lang ang mga naririnig ko sa speaker, "Ok at the end of bidding Madison Mckenzie will marry the man in private room one!" "thank to all of you!! we will see you at the next bidding!" Pagtatapos ni madam sona sa nagaganap ngayon, Natahimik ulit ang buong kwarto dahil naka off na lahat ng speaker, Nakaupo pa din ako sa kama, nanlalambot ang buong katawan ko sa nangyari kanina, bumuhos ang luha ko' ngayon ako pinaghinaan ng loob, dahil wala sila lanie' Cindy' at karen sa harapan ko gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko na takot para sa Sarili ko, walang tigil ang pagluha ko, wala ako pakaeelam kahit humulas man ang make-up ko, "mga hayuup kayo!!!!" sigaw ko sa buong kwarto'ngayon ko gustong lumaban, ngayon ko gustong sumigaw' bakit nangyayari sa akin ito!! mga hayup kayo!!!! mga hayup kayo!!! patuloy na sigaw ko, pinagsisira ko ang gown na suot ko, wala ako pakaeelam ngayon sa laging banta ni madam sona, pati buhok ko ginulo ko at ang make up na nasa mukha ko pinagbubura ko gamit ang palad ko, wala ako pakeelam kahit ano pa ang maging itsura ko, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na hula ko ay tauhan ni madam, nagulat sila sa itsura ko, kinuha nung isang lalaki ang phone niya' at may tinawagan, saglit lang bumukas Ang pinto, nanalalaki ang mata ni madam sona sa nakikita niyang itsura ko, "tarantado kang babae ka ngayon kapa nag inarte ha!!!" sigaw niya sa akin na nanlilisik ang mata, susugurin dapat niya ako nung biglang nagring ang phone niya', sinagot niya' ito at napatingin sa itaas ng kisame at naglaho ang kanina na mabangis ang mukha, pagkapatay niya nung phone niya tumingin siya sa akin, "swerte ka talagang babae ka!" ngiting aso na sabi niya sa akin, pero bago siya tumalikod tinanong ko siya, "nasaan sila karen' Cindy at lanie?" Galit na tanong ko sa kanya habang lumuluha, tumingin siya sa akin at nang iinis na tumawa, "tulad ng nangyayari sa iyo ngayon ganoon din sila!" tinignan pa niya ako mula ulo hangang paa, "Yun nga lang mas sinwerte ka at ako din dahil ikaw ang may mas malaking offer na natanggap ko!" "hayuup ka! demonyo ka!" nanlilisik ang mata ko na sigaw ko sa kanya, "palaban kana ngayon ha?" nangiinis na sabi niya sa akin, "gagawin ko ang lahat!" "makakawala lang sa ganitong sitwasyon at pinapangako ko hahanapin Kita demonyo ka!" sigaw ko ulit sa kanya, natawa lang siya sa sinabi ko, "Kung magkikita pa tayo!" sagot niya sa akin bago lumabas ng pinto Kasama ang mga tauhan niya', umiyak ako ng ubod ng lakas sa kwarto na iyon, "ahhhhhhhhh mga hayup kayoooo!!! Galit na galit ako sa mga taong nasa likod ng lahat ng ito! pati dun sa mga mayayaman na matatandang negosyante na tumatangkilik dito! kung hindi din dahil sa kanila ay hindi naman magtatagumpay ang ganitong kalakaran, isa isa kong tinignan ang lahat ng cctv na nasa kisame at pagalit na pinagsisigawan habang minumura isa isa, hindi ko alam kung may tao na nanunuod duon.. lahat nang galit ko ay nilabas ko sa mga cctv na tila pakiramdam ko ay may nanunuod sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD