I dream of you

1114 Words
Binalewala ko ang biglang sumingit sa isip ko' napatingin na lang ako kay tessa habang pumipili siya ng kanta sa songbook. "Ate alam mo ba yung kanta na You're so beautiful in white?" Biglang tanong sa akin ni tessa, " Oo bakit?" Sagot ko sa kanya' dahil minsan ko na din kinanta iyon sa simbahan habang may kinakasal, "Kantahin nyu mamaya ni kuya Rex ah" bigla niyang sabi sa akin' "Ha? siya na lang" Pagtanggi ko kay tessa. "Ate naman e' "Ako na lang tessa nahihiya pa kasi si madison mapapakanta din natin siya" Biglang sagot ni Rex na kinalingon ko sa kanya' habang iniinom ang can beer na hawak niya. Nakapili na si tessa na kakantahin niya' habang kumakanta ito ay naubos ko na pala ang isang can beer na hawak ko. Pinagbuksan ulit ako ni rex ng isa pa at inabot sa akin, "Thank you" Sagot ko sa kanya, "Your welcome" Sabi niya sabay ngiti' at kakaiba ang tingin niya sa akin. kaya agad kong iniwas na ang mata ko sa kanya. "Rex ilang taon kana na nagta-trabaho sa Master mo?" Bigla ko natanong sa kanya' nakita ko ang bigla niyang pagtahamik. nagkamali ata ako ng tanung, Baka makahalata siya' sa isip isip ko. "Sobrang tagal na hindi ko na matandaan dahil bata pa lang ako nandito na ako" Sagot niya sa akin' at biglang inom niya sa hawak na can beer. "Ikaw madison kung makikilala mo ba si Master tingin mo mamahalin mo siya'?" Bigla naman niyang tanong sa akin' natahimik din ako, dahil bakit iyon ang bigla niyang tanong sa akin? hindi ko pa nga nakikita ang master nila. Wala nga ako idea kung matanda ba siya o bata? pangit ba siya? kasi bakit sila sumasali sa mga ganoon na klase na bidding Marriages? Sa sobrang yaman niya wala ba siyang kakayahan na magkaroon ng asawa na hindi kailangan dumaan sa ganoon na aktibidad? Lalo ako na-curious sa master nila, dapat talaga mag-ingat ako sa lahat nang kilos ko. "Hindi ko pa masasabi yan rex! paano ko mamahalin ang sinasabi na master mo kung hindi ko naman siya Kilala" Sagot ko sa kanya' habang ang tingin ko ay nasa monitor ng malaking tv' dahil kumakanta na si tessa, pero dahil magkalapit lang ang upuan namin naririnig namin ang sinasabi ng bawat isa. "Paano kung makikilala mo na siya'?" Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya' dahil ang totoo galit ako sa master niya na hindi ko pa nakikita. Galit ako sa lahat ng bumubuo ng organisasyon na iyon na dahilan kung bakit nandito ako! at sa mga tumatangkilik sa organisasyon na iyon Kasama na ang master nila! "Hindi ko gusto ang dahilan kung bakit nandito ako rex' kaya Sana alam mo ang sagot ko sa tanung mo!" Matigas na sagot ko sa kanya' hindi ko na pinag-aksayahan na tignan man lang siya. Kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. "Gagalangin ko ang sagot mo' pero madison Puwede mo naman ako maging kaybigan diba?" Napalingon ako dahil sa sinabi niya' nakita ko ang pakiusap sa mga mata niya kaya nagtaka ako. Pero binalewala ko na lang' dahil isa na din itong daan para makuha ang tiwala niya. "Oo naman rex" Nakangiti kong sagot sa kanya' na kinangiti na din niya. "Yeheyy mukhang magka-karoon na nang baby dito sa bahay" Nagulat ako sa pabiglang pagsigaw ni tessa at sa sinabi niya. "Tessa itigil mo na iyang pag inom mo' nakakarami ka na yata!" Sabi sa kanya ni Rex, at sa akin naman bumaling si Rex. "Pasensya kana kay tessa lasing na e' natutuwa lang siya para kay master" Sabi naman niya sa akin' hindi na lang ako kumibo. Hindi ko nama-malayan na napaparami na pala ako nang iniinom. "Ate kumanta kana gusto ko marinig yung boses na ipinag-mamalaki ni master" Hindi ko alam kung tama ako ng pagkakarinig sa sinabi ni tessa' dahil medyo malakas ang kanta na pinatunog ni rex dahil rock ito, Napansin yata ni rex na nairita ako sa pinapatugtog niya kaya pinalitan niya ito, Isa na itong love song' napansin ko din ang pagtayo ni Tessa at namatay ang ilaw. Tanging liwanag lang sa tv ang nagbibigay nang liwanag sa amin. "Bakit mo pinatay ang ilaw tessa?" Tanong ko sa kanya' "Ayaw mo kasi kumanta ate e' kaya tara sasayaw na lang tayo" Sabay hila niya sa akin' sa harapan ng tv akala ko kami ang sasayaw pero bigla din niyang hinila si Rex sa gitna, Nagulat pa ako sa biglang pagbunggo nang balikat namin dahil sa ginawa ni tessa na paghila din kay rex, "Kuya Rex isayaw muna lang si ate madison para Kumpleto ang celebration natin diba?" Sabi niya kay rex na nasa harapan ko na' hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatutol sa ginawa ni tessa, Umalis sa harapan namin si tessa at bumalik kung saan siya naupo. Dahil sa liwanag ng tv sa harapan namin hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkindat ni Rex kay tessa. napansin ko din na nagbago ang tugtugin'. *****Don't know What to say****** Habang nag uumpisa ang kanta kinuha ni Rex ang dalawang kamay ko at nilagay niya sa balikat niya. "Pagbigyan na natin si tessa madison" Sabi niya sa akin. at naramdaman ko na humawak na siya sa bewang ko.. Nag-umpisa nang umawit Ang kantang napili ni tessa. I have love you only in my mind but I know that there will come a time to feel this feeling I have inside... Naptitig ako sa mukha niya. hindi ko alam parang inaakit ako nang mga mata niya. You're a hopeless romantic is what they say falling in and out of love just like a play... memorizing each line... I still don't know what to say.... What to say.... Naramdaman ko na umalis ang isa niyang kamay sa bewang ko at pumunta ito sa ulo ko para ipatong sa balikat niya' hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, Dahil sa ginawa niya nagkalapit ang katawan namin' naamoy ko ang pabango niya. Don't know what to do Whenever you are near don't know what to say' my heart is floating in tears when you pass by I could fly.. Dahil hindi naman kalakasan ang kanta. narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "Madison pakingan mo ang kantang maririnig mo. yan ang gustong iparating sa'yo ni master" Narinig ko na sinabi niya. Every minute every second of the day I dream of you in the most special ways.. you're beside me all the time.. all the time.. Napaisip ako sa sinabi niya paano na pinangarap ako ng master? niya e hindi ko pa nga ito nakikita at lalong hindi ko ito kilala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD