26 SUOT ang damit pang-opisina ay hindi matahimik si Blesserie sa loob ng kanyang kwarto. Today is another day to face the maniac, Harry the hallyparrot. Kahapon ay hindi niya pinansin ang mga tawag niyon at text messages. Naiilang kasi siya nang husto dahil sa pagsipsip niyon sa kanyang p********e. Yayk! Wala sa loob na napatigil siya sa paghakbang at naipagdikitan ang mga tuhod, tutop ang kanyang kayamanan. Totoong mala drakula ang lintik niyang boyfriend sa walang humpay na pagsipsip na tinalo yata ang linta. Hindi siya pinatulog ng pangyayaring iyon at sininat pa siya nang madaling araw dahil sa sobrang puyat. Kapag napapapikit siya ay bumabalik sa balintataw niya ang nangyari kaya napapamulat siya kaagad, tapos nararamdaman niya na umaalon ang puson niya at parang nagtutubig ang