25 HANGOVER— That's what Harry had when he woke up, cupping his head as he sat on the couch. Nahulog ang isang mamasa-masang bimpo galing sa noo niya kaya nakaawang ang mga labi na napatunganga siya roon. Ano siya? May lagnat? Isinusumpa niya ang alak ang lintik na selos, ang lintik na pagkahumaling kay Blesserie na sa katakutan niyang ma-break nang wala sa oras ay lumayas siya sa bar matapos na pagpalit-palitang inumin ang iba't ibang klase ng alak. Mariin siyang napapikit pero parang sa gunita niya ay may nakita siyang tsinelas na iisa ang strap at sobrang taas kaya napamulat siya ulit. Motherfucker of mercy! Sino ang kasama niyang umuwi? Oh god, baka may ibang babae siyang tinikman kagabi at sa kaisipan pa lang na iyon ay para na siyang mauutasan ng hininga. Mawawala ang tentasy