"HINDI NA NAMIN sila nahabol, Sir. Bernard. Gumawa sila ng paraan para hindi namin sila mahabol. Bumaba sila sa kotse, sumakay sa isang motor, at pinasabog ang sasakyan." "So, anong gusto mong gawin ko? Ngumiti dahil sa kapalpakan niyo, ha? Kung hindi kayo mabagal kumilos, e 'di sana nakuha niyo na si Blaire? Tatanga-tanga kasi kayo. Umalis kayo sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko. Baka mapatay ko pa kayong lahat!" nakatiim na asik ni Bernard sa mga lalaking nasa harapan niya. Halos manlisik na ang mga mata niya sa mga ito. Tumango lang sila at umalis na. "Damn!" singhal niya dahil sa gigil. Hindi siya makapaniwala na makakatakas agad si Blaire ng ganoon na lang. Hindi talaga siya maaaring magkamali dahil si Sergio talaga iyon. Nang abangan niya ang mga ito sa gate, hindi sila

