bc

The Rebellious Love

book_age18+
969
FOLLOW
4.9K
READ
drama
tragedy
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

"Dalawang milyon tol..malaking halaga na yun para sa pangangailangan nyo ng inyong samahan.....Ingatan nyo lamang si Laila.Babalikan ko din siya matapos ang anim na buwan pero siguraduhin mong hindi masasaktan ang mapapangasawa ko at wala siyang malalaman sa planong ito."

Habilin ni Rigor na isang life insurance agent sa kanyang kaibigan at dating kaklase na si Isagani,isang taong labas..sa madaling salita..isang NPA.

Anong kapalaran ang naghihintay sa tatlong nilalang na ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Mama, bayad po isang Malinta." abot ni Laila sa driver ng jeep. Ginabi na siya galing sa pakikipag meeting sa coordinator para sa kanilang kasal ng kanyang boyfriend na si Rigor. Bagamat limang buwan pa naman bago ang kanilang kasal, nais nilang asikasuhin ng mas maaga ito dahil na rin sa parehong busy nilang schedule. Isang elementary teacher si Laila sa isang public school sa Maynila samantalang isang life insurance agent naman si Rigor.Tatlong taon na din silang magkasintahan bago sila nagdesisyon na magpakasal.Kahit papaano ay nakapag ipon na din sila dahil na din sa mga komisyong nakukuha ni Rigor at sa sarili niyang ipon dahil sobra sobra na ang kanyang kinikita kahit sinusuportahan pa niya sa pag aaral ang kanyang dalawang kapatid. Nais na ni Rigor na kumuha ng financing car pero inawat siya ni Laila at nais nitong paglaanan muna ang kanilang kasal bago kumuha ng sasakyan. Ayaw pa sana siya pauwiin ni Rigor pagkatapos ng meeting nila sa wedding coordinator. Nais nitong yayain pa siya sa 'biglang liko'. "Love,malapit na naman tayong ikasal i advance na natin ang honeymoon." si Rigor. "Love,tatlong taon nga nakatiis kang wala, ilang buwan na lang hindi mo pa ba mahihintay.Para naman well-deserved kong magsuot ng white wedding gown." sagot ni Laila Ilang ulit ng hiniling ni Rigor na may mangyari sa kanila ni Laila nung mga unang buwan na sila ay mag-on na. Subalit hindi pumapayag si Laila. Hindi naman siya ganun ka conservative pagdating sa virginity, pero ipinangako niya sa sarili niya na ibibigay lang niya ang kanyang pagkababae sa kanyang papakasalan. Kaya naman ilang naging boyfriend niya ang nakipag break sa kanya sa ganung dahilan. Lalo niyang napatunayan na may kababawan ang pagmamahal sa kanya ng mga naging past boyfriends niya... gusto ay may sex agad. Minsan na din silang nag break ni Rigor ng dahil duon, subalit dahil mahal talaga ni Rigor si Laila kaya't nagtiyaga siya at naghintay. Lingid sa kaalaman ni Laila, ay nakikipag one night stand si Rigor upang mairaos ang paminsan minsang tawag ng laman. Habang inaabot niya ang bayad sa driver ay may sumakay na dalawang lalaki na pawang umupo sa dulo ng jeep malapit sa estribo. Napatingin siya sa mga ito at sa tingin niya ay magkakilala ang mga sumakay. Siya naman ay nasa likod lamang ng driver. Nais sana niyang umusog dahil alam niya na siya ang tiyak mag aabot ng bayad ng mga lalaki pero wala na siyang pagpipilian dahil siya na lamang ang bukod tanging pasahero bukod pa sa magkasintahan na nakasakay katabi ng driver. Makalampas ng Monumento sa Caloocan ay nag ring ang phone ni Laila. "Love,saan ka na niyan? Pasensya ka na at hindi na kita nahatid alam mo namang mahirap ng sumakay pag ganitong oras pagkagaling senyo." si Rigor sa kabilang linya "Okey lang love. Lagpas Monumento na. Ingat ka din."sagot niya "Bye Love you." "Love you too." Pagkatapos ng tawag ni Rigor ay napasulyap si Laila sa lalaki sa kahilera niya. Tama nga hinala niya na nakatingin ito sa kanya. Nakasumbrero man ito at natatakpan ng visor ng sumbrero nito ang ilaw ng jeep, natanawan niyang nakatingin sa kanya ito. Sinulyapan niya ang katapat na kasama nito. Tahimik lang, nakasandal at nakatingin sa kasama. Biglang tumunog ang cellphone ng lalaking nakatingin sa kanya. Nabalik ang tingin niya dito. May nagtext lang sa lalaki, pagkabasa ay pinamulsa na ulit ang phone at nahuli nitong nakatingin siya dito. Kaya't ibinaling na lang niya ang atensiyon niya sa kanyang cellphone at naisipan na lang niyang mag bukas ng facebook para malibang. Kahit sa cellphone siya nakatingin, sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang makilos ang lalaki sa kahilera niya. Tinitingnan ang dinadaanan ng jeep na sinasakyan nila. Tingin sa kanan.. tingin sa kaliwa. Dahil madilim maaring inaaninaw nito ang daan at baka lumagpas ito. Naramdaman din niyang may kinukuha ito uli sa bandang bulsa, siguro ay magbabayad pero hihintayin na muna niya itong magsalita. Nararamdaman niyang umusog papalapit sa kanya ang lalaki, dahil malayo ang kanilang distansya, dulo sa dulo, para madali nitong maiabot ang bayad. "Boss para po sa tabi." sabi ng lalaking kahilera niya. Alam ni Laila na hindi pa bayad ang dalawang lalaki at alam din ng driver dahil wala naman naging ibang pasahero simula nung sumakay sila. "Hindi pa po kayo bayad. Magkasama po ba kayo nung isa?" sabi ng driver "Ihihinto mo o pasasabugin ko ang ulo mo" biglang tumigas ang boses ng lalaki. Paglingon ni Laila laking gulat niya ng makitang may tangang baril ang lalaki at nakatutok yun sa driver. Dahil sa nasa likod siya ng driver, hindi niya malaman ang gagawin kung yuyuko ba siya o halos idikit na niya ang likod sa sandalan maiwasan lamang ang pagkakatutok ng baril ng lalaki. Inihinto agad ng driver ang sasakyan sa madilim na kalsada. Mabilis na bumaba ang kasama nitong lalaki at bumunot din ng baril sa bewang. Pinuntahan ang pasaherong katabi ng driver at pinababa ang mga ito. Sa takot ay nagmamadaling bumaba ang dalawa at nagtatakbo. "Anong pakay ng mga ito. Holdap ba to? Bakit hindi hinoldap yung dalawa?" nanginginig sa takot na iniisip ni Laila. Iniisip na lang niya na baka yung driver at siya ang hoholdapin dahil nahalata ng mga ito na mga bata ang dalawang magkasintahan at wala pa itong mga pera. Mabilis ang isip niya. Ibibigay niya anuman ang hingin ng mga ito. Hindi na niya itinago ang cellphone na hawak. Pagkababa ng dalawang nasa harap ay sumakay ang lalaking nagpababa sa mga ito at tinutukan din ang driver. "Baba...baba." sigaw ng lalaki Hindi na nakapagsalita ang driver maaring sa takot ay bumaba agad ito. Hinihintay naman niyang siya ang pababain ng mga ito, at nais lamang itakbo nito ang jeep. "Sige itakbo mo na." sigaw ng lalaking kahilera niya sa lalaki sa harapan. Nataranta bigla si Laila. Bakit siya naiwan? Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya pero nagkaroon siya ng tapang na magsalita. "M..mga...ku kuya...holdap ho holdap po.bba to?? Ibibigay ko po lahat pera ko..." pakiusap ni Laila na may halong nerbiyos "Hindi namin kailangan ng pera mo. Tol tara bilisan mo na." sagot ng lalaki sa loob ng jeep. Mabilis na pinaandar ng lalaki sa harap ang jeep. Binilisan nito ang pagda drive. "Maawa na po kayo..kuya...ibaba nyo na din po ako....please naman po..maawa po kayo." naiyak na si Laila sa takot "Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan." sagot ng lalaki sabay tutok sa kanya ng baril. Napapikit ng mariin si Laila sabay tabing ng mga kamay sa kanyang mukha. Nanginginig ang buo niyang katawan. "Miss,hindi ka namin sasaktan. Wag ka lang mag isip ng pagsigaw o gumawa ng kahit anong pag iingay at baka makalabit ko tong baril ko." "Diyos ko...saan ako dadalhin ng mga iyo. Diyos ko kayo na po bahala sa akin..rereypin ba ko ng mga ito?" muni muni ni Laila Akap ang kanyang bag ay idinukmo niya ang kanyang ulo upang hindi masalubong ang mga mata ng lalaki na nakatitig sa kanya. Dahil sa natatabingan ng bag, naisip niyang gamitin ang cellphone dahil alam niyang hindi naman ito natatanaw ng lalaki. Ikinalog kalog niya ang kanyang balikat upang isipin ng lalaki na siya ay humihikbi at umiiyak kaya siya nakadukmo. Naisipan niya agad itext si Rigor upang humingi ng tulong. Magtetext na siya ng biglang may humatak ng kanyang bag. "Akina yan. Di ba sinabi ko na sayo na wag kang gagawa kahit anung aksyon kung ayaw mong masaktan." sabay hablot ng lalaki sa cellphone ni Laila. "Ano bang kailangan nyo sa 'kin?Maawa naman po kayo...ibaba nyo na po ako. Please." lumuluhang sabi ni Laila Hindi niya kinakitaan ng pagbabago ng ekspresyon ang mukha ng lalaki sa kabila ng kanyang pakikiusap. Nakatitig lamang sa kanya ito at nakakunot ang noo. Dahil sa walang trapik, mabilis ang naging byahe nila. Hindi na niya alam kung nasaan sila. Nasa kalahating oras na silang nasa byahe. Hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan pero sigurado siyang lampas na ang papunta sa kanila. Sinulyapan niya muli ang lalaki, saglit niya lang itong tiningnan pero sigurado siya na hindi na nakakunot ang noo nito pero nakatingin pa rin sa kanya. Dahil madalas ang poste sa kanilang dinadaanan, naaninag niya na hindi pa pala matanda ang kumidnap sa kanya. Sa tantya niya ay hindi sila naglalayo ng edad. Gayundin ang lalaking nag da-drive. "Diyos ko, mga adik yata tong mga to. Tulungan nyo po ko Lord." bulong ni Laila "Marami pa ba gasolina yan tol?" tanong ng lalaki sa loob. "Mukhang paubos na" sagot ng nag da-drive "Magpa gas ka pag may nadaanan." sabi ng lalaki sa loob ng jeep Nagsasalita man ang lalaki pero ang tingin nito ay hindi inaalis kay Laila. "Tol,ayun mukhang may gasolinahan na madadaanan." ang driver "Sige pakarga muna tayo. Miss, gaya ng sabi ko, yung pinag usapan natin. Kung ayaw mong... pung."sabay senyas ng pagbaril nito. Pamenor na ang lalaking nag da-drive ng biglang may padating na nagwa wangwang sa kanilang likuran. Malakas ang sirena nito. Nabuhayan ng loob si Laila. Maaring na ireport na sa mga pulis ang nangyari. Naalarma bigla ang lalaki sa loob. "Tol idirecho mo wag ka muna magpa gas." kasabay nito ay lumapit ang lalaki sa kanya sabay akbay pero nakatutok ang baril sa tagiliran niya. "Kunwari magsyota tayo. Umayos ka miss. Sumandal ka sakin bilisan mo." utos ng lalaki. Mabilis ang wangwang. Aabutan na sila. "Tol bilisan mo ng konti." sigaw ng lalaki sa loob. "Relax ka na tol. Ambulansya pala. Nakita ko na agad dito sa salamin. Bawasan mo pagkakape. hehe." sagot ng driver "Gago..tingin ka na ulit gasolinahan o kaya ibalik mo na dun baka matuyuan pa tayo." sabi ng lalaki sa loob Nawalan na naman ng pag asa si Laila sa kanyang sitwasyon. Lumagpas na ang ambulansya pero hindi pa din inaalis ng lalaki ang pag kakaakbay sa kanya. Hindi na lang ito ganun kahigpit gaya ng kanina nung nataranta ito na akala ay pulis na. Tumingin siya sa labas upang alamin kung nasaan na sila at sa kanyang paglinga linga ay nakita niya sa mga establishment dun na may karatula at nakalagay ang address na nasa Bulacan na sila. Nagpatuloy ang kanilang pagbyahe. Sa tantiya ni Laila ay nagsasabi ng totoo ang lalaki na hindi nga siya sasaktan ng mga ito. Pero ano ang pakay sa kanya ng mga ito?a At saan siya dadalhin? "Baka kaya ibebenta ko ng mga ito. Akala ko bata lang ang kinukuha? Kaya pala hindi ako sasaktan. Diyos ko, wag naman po sana. Kung hindi ako rereypin ng mga ito at hindi din ako hoholdapin, malamang nga ibebenta ko ng mga ito." sa loob loob niya. Naglakas loob na siyang magtanong ulit. "Ku..kuya...parang awa nyo naman po oh.. kung ibebenta nyo po ako.. sabihin nyo na po kung magkano po kikitain nyo.. may ipon naman po ako.. ibibigay ko na lang po.. please po. Hindi ko din po sasabihin kahit kanino palayain nyo lang po ako." "Makulit ka miss. Sinabi ko na hindi namin kailangan ng pera mo. Manahimik ka na lang diyan. Matulog ka, paggising mo andun na tayo sa pupuntahan natin. Wag ka mag alala, hindi ako manyakis." Hindi na nakapagtimpi si Laila. "KUNG HINDI EH ANO BA TALAGA KAILANGAN NYO SA AKIN HA..PAPATAYIN NYO BA KO? PATAYIN NYO NA KO NGAYON. O KAYA AKO NA PAPATAY SA SARILI KO." Kumawala si Laila sa pagkakaakbay ng lalaki at tumungo sa pinto ng jeep at umakmang tatalon habang umaandar ang jeep. Mabilis na nayakap siya sa bewang ng lalaki. Nagpumiglas pa din siya. Lahat ng lakas niya ay inilabas niya. Iniisip niyang kung mamatay din lang siya ay mamatay na. Subalit kahit anong lakas ang ipakawala niya ay nakabig pa din siya ng lalaki at ibinalik siya sa upuan. Hindi pa din siya tumigil sa pagwawala, binalingan niya ang driver, hinawakan nito ang dalawang braso upang likutin ang manibela. Muli ay hinatak siya ng lalaki sa loob ng jeep, pagkaharap sa kanya ay binigyan siya ng isang suntok sa kanyang sikmura upang maging dahilan para mawalan siya ng malay. "Muntik na tayo dun"." sabi ng lalaking nag da drive. "Grabe tong babaeng to. Ang lakas. Kinabahan din ako dun." sabi ng nasa loob Nang biglang tumunog ang phone ulit ng lalaki. "Pare, kamusta na?" message ng lalaking nagtext. Tinawagan ng lalaki ang nagtext. "Hello tol. Pasensya na nasikmuraan ko nawalan ng malay." "Di ba sinabi kong wag mong sasaktan." sagot ng nasa kabilang linya. "Eh ano gagawin ko?Nagwawala.tatalon pa sa jeep." sabi ng nasa loob ng jeep "Tsk.tsk.. Basta tol, siguraduhin mong okey yan ha. Saan na ba kayo nyan?" lalaki,sa telepono "Pampanga na." lalaki sa jeep "Balitaan mo ko tol. Basta paaalala ko sayo wag na wag mong sasaktan yan." "Basta yung napagkasunduan natin eh tutuparin mo din." "Makakaasa ka." "Sige na at baka magkamalay na to." "Sige tol." Inihiga ng maayos ng lalaki si Laila sa upuan ng jeep. Naka uniform pa din ito ng teacher. Pag angat niya ng paa nito ay bahagyang lumilis ang palda nito at nakita niya ang makinis at maputing binti at kalahatian ng hita ni Laila. Nakaramdam ng init ang lalaki subalit nais niyang tuparin ang usapan nila ng lalaking kausap na hindi niya gagalawin o sasaktan ang babaing dinakip nila. Anim na oras ang kanilang binyahe at nanitili pa ding walang malay si Laila. Na nagtuloy na din marahil sa pagtulog, dahil sa pagod at antok. Ang lalaki naman ay paminsan minsang napipikit subalit nilalabanan nito ang antok na nararamdaman. Hanggang sa huminto ang kanilang sinasakyan. "Miss... miss... gising.." Napabalikwas si Laila mula sa pagkakahiga. Pinakiramdaman agad ang sarili kung may nabago o masakit sa kanya. Nang masiguro niyang walang nangyari ay muli siyang nagtanong. "Saan na tayo? Ano ba talaga kailangan nyo po sa akin?" tanong ni Laila "Bukas ko na sasabihin sayo. Tara na at malayo layo pa lalakarin natin." sagot ng lalaki. Iniwanan na lang nila ang jeep sa gilid ng kalsada at nagsimula silang maglakad. Dahil madilim pa din, ay hindi malaman ni Laila kung nasaang lugar sila. Puro kalsada ang nakikita niya at pinasok nila ang masukal at mapuno na lugar na parang gubat. Tanging flashlight lamang ng dalawang lalaki ang nagsisisilbing liwanag at gabay nila. Wala silang nadadaanang mga bahay. Hanggang namalayan niya na parang mabigat ang mga hakbang niya, parang paitaas. Hindi nga siya nagkamali at bundok pala ang kanilang tinatahak. Hindi nawawala ang nerbiyos kay Laila. Sari saring agam agam ang gumugulo sa kanyang isipan. Nauuna ang isang lalaki at hawak naman siya sa isang braso ng lalaking kasama niya sa loob ng jeep. "K-kuya, malayo pa po ba? Pagod na pagod na po ako." daing ni Laila "Sumunod ka na lang." sagot ng lalaking nauuna "Pwede po ba wag nyo na ko hawakan. Hindi naman ako makakatakas. Hindi ko alam tong lugar na to at napakadilim." si Laila "Minsan mo ng tinangkang tumakas. Tara na ng makarating tayo sa pupuntahan natin." sagot ng may hawak kay Laila Isang oras silang naglalakad ng matanawan ni Laila na parang may mumunting liwanag sa kanilang papalapit na pupuntahan. Maaaring dun na ang destinasyon nila. Hindi nga siya nagkamali ng sapitin nila ang may mga liwanag na sa tingin niya ay  mga barracks, at ang iba ay parang mga kubo, parang isang maliit na village at tanging mga gasera at sulo lang ang nagbibigay ng liwanag. Dinala siya ng dalawang lalaki sa isang barracks. "O miss, dito ka magpalipas ng gabi. Dito muna kaming dalawa sa labas. May tubig diyan kung nauuhaw ka." sabi ng isang lalaki Matapos magsalita ng lalaki ay isinara na nito ang parang kurtina na nagsisilbing pinto na tumatakip sa bahay bahayan na yun. Matapos maiwang mag isa si Laila sa loob ay nilinga niya ang paligid. May isang gasera na nagbibigay liwanag sa loob. Ang mga dingding ay gawa sa sawali. Ang bubungan ay parang pinagtapal tapal na plywood. May isang makitid na papag na pang isahan at walang unan. Walang gamit sa loob ng bahay bukod sa mga pinggan at galon ng tubig. Mga kahon sa tingin niya ay mga damit ang laman. Napakadaming alalahanin ang pumasok na naman sa kanyang isipan. Ano ba talaga planong gawin sa kanya ng mga dumukot sa kanya?Sino ang mga ito? Saang lugar sila naroroon? Paano na propesyon niya?Hinahanap na kaya siya ng ate niyang tinutuluyan niya? Si Rigor? Paano siya makikita ni Rigor. Ang kasal nila, paano na maaasikaso? At hanggang kelan siya magiging bihag ng mga lalaking dumukot sa kanya? Dahil sa mahabang paglalakad at nabitin niyang pagtulog ay dinalaw agad ng antok muli si Laila. Nagising siya sa mga yabag ng mga maraming tao na nagpaparoo't parito. May bahagyang siwang ang dingding ng bahay at sumilip siya roon. Laking gulat niya ng matanawan na maraming tao sa labas. Mukhang mga abala ang lahat. Mas higit na nakapagpagulat sa kanya ay may mga armas karamihan ng naroon. Mayroon ding mga kababaihan at mga bata. Tama kayang iniisip niyang mga NPA ang mga dumukot sa kanya. Natanawan na lamang niya bigla na may dalawang pares na paa na palapit sa kanyang kinaroroonan. Nagmadali siyang humiga muli ay nagtulug tulugan. Pumikit siya at nakiramdam. Naramdaman niyang pumasok ang mga ito at palapit sa kanyang higaan. Hindi pa din siya dumidilat. "Miss.. miss gising na tanghali na." naramdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya at boses ng lalaki ang gumigising sa kanya. Nagkunwari siyang kakagising lang at nagulat. Bigla siyang umupo at yumuko. "Miss, siya si Ka Lota. Pinakita kita sabi ko magkasukat kayo at pahiramin ka ng damit. Bumangon ka na diyan magkape ka na at magpalit ka na ng damit." Unang tiningnan ni Laila ang sinasabi ng lalaki na Ka Lota. Nasa edad 40 na ito, manipis lang ang katawan pero mukhang mabait ang bukas ng mukha at nakangiti agad ito sa kanya at inabot agad ang kamay nito para makipagkamay sa kanya bilang pagpapakilala. "Ako nga pala si Isagani. Gani na lang for short." pakilala ng isang lalaki Saka niya binigyang pansin ang pinagmumulan ng tinig. Ito din ang lalaking dumukot sa kanya, nakilala niya dahil suot pa din nito ang sumbrero, ang jaket na maong at ang kupas na pantalon.Nakangiti din ito sa kanya. Mukha ding mabait si Isagani sa tingin niya. "Sorry nga pala kagabi ha. Peace na tayo ha." sabi ni Isagani na nakangiti Hindi pa din kumikibo si Laila. Nakuha man niyang makipagkamay kay Ka Lota pero hindi kay Isagani dahil naaalala pa din niya ang ginawa nito sa kanya. "Mawalang galang na po. Baka naman po pwede ko ng malaman kung bakit nyo po ako dinukot at ano po ba kailangan nyo sa 'kin?" tanong ni Laila na may pangamba pa ding nararamdaman "Miss huminahon ka. Hindi ka maaano dito. Magkape ka muna at magpalit ng damit. Si Isagani na magpapaliwanag sa yo." si Ka Lota ang sumagot. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Isagani. Nahalata yun ng lalaki at bahagya itong ngumiti. "Alam mo mam. Kailangan namin ang isang gaya mo dito sa amin. Maraming bata dito na lumalaki at ayaw naming maging mangmang. Kailangan matuto silang bumilang, sumulat magbasa at kung anu pang pwede nilang matutunan na parang pumapasok na din sila sa paaralan." "At paano mo naman nalaman na teacher ako?" tanong ni Laila Bahagyang nagulat si Isagani sa tanong ni Laila. "Ah.. uhm.. ayan oh.. obvious naman sa uniform mo di ba Mam. Saka wag ka mag alala, hindi ka naman pang matagalan dito. Mga anim na buwan. Siguro naman marunong na mga bata dito sa amin nun. May mga binatilyo na nga dito at dalagita na wala pa ding alam eh." si Isagani "Paano kung ayoko?" may taray ng konti na sagot ni Laila "Maganda yang tanong mo na yan." sabay hubad ng sumbrero ni Isagani. "Isagani, eto na ang kape ni Mam. Miss ano na nga pangalan mo?"singit ni Ka lota. "Ah.. Laila.. Laila Poblete po.." "Mam Laila, eto na din ang mga ilang damit ko. Sa tingin ko naman eh kasya sayo mga yan. Maiwan ko muna kayo." si Ka Lota "Salamat po." tugon ni Laila "Paano kung ayaw mo? Yan ang tanong mo di ba?" ulit ni Isagani Bumbayin ang mukha ni Isagani, nakatingin ng direcho si Laila sa isasagot ni Isagani kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha nito. Nasa edad bente singko o bente sais pa lang ito sa tantiya niya. Mamula mula ang mukha marahil sa pagkakabilad lagi sa araw. Makapal ang kilay at pilikmata na parang sa bumbay. Mapungay ang mata at matangos ang ilong. Maganda ang set ng mga ngipin nito kahit sa bundok nakatira. Pinagpatuloy nito ang pagsasalita habang naglakad ng pabalik balik sa harapan niya. "Kung ayaw mong turuan ang mga bata dito sa amin mapipilitan kang umanib sa aming samahan sa ayaw at sa gusto mo. Mag-aaral kang humawak ng baril at umasinta. Sasabak ka sa labanan kung may engkwentrong mangyayari. Bawat kilos mo ay mamanmanan ng mga kasama natin dahil baka ikaw ay magsuplong lalo na at magiging sapilitan ang pagsali mo sa aming samahan. Bukod dun ay wala ka ng pagpipilian Mam Laila Poblete. Iwanan muna kita para makapagpalit ka ng damit." pagkasabi ni Isagani ay lumabas na ito sa lugar ni Laila "Anim na buwan? Tatagal ba ko ng anim na buwan dito? Paano na ang kasal namin ni Rigor limang buwan mula ngayon? Lord ano po bang pagsubok to? Saka, saan ako maliligo dito? Saan ako mag si CR?" sa isip ni Laila "Padating na mga galing sa kabayanan.." "Padating na mga galing sa kabayanan"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.2K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.1K
bc

Billionaire's Twins

read
263.6K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
480.9K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.4K
bc

Married By Mistake

read
170.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook