CHAPTER 2

5192 Words
Muling sumilip si Laila sa siwang sa dingding upang tingnan kung sino ang mga dumating. Dalawang babae at dalawang lalaki ang nakita niyang padating na halos hindi magkandadala sa mga bitbit nito. Ang dalawang lalaki ay may pasan na tig isang sako, sa tingin niya at bigas ang laman at may tangan pa itong malaking plastic bag. Nang malapit na ang mga bagong dating ay sinalubong ang mga ito ng iba at tinulungan sa mga bitbit ng mga ito. Naipon ang mga tao at inikutan ang mga may bitbit na dala. Naghihintay buksan ang mga plastic bags at mga kahon na akala mong sumalubong galing ng abroad at naghihintay ng pasalubong. Naging curious si Laila sa laman ng mga dalahin ng bagong dating at hinintay niya itong buksan. Ibat ibang kagamitan ang kanilang mga dala. Isa isang iniaabot sa mga taga duon. Mga gamit pantulog gaya ng kumot at kulambo. Naririnig niyang nagtatanong ang mga bagong dating kung sino ang naghabilin sa bawat bagay na inilalabas nila. Sa tingin niya ay mga bagong gamit ang mga yun. Nagtanong pa siya sa sarili kung saan kumuha ng pambili ang mga yun. May mga toothbrush,toothpaste,sabong panglaba at pampaligo mga shampoo. Marami ding mga de lata. Nang buksan ng isang babae ang mga dala nito ay halos ganun din ang mga laman. May mga tsinelas lang na mga nasalit. Puro mga bote naman ang dala ng isang lalaki. Bote ng mga suka, patis, toyo, mantika. Narinig pa niyang may nagsabi na ilayo ang galon na dala at baka lumasa sa mga dala nila, maaaring gaas ang laman nun na ginagamit nila sa mga gasera. "Lutuin na lahat ng maaaring masira." narinig niyang sabi ng isang lalaki. Nakita niyang may mga karne ng baboy at manok ding inilabas. "Ka gani,dala na din namin ang habilin mo." anang isang lalaki. Natanawan niyang lumapit ang lalaki na dumukot sa kanya at iniaabot sa kanya ang mga habilin nito. "Magagamit na ba mga yan?" tanong ng isang lalaki. "Oho Kumander. Kasama na namin kaninang madaling araw ni Ka Benjo ang teacher." sagot ni Isagani. Siya ang tinutukoy ni Isagani na dumating na. Mga school supplies ang habilin ni Isagani,mga ballpen, lapis, notebook, papel, crayola. Sinamahan din ito ng mga coloring books at mga reading books. Isang rolyo ng manila paper? Aanhin kaya iyong maraming manila paper tanong niya sa sarili. May kasama din itong tuwalya at ilang pirasong damit. "Ipakilala mo sa mga kasama natin habang nakaipon ang lahat Ka Gani." narinig niyang salita ng tinawag ni Isagani na kumander. Ipapakilala siya sa lahat ng naruon. Inayos niya ang sarili, fit na fit ang stretchable na maong na pinahiram sa kanya ni Ka Lota. Buti na lang at maluwag ang t shirt na binigay sa kanya kung hindi ay bakat na bakat ang hubog ng katawan niya. Naramdaman niyang papasok na ang lalaking tatawag sa kanya. "Mam Laila, tara at ipapakilala kita sa mga kasama namin." yaya ni Isagani. Hindi na kumibo si Laila at kusa na siyang tumayo at sumama kay Isagani. Paglabas pa lang nila sa barracks ay napansin niyang nakatingin sa kanila lahat ng nanduon. Mukhang inaabangan talaga ang paglabas niya. Nahiya siya kaya't napayuko siya habang papalapit sa mga taong naruruon. "Kumander, siya ho si Mam Laila." pakilala ni Isagani sa tingin ni Laila ay ang pinaka pinuno ng kanilang samahan. "Mam Laila, siya ang aming kumander, si Kumander Balag." tumingin si Laila sa ipinakilala sa kanya ni Isagani at binigyan niya ito ng isang mahinahong pagtango. "Wag kang mag alala mam, maaaring nasabi na sayo ni Ka Gani ang magiging misyon mo dito. Walang mananakit sayo o babastos dito mam. May matatanggap ka din pagkatapos ng misyon mo dito pero hindi nga lang gaya o singlaki ng sinasahod mo sa siyudad o sa kapatagan. Inaasahan naming matututo ang mga kabataan dito mam. Malaking bagay ang magagawa mo para sa amin." sabi ng Kumander. Wala pa ding kibo si Laila. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sinabi ng kumander lalo na ng sabihin nitong may matatanggap daw siya. Saan naman kukuha ng perang ipapasahod sa kanya ang mga ito. Hindi pa din matanggap ng isipan niya ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. "Mga kasama, siya si Mam Laila Poblete. Siya ang magsisilbing guro ng inyong mga anak. Yung mga matatanda na diyan ay wala pa ding alam at nais matuto, maging tapat kayo sa inyong sarili. Walang masamang magtanong lalo na kung hindi niyo alam ang isang bagay. Inaasahan ko ang paggalang at respeto nyo sa ating bisita. Maliwanag ba mga kasama?" si Isagani "Opo."sabay sabay na sagot ng mga naroon. "Mam,turuan nyo po ako bumasa ha." singit ng isang bata. Nangiti ng bahagya si Laila sa batang nagsabing turuan siya. Sa tantiya niya ay nasa walong taon na ang batang babae at mukha itong excited na matuto. "Sige." matipid niyang isinagot sa bata. Napansin niyang mas lalong sumaya ang bata sa sinagot niya. Isa isa ng nagbalikan ang mga taga duon bitbit ang kanilang mga habilin sa nagpunta ng kabayanan. "Ka Gani, ikaw na muna bahala sa kanya. Paturo mo kay Ka Lota ang mga ibang bagay sa kanya ha. Iwan ko muna kayo mam." sabi ng kumander. "Mam, narito ang ilang damit tingin ko naman ay kasya sayo mga yan. Mga bago yan. Sayo din itong tuwalya, may kasama na din yang mga gamit pampaligo." Napansin ni Isagani na naka paa lang si Laila. "Ay mam, teka... oh eto.. isuot mo." kumuha ng isang pares ng tsinelas si Isagani mula sa mga supot na naruon. "Saka nga pala mam, ikaw na bahalang mag distribute sa mga gamit pang eskwela na to. Dadalhin ko muna dun sa barracks mo. Sayo na muna yung bahay ko. Makikitulog muna ko pansalamantala kay Ka Benjo. Ipapatawag ko mamayang hapon lahat ng mga tuturuan mo. Sa ngayon, si Ka Lota muna bahala sayo para maging pamilyar ka sa lugar namin at maaaring bukas ay pwede mo ng simulan ang pagtuturo." mahinahong sabi ni Isagani. Sumunod lang si Laila pagkapasok ni Isagani ng mga gamit pang eskwela. Matapos madala lahat ng mga gamit ay iniwan na din siya nito. Nagkaroon na naman siya ng panahon na makapag isip. Maaaring alam na ng ate niya at ni Rigor na nawawala na siya. Ang tanong lang ay kung alam na nila na dinukot siya. Paano na sa eskwelahang pinapasukan niya? Ginugulo ang isipan niya ng mga alalahaning paghahanap sa kanya ng mga tao malapit sa kanya. Kung maaari lamang siya tumawag upang ipaalam ang kanyang sitwasyon at anim na buwan siyang mawawala subalit alam niyang imposibleng mangyari yun. Nasa kanyang pagmumuni muni si Laila ng maramdaman niyang naiihi siya. Pinilit niya muna itong pigilan subalit gaanong katagal siya magpipigil. Tumayo siya at naglakad lakad sa loob ng barracks upang hindi niya maramdaman na naiihi na siya. Nasa ganun siyang sitwasyon ng may tumawag sa labas. "Mam Laila" si Ka Lota. Alam ni Laila na si Ka Lota ang tumawag. Hindi na niya ito hinintay makapasok at siya na ang kusang lumabas upang salubungin ito. "Ka Lota, nasi-Cr po ako. Saan po ba cr nyo dito?" nagmamadali niyang tanong. "Dudumi ka ba o iihi lang?" tanong ni ka Lota. "Iihi lang po." sagot niya. "Halika bilisan mo, samahan kita." Mabilis ang lakad ni Ka Lota. Maaaring naramdaman nito na ihing ihi na siya. Hindi pa sila masyadong nakakalayo ay itinuro ni Ka Lota ang isang parisukat na natatakpan ng mga sako. "Ayan, diyan sa loob. Yan ang ihian ng mga kababaihan. May balde ng tubig na din diyan. May sabon kung wala kang dala. Sige bantayan kita." si Ka Lota. Hindi na alintana ni Laila kung anu man ang itsura ng CR na yun. Ang mahalaga ay makaihi siya. Pagkabig niya ng pintuan ng CR ay may kubeta itong nakabaon na nakapantay sa lupa. Mga plywood na pinagtapal tapal din ang dingding nito. Ginawa lang patong ang mga sako upang matakpan ang malilit na butas nito. Makipot man ang CR nila ay nakita naman niyang malinis ito at walang butas. Mataas ang dingding nito at hindi basta maaabot kung may magtatangka mang sumilip. Habang inaangat niya ang pantalon pagkatapos umihi ay inisip niya kung dun din sila dumudumi. Malalaman niya kay Ka Lota. Magtatanong siya. "Tapos ka na? Tara ilibot kita para makita mo buong lugar namin." yaya ni Ka Lota. Medyo naasiwa si Laila dahil may nakasukbit na baril sa bewang ni Ka Lota. Hindi niya ito napansin kanina dahil sa pagmamadali niya. Halos lahat ng mga andun ay mga armas na dala dala maliban sa mga bata at ilang kababaihan. "Alam kong marami kang gustong itanong. Malaya kang magtanong pero may mga tanong din na hindi ko maaaring sagutin sayo. Sana ay maintindihan mo. "Ayan ang palikuran namin kung ikaw ay nadudumi." Isang cubicle din ang itinuturo ni Ka Lota na mga tatlong dipa lang ang layo sa kanyang pinag ihian, kulay blue na sako ang bumabalot sa kabuuan nito. "Nagtatataka ka malamang kung bakit magkaiba pa ang kulay ng mga sako. Palatandaan yan kung saan ang iihi at dudumi. Ito ang atin. Bukod bukod ang mga palikuran dito. Anim na bahay o pito para sa isang palikuran kaya sanay na ang mga tao dito sa hintayan. Kapag hindi na makapaghintay, pumapasok na lang dun sa kagubatan at dun na lang nagbabawas. Madalang maligo mga tao dito. Kung masipag sipag ka, bababa ka dun sa kabilang panig ng kabundukan at may batis dun na nanggagaling sa maliit na talon. Madalas ang mga bata dun kaya mas madalas maligo ang mga bata dito kesa sa mga nakakatanda." Napansin ni Laila na malawak din ang kinasasakupan ng kanilang samahan. Patag na patag na ang lupa at maraming gulay na nakatanim sa paligid. "Apat na taon na kami dito. Medyo dito kami nagtagal mamirmihan. Dati madalas kaming lumipat, kapag may nakapagsuplong sa aming pinagkukutaan naghahanap na kami ng ibang paglilipatan. May pangyayari nga na gabi kami inatake ng mga sundalo at hindi natunugan ng aming mga kasama. Nagkaroon ng engkwentro, maraming namatay sa amin kasama na ang asawa ko dun."pagsasalaysay ni Ka lota. "Bakit po may mga bata dito?" tanong ni Laila. "Dati wala kaming mga kasamang bata dahil mapanganib, pero nakiusap ang ilang mga asawa ng iba naming kasama na sumama dito sa kabundukan dahil madalas mawalay sa kanila ang asawa at ama ng mga anak nila. Katwiran ng iba, kung mamamatay ang kanilang asawa ay sama sama na silang mamamatay. May dalawa din akong anak diyan. Yung isa katorse at dose anyos. Mam,pakiusap ko isama mo na din sila sa tuturuan mo. Hindi sila natuto sa pinapasukang paaralan nila dati dahil palipat lipat din kami ng tirahan. Dati nung nabubuhay pa ang asawa ko, siya lang ang kasapi dito. Gaya ng iba, sumama na din ako kasama ng mga anak namin dahil nahihirapan kami palipat lipat. Simula nuon, hindi na nakapag aral mga anak ko. Wala naman akong panahon na turuan sila dahil marami din akong inaasikaso dito sa samahan." Patuloy sila sa paglalakad lakad. Bawat madaanan nila ay binabati ng mga ito si Ka Lota. Maging siya ay kilala na ng lahat. Ang dami niyang gustong itanong kay ka Lota pero naalala niya ang sinabi nito na hindi lahat ay kaya niyang sagutin kaya iniwasan na lang niyang magtanong gaya ng bakit sila napasok sa ganuong samahan, ano ba ang kanilang hangarin at pinaglalaban. Hindi ba sila naaawa sa mga anak nila na lumalaki na mangmang at sa ganuong kapaligiran namumulat ang mga isip nito. Hindi man lang maranasan na mamasyal sa mga mall, manuod ng sine, kumain sa jollibee o mc donalds. Nakakaramdam siya ng awa sa mga batang nadadaanan niya. Iniisip niya kung anong buhay naghihintay sa mga ito. Nakikita man niyang masasaya ang mga ito sa paglalaro, masisigla, subalit paano paglaki na ng mga ito. "Dito naman nagsasanay ang mga kasama namin." itinuturo ni Ka lota ang isang lugar na patag kung saan may mga putol na puno na naka hilera at may mga nakaukit dun na hindi niya alam kung ano. "Dito tinuturuan humawak ng baril at umasinta ang mga kasama namin.Nakikita mo ba ang mga yun?" ang mga putol na puno ang itinuturo ni Ka lota. "Kailangang tamaan ng mga nagsasanay yan." Inilabas ni Ka Lota ang baril at inasinta ang puno. Binaril niya ito at saktong tinamaan ang gitna ng bilog na nakaukit duon. Napalingon ang lahat sa ginawang pagpapaputok ni Ka lota. Pero ng makita nila ang ginawa ni Ka lota ay bumalik na din agad sila sa mga ginagawa. Napatakip ng tenga si Laila sa ginawa ni Ka lota. Walang anuman dito ang ginawa sa loob loob niya. Maging ang mga bata ay hindi gaanong binigyang pansin ang ginawa ni Ka Lota. Maaaring sanay na silang makakita ng mga ganung eksena. "Dito naman ang hangganan ng aming nasasakupan. Tingnan mo yung itaas ng puno." Tumingala si Laila at natanawan niyang may maliit na kubo na taas ng malaking puno. "Salitan ang pagbabantay diyan. May tao diyan sa taas. Sila ang nagbibigay babala kapag may padating na kalaban. Kapag nasa itaas ka ay kita mo ang buong kagubatan na to.m Mayroon din isa pang ganyan sa kabilang panig naman." patuloy ni Ka Lota "Paano po nagawa yan?" manghang tanong ni Laila. "Dito sa ibaba ginawa yang kubo. Maraming nagtulung tulong para maiakyat yan. Inaangat ng mga lubid yan. Marami ang humihila sa itaas. Matibay ang mga sanga nyan kaya naikatang ang kubo. Nakatali yang kubo na yan sa mga sanga kaya matibay yan bukod pa sa malaking sanga na kinapapatungan ng kubo." "Hindi uso agahan dito. Paminsan minsan may tinapay kung may nanggaling ng kabayanan, pero madalas wala. Kape lang talaga kahit mga bata dito sanay sa kape lang sa umaga. Pagdating ng tanghali, para kami laging fiesta dito. Sabay sabay ang kainan. Nakita mo ba ung mga bigas na dala kanina? Ilang araw lang dito yun ubos na agad. Madalas gulay ang ulam namin dito kaya malalakas ang katawan at hindi sakitin mga tao dito. Kahit saan ka pumunta dito ay may tanim na ibat ibang gulay. May mga nag aalaga ng mga native na manok at baboy. Yung mga manok kinakatay yan pag malalaki na. Yung mga baboy naman nililitson yan kapag isa sa mga mataas ang posisyon ay may kaarawan. Maitim man ang balahibo niyan pero gaya din yan ng mga baboy na nabibili sa palengke. Hindi naman problema mga pagkain ng mga yan. Gulay din kinakain ng mga yan saka yung mga tira naming pagkain." "Saan po kayo kumukuha ng pambili ng mga gamit o kaya po ng bigas?" tanong ni Laila. "Gaya ng sabi ko sayo mam, hindi lahat ng tanong nyo ay maari kong sagutin." sagot ni Ka Lota. "Ah sorry po." "Walang anuman." "Pagod ka na ba?" "Hi-hindi pa naman po.." "Gusto mo bang puntahan natin ang talon na sinasabi ko na paliguan namin?" "S-sige po." Parang na excite si Laila sa narinig na pupuntahan nila. Pakiramdam niya ay nag ha-hiking lamang siya sa isang bundok at may guide siya para ituro ang mga maaaring puntahan. Pinasok nila ang kagubatan kung saan ay hindi na sakop ng kanilang samahan. Hindi naging madali kay Laila ang dinadaanan. Pababa ito ng bundok at pakiramdam niya na kung hindi malakas ang pampigil ng kanyang mga paa ay magdi dirediretso ang kanyang pagdausdos pababa. Naramdaman yun ni Ka Lota. "Gumabay ka sa mga punong nadadaanan natin para hindi ka madausdos. Mahirap dito kapag umuulan, sobrang maputik at madulas kaya iniiwasan naming daanan ito kapag tag ulan. Konting tiyaga lang at malapit na din tayo." Mga tatlumpung minuto na silang naglalakad ng makarinig si Laila ng mga batang naghihiyawan at nagtatawanan. Pati ang malakas na lagaslas ng tubig ay dinig na dinig niya sabay sabi ni Ka Lota na naroon na sila halos sa pupuntahan. Malapit na sa paanan ng bundok ay tumambad kay Laila ang isang talon na sa tingin niya ay labinlimang talampakan lang ang taas. May mga batang hubo't hubad na nag uunahan na sumahod sa pagbagsak ng tubig na nagmumula sa talon. Sa mas mababang parte pa ng bundok kung saan pumupunta ang bumabagsak na tubig galing sa talon, ay may mga batuhan at malinis na tubig na pinaliliguan din ng ilang mga bata. Natanawan din niyang may mga ilang nag lalaba ng mga damit. Napakagandang tanawin para sa kanya ang nakita dahil hindi pa siya nakakakita ng ganun dahil laking Maynila siya. May mga napuntahan man siya ay mga beach resort at sa mga tv at sine lang niya nakikita ang ganuong tanawin. "Maniniwala ka ba na diyan kumukuha ng tubig ang mga kasama natin para sa inumin namin. Malinis ang tubig diyan. Pati ang tubig sa mga palikuran ay diyan din nanggagaling. Minsam sa isang linggo ang lahat ay naataasan sa pag iigib ng tubig. Pasa pasa ang mga malalaking galon hanggang makarating dun sa kuta. Buong maghapon yun upang mapuno lahat ng malalaking balde ng tubig dun. Sapat na yun para sa isang linggong gamitan. Tara lapitan natin sila." "Mam,tara po ligo po tayo." yaya kaagad ng isang bata nung makitang papalapit sila. "Good morning mam." sabay sabay naman ang ibang bata. "Tinuruan na agad sila ni Ka Gani ng pagbati kanina nung tulog ka pa." napansin kasi ni Ka lota na nagulat si Laila sa bati ng mga bata. "Sige saka na lang ako maliligo. Wala akong baong damit. Mag iingat kayo." sagot ni Laila sa mga bata. "Humigit kumulang nasa isang daan kaming ngayon na magkakasama. Hindi gaya ng dati na mas marami. Nang nag utos ang pangulo na hanapin ang mga kagaya namin, marami ang nasawi sa amin pero patuloy pa din ang aming pakikibaka at pakikipaglaban." Itatanong sana ni Laila kung ano ang kanilang pinaglalaban pero pinigilan na niya ang kaniyang sarili para magtanong. Nahalata ni Ka Lota na may itatanong siya kaya nag isip siya ng ibang matatanong . "Paano po kapag may nanganganak na kasama nyo?" mabuti na lang at mabilis na nakapag isip si Laila dahil may natanawan siyang buntis na naliligo kasama ang isa pa niyang marahil na anak. "May mga kasama kami sa kabayanan. Humahalo sila sa mga sibilyan duon. Kapag may malapit ng manganak ay ibinababa namin at sa kanila muna ito pipirmi hanggat hindi ito nakakabawi ng lakas. Yung mga kasama din namin duon ang mga namimili ng mga gamit namin dito at kinukuha na lang kapag kumpleto na lahat ng naipamili. Kagabi pa bumaba yung mga kasama namin. Naghintay lamang sila ng kaunting liwanag kaninang madaling araw bago sila bumalik dito sa bundok." "Mga bata maya maya ay mag siahon na kayo at magtatanghalian na. Bukas mas agahan nyo ang paliligo at ayaw ni Mam Laila na mabaho ang mga mag aaral niya." sabi ni Ka Lota sa mga bata. "Yes mam." sabay sabay naman ang mga bata sa pagsagot. Nangiti si Laila. Kumaway siya sa mga bata dahil nagyaya ng bumalik si Ka Lota sa kuta. "Yung mga asawa ng iba naming kasama ang nakatalaga sa pagluluto. Hindi sila sanay humawak ng baril. Panay pagluluto lamang ang kanilang inaasikaso." "Ka Lota... paano po kung... kung biglaan pong may mga lumusob na sundalo sa kinaroroonan natin. Hindi naman po sa makasarili ko pero ang ibig ko pong sabihin ay hindi naman ako miyembro ng inyong samahan.. paano po kung..." "Naiintindihan ko ibig mong sabihin mam. Unang una, masyado pong liblib ang kinaroroonan nating ito. Dalawa lamang ang posibleng daan upang tayo ay mapuntahan. Yung isa ay yung dinaanan nyo pagpunta dito at ang isa naman ay sa kabayanan. Kung sa kabayanan dadaan ang tutugis sa amin maitatawag agad yun sa amin ng mga kasama namin duon. Kaya't may pagkakataon para kami ay lumikas at magtago. Kung dun naman sa dinaanan nyo, may nakabantay din sa mataas na puno gaya ng pinakita ko sayo kanina. Dun pa lang sa highway ay tanaw na agad kung may papalapit sa amin. Isang oras o higit pa bago sila makapunta dito. Hindi naman makakadaan sa kabilang panig ng bundok dahil sobra na itong layo. Kung sakali namang mangyari ang hindi inaasahan, may ginawa na kaming lihim na taguan ng mga bata at mga kababaihang hindi humahawak ng sandata. Huwag ka mag alala mam, alaga ka sa amin dito, poprotektahan ka namin." Nakaramdam ng kaunting seguridad si Laila sa mga sinabi ni Ka Lota. Sa kanilang pagbalik ay nadaanan nila ang mga nag sisipag sanay. Dinatnan nilang nag eehersisyo ang mga ito na maaaring warm up ng kanilang pag eensayo. Para din pala silang sundalo sa loob loob ni Laila. Pinangungunahan ng isang lalaking nakahubad ang mga nagsisipag ensayo. Nang sila ay papalapit na ay nakilala niyang ito ay si Isagani. Maganda ang pangangatawan ni Isagani. V shape ika nga. Hindi man ganuon kalaki katawan nito, ay flat na flat naman ang tiyan nito at may kaunting abs na nakalabas. Mamula mula ang balat din ng kanyang katawan. Maaaring maputi ito dati at dahil sa kabibilad ay pumula lang. Huminto sa pag pupush up ang mga nagsisipagsanay sa pagdaan ni ka Lota at ni Laila. "Magandang umaga mam." sabay sabay na wika ng mga nagsisipagsanay. ""Sayo din Ka Lota." pahabol pa ng isa. "Good morning din." bati naman ni Laila sa mga ito. "Kamusta ka Lota? Naipasyal mo ba si Mam sa ating village?" pabiro ang pagkakasabi ni Isagani sa salitang village. "Oo ka Gani. Dinala ko din siya hanggang duon sa talon." sagot ni Ka Lota. "Ayos ba mam? Nakita mo na din pala ung resort namin dito. Libre lang dun kahit araw araw o mayat maya ka maligo." si Isagani Napreskuhan si Laila sa pagkakasalita na yun ni Isagani kaya't dinaan na lang niya sa walang kibo. "O sige tuloy tayo." tuon ni Isagani sa mga nagsasanay. Direcho namang naglakad na sina Ka Lota at Laila. Gusto sanang magtanong ni Laila kay Ka Lota tungkol kay Isagani pero inisip niya na baka ano pa isipin nito sa kanyang pagtatanong kayat hindi na niya tinuloy ang balak. Minsan pa siyang lumingon at nasaktuhan pa niya na nakatingin ito sa kanya at bahagya pang ngumiti ng nagtama ang kanilang tingin. Binalewala niya yun at tinuon ulit ang paningin sa paligid at dinadaanan nila ni Ka Lota. "Bakit parang pinuno na din ang dating ni Isagani sa edad niyang yun. May kamag anak din kaya siya na kasama dito? Saka bakit parang iba ang dating niya? Parang may pinag aralan siya at hindi mukhang laki sa hirap? May asawa na din ba ito?" mga tanong sa isip ni Laila na dapat ay itatanong niya kay Ka lota. "Iwan muna kita sa bahay mo. Tingnan ko lang ang mga nagluluto saka para makapagpahinga ka din. Alam kong napagod ka sa paglilibot natin." si Ka Lota. "Sige po salamat po Ka Lota." Pag alis ni Ka Lota ay akma sanang hihiga siya ng mapansin niya ang mga gamit sa ibabaw ng maliit na mesa. Bukod sa mga gamit eskwela na andun, nakita niyang may mga panty liner, napkin at panty na andun. Mga bago lahat ng yun. Natuwa siya kahit papano dahil hindi pa niya naisip na kailangan nga pala niya yung mga ganung gamit at buti na lang at merun na agad. May isang box din ng mineral water sa ilalim ng mesa. Kumuha siya ng isa at ininum yun. "Ito na marahil ang pansamantalang magiging buhay ko. Diyos ko,wag nyo po ako pababayaan dito." bulong sa sarili ni Laila. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang boyfriend na si Rigor. Iniisip niyang alalang alala na ito at pinaghahanap na siya. Nakaramdam na naman siya ng lungkot at naiyak siyang bigla. Naisip niyang kung bibilisan niyang magturo at matuto agad ang mga bata ay palalayain agad siya ng mga ito. Yun naman ang kanilang usapan, ang matuto ang mga bata. Upang sa gayon ay maasikaso at mahabol pa din niya ang kanilang kasal ni Rigor. "Huwag na huwag mong tatangkaing tumakas mam. Mabait si kumander Balag pero masama ding magalit. Lalo na sa gabi, baka magpagkamalan kang mabangis na hayop ay bigla ka na lang barilin ng mga nagbabantay na panggabi." naalala bigla ni Laila ang mahigpit na habilin sa kanya ni Ka Lota habang sila ay naglalakad. Bumangon sa pagkakahiga si Laila at naghanap ng pagkakaabalahan. Natanaw niya ang nakarolyong mga manila paper. Kumuha siya ng ilang piraso. Sa isang manila paper ay isinulat niya sa pamamagitan ng pentel pen ang abakada maging ang ABC. Matapos niyang isulat ang mga iyon ay sinulat naman niya ang mga bilang 1 hanggang 100 sa isa pang manila paper. Abala siya sa pagsusulat ng biglang sumungaw sa kurtina sa may pintuan si Isagani na ikinagulat niya. "Mam, sorry nagulat yata kita. Pwede bang pumasok?" saktong pumapasok na si Isagani habang sinasabi niya yun. "Mukhang pinaghahadaan mo na ang first day of school mo bukas ah. Nga pala, igagawa na namin ng pintuan itong bahay mo. Pasensya ka na ulit at nasanay akong bigla na lang hinahawi itong kurtina ko. Kakain na nga pala kaya ako napunta dito. Tara na at sabay sabay ang kainan dito." tuloy tuloy na sabi ni Isagani. "Susunod na ko ligpitin ko lang mga to." matipid na sagot ni Laila. Matapos niyang sabihin yun ay umalis na si Isagani. Binilisan nya ang pagliligpit upang makasunod agad sa takot niya na baka mahigpit ang kumander. Baka pag sinabing sabay sabay ang pagkain ay dapat andun na lahat. Ayaw niyang makitaan siya ng kaartehan sa pagpapatawag pang muli at yayain siyang kumain. Paglabas niya ng pintuan ay nalimutan niyang itanong kay Isagani kung saan ang kainan. Siyang pagdaan ng isang lalaki na may kasamang bata sa tingin niya ay mag ama ito. "Mam,tara na po at kakain na. "yaya nito. Sumunod si Laila sa mga ito. Hindi naman ganun kalayo ang pinagkakainan ng lahat. Nasa ilalim ito ng makapal na puno at hindi tumatagos ang sikat ng araw. May dugtong dugtong na mesa na akala mo ay may boodle fight. May mga kababaihan na sumasandok ng kanin at nakapila ang mga tao na hawak ang kanilang plastis na pinggan na nasasapinan ng supot na plastic at ang iba naman ay dahon ng saging. "O ayan na pala si Mam. Bigyan nyo ng pwesto at abutan nyo ng pinggan." narinig niyang sabi ng isang lalaki. Iilan lamang ang bangko na nakapalibot sa mga mesa kaya karamihan ay mga nakatayo lamang. Ang iba ay nakasandig sa puno tangan ang kanilang pinggan. Inabutan siya ng pinggan. Nakasupot ang pinggan ng plastic. "Wag yan ang ibigay nyo kay mam. Yung may dahon ng saging ibigay nyo." sabi ng isa. "Mam ganito kami dito. Mas masarap kumain sa dahon ng saging. Mahirap ang tubig dito.. ang layo ng igiban. Nakita mo naman.. kaya disposable. Pagkakain, tapon agad yung nakabalot na plastic at dahon." sabi ni Isagani. Adobong manok ang ulam na parte parte din ang pagbibigay. Nirarasyon sa lahat. Parang mga preso sa loob loob niya. Pero madami ang bigay. May mga gulay na nakalatag sa mesa. Mga nilagang talbos ng kamote, talong at okra. May bote ng bagoong at suka. Lahat ay kamay ang ginagamit sa pagkain. Walang nagkakutsara. Napansin ni Laila na madami ang nilalagay na kanin sa kanyang pinggan. "Ate,tama na po. Konti lang po, bawasan nyo po." awat ni Laila sa nagtatakal ng kanin. "Diet yata si mam kaya sexy eh." sagot ng babaeng nagtatakal. Pakiramdam ni Laila ay nag blush siya sa pagkakasabi ng nagtatakal. "Ah, hindi naman po. Mahina lang po talaga ko kumain." sagot ni Laila "Basta pag gusto mo pa, lapit ka ulit dito." sabi ng nagtatakal Lipat naman siya sa nagtatakal ng ulam. Ganun din, pinakontian lang niya ang paglalagay dito. "Kasya na ba talaga sayo yan mam?" tanong ng nagtatakal ng ulam. "Ah opo." sagot niya. "Balik ka pag gusto mo pa. Oh mga bata paupuin nyo si mam para makakain siya ng maayos." sabi ng nagtakal "Masasanay ka din dito mam. Pero papaalala ko lang sayo, dumarating din sa amin ang taggutom. Kapag ganun, yung mga bata na lang pinapakain namin.s Swerte lang at marami tayong supply ngayon at sa mga darating na araw. Di ba ka Gani?" si kumander Balag ang nagsalita. "Tama si Kumander Mam. Swerte yung pagkakadating mo sa amin." sapo ni Isagani sa sinabi ni Kumander Balag. Masaya ang kainan ng mga tao dun. Sinubukan din niyang kumuha ng okra at talong at sinawsaw sa suka na may bagoong. Nasarapan siya. Mas masarap pa sa adobong manok. Nais pa sana niyang humirit ng kaunting kanin pero nakahiyaan na niya. Napansin niyang bawat makatapos kumain ay tinatanggal ang nakasapin na plastic at dahon at direcho ito sa basurahan pero nakabukod ang plastic sa dahon. Nakitaan niya ng disiplina ang mga tao duon sa maliit na pamamaraan. Maaring marami pa siyang matutuklasan sa paglipas pa ng mga araw . Ginawa ni Laila na maging abala. Inisip niya ang mga dapat niyang ituro sa mga bata. Gumawa siya ng isang maliit na lesson plan para sa araw araw na ituturo niya. Maagang nagpatawag ng hapunan,mga alas sais ng hapon. Hinahabol nila na bago lumubog ang araw ay nakakain na ng hapunan. Nang tuluyan ng lumaganap ang dilim ay may nag aasikaso upang magsiga ng mga naipong kalat at sukal at tuyong dahon. Para maitaboy nito ang mga mababangis na hayop. Nung araw din na yun ay naigawa siya ng pinto ng mga kalalakihan. Tahimik na ang buong paligid. Mga kuliglig na lang at mga huni ng ibang hayop ang naririnig niya. Nakahiga na siya ng makarinig siya ng mga nagtatawanan sa di kalayuan. Hindi man niya naiintindihan ang pinag uusapan pero sa tingin niya ay nagkakasiyahan ang mga ito. Ilang saglit pa ay nawala ang tawanan at napalitan yun ng tipa ng gitara. May tumutugtog ng gitara. "lift your head...baby don't be scared...of the things that could go wrong along the way.." "you get by..with a smile.." Dahil sa hindi pa siya inaantok ay bumangon siya binuksan ang pinto ng kanyang bahay. Nakakalimang hakbang pa lamang siya ng batiin siya ng isang lalaki na may nakasukbit na armas sa balikat. "Mam,san po punta nyo?" anang lalaki "Ah, magpapahangin lang sana. S-sino yung nagtatawanan kanina? Saka yung kumakanta?" sagot na patanong ni Laila "Dun po yun kila kumander Balag. Medyo nagkasiyahan kaya umiinum po sila ng konti. Yung kumakanta si Ka gani po yun. Maganda talaga boses nun. Gusto nyo po ba samahan ko kayo dun?" alok ng lalaki. "Ha? eh hindi.. hindi na.. inaantok na pala ko.. sige salamat Ka..?" "Domeng.. Ka domeng po pangalan ko." sagot ng lalaki "Salamat ka Domeng.. Good night po." "Talagang nakakainum pa sila ng alak. Saan kaya sila kumukuha ng pambili sa mga yun?" nadagdag na tanong ni Laila sa isipan niya. Madilim dilim pa lang ay bumangon na si Laila, bitbit ang toothbrush, toothpaste, sabon at tuwalya ay tumungo siya sa CR nila. Dahil hindi ganuon karami ang tubig ay naghilamos lamang siya at binasa ang face towel na gagamitin niyang pamunas ng kanyang katawan. Matapos maglinis ng kanyang katawan ay bumalik na siya ng bahay upang mag ayos ng sarili. Binuklat niya ang mga bagong damit na andun at pumili siya ng medyo presko. Kinuha niya ang puting t shirt at maong na pantalon. May sarili din siyang termos at nagtimpla na siya ng sarili niyang kape habang siya ay naghihintay ng oras. Gaya ng unang umaga niya duon, ay narinig na naman niya ang maraming yabag. Gising na ang mga tao at kanya kanya na silang trabaho sa mga nakatalaga sa kanila. Nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. "Mam si Isagani po ito." Pinagbuksan ni Laila si Isagani. Nakahubad ito at naka shorts lang.n Napansin niya ang manipis na balahibo sa dibdib nito at ang pawisan nitong katawan. "Mam,hindi na po ako papasok amoy pawis ako at nagsisibak kami ng mga panggatong. Paalala ko lang po yung klase ng mga bata,alas otso ng umaga. Nakahanda na yung iba. Dun sila sa malapit sa pinagkainan natin kahapon, sa may malilim na lugar ." "S-sige."tanging sagot ni Laila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD