HEAVEN “Mabuti naman at nakikipaglaro na ulit si Chlem” nakangiting sabi ni Mommy Vi. Napangiti din ako at tumingin kina Chlem na naghahabulan. “Okay na rin pala pong pumunta tayo dito para makapag-relax.” “Of course, ihja alam mo naman para kahit papaano malimutan ang problema.” “Sis!!!” Narinig kong tawag ni Quin kasunod si Kaye na kumakaway sakin at sumenyas na lumapit. “Tara swimming tayo!” Excited na yaya ni Kaye ng makapalapit ako. Sinimangutan ko sila. Ang dadaya! “Swimming? Hindi pa nga ako naka-swim attire!” Turo ko pa sa suot kong white tshirt at jersey short. Ang baduy ko no!? Lahat sila nakapang-swimming na. “Magpalit kana sis! Kaye pahiramin mo nga ito ng extrang bikini.” “Sure, meron ako dun extrang black bikini..hahah!” “Che! May dala ako!” sabay pabiro akong umirap