HEAVEN “Ihja, tahan na.” “Heaven, anak hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo dahil mahirap ang sitwasyon nyo ngayon ni Vayne hindi niya tayo naalala.” “I’m sorry.” umiiyak kong sabi. “You don’t have to say sorry ihja naiintindihan ka namin at walang may gusto nito.” Niyakap ako ni Mommy Vi. “Sis, mabuti siguro kung kausapin mo ng mahinahon si Vayne..o di kaya unti-unti mong ipaalala sa kanya kung paano kayo nagsimula” suhestyon ni ate at ngumiti. Umiling-iling ako at saka pinunasan ang luha. “Ikakasal na si Vayne.” “Ano?!” Gulat nilang reaksyon lahat. “Ikakasal po si Vayne sa ibang babae.” “No, it won’t happen dahil kasal kayo!” Galit na sabi ng Daddy ni Vayne. “Santi calm down.” suway ni Mommy Vi at lumapit dito. “We should talk Vayne, wala akong pakialam kung hindi niya ta