HEAVEN NANG makaalis akong unit ni Vayne ay nagmadali akong makauwi ng bahay. “Mommy!!!” Patakbong sinalubong ako ni Chlem at yumakap. “Mommy...bat ngayon ka lang po?” Umiiyak na tanong ni Chlem, pinunasahan ko naman ang luha niya. “Kasama ko si Daddy kagabi,” nakangiti kong sabi na kinaliwanag ng mukha niya. “Talaga!? Mommy!!! Ibigsabihin po ba nito! Uuwi na si Daddy!??” “Oppss..ssshhh quiet ka lang muna baby..secret muna natin ni Mommy, okay?” Sabi ko habang naiisip na wala pa akong kasiguraduhan kung uuwi pa si Vayne. Hayy.. “Eh..bakit naman secret Mommy? Bawal po ba malaman nila Lola Mommy?” Tukoy niya sa parents ko at ni Vayne. “Chlem anak..si Mommy nalang magsasabi sa kanila, basta sa ngayon tayo nalang muna, okay ba ‘yun?” Nakangiti kong sabi. “Yes! Mommy!!” Pagkatapos nu