bc

Codename: Hercules, Burning Desire (Rated18)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
11.6K
READ
spy/agent
possessive
sex
one-night stand
dominant
manipulative
kickass heroine
billionairess
bxg
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Callboy Series

"Sa tingin mo may pakialam ako kung gusto mo ako? I had never wanted a man in my life Hercules. I have my eyes set on you. At sisiguraduhin kong mapapa sa akin ka!"

~Daneliya

HIS WILD SEDUCTION

Daneliya Corcova couldn’t help but to be tantalized by Hercules’ potent sensuality. It doesn’t matter if he is just a mere bartender and a callboy. Daneliya has never lived according to anybody’s rules, and the moment she felt the heat of Hercules’ savage passion, the only thing that mattered was that she wanted him.

HER PURE DESIRE

Codename Hercules couldn’t help but be wary. Daneliya is just a mission to him. With her daring beauty and amazing personality, he found himself getting curious about her. But having a feeling for someone is against their organisation. Until the incomparable Daneliya set out to seduce him with temptation he ought to avoid…

chap-preview
Free preview
Prologue
"Are you in it?" Tanong ni Aphrodite kay Hercules habang binabasa ng lalaki ang files para sa next target nito. Nasa Olympus ang dalawa at hindi mapigilan ng babae na pasadahan ang suot ng kaharap. Galing ito sa duty sa Queen's Men Lair bar at sa opisina na dumiretso. Naka-assigned as bartender ang binata at ni hindi man lang nakabawas sa angking kakisigan ang suot na itim na slacks at ganuon ring kulay na long sleeves na nakalislis ang mangas hanggang sa siko. "Is this some kind of a joke?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Hercules. A woman as a mission? There could be a mistake.” "It is not! Daneliya Corcova will be your next target, Hercules. At hindi mo dapat basta-basta tini-take for granted ang misyon na yan. The woman is filthy rich! Kaya niyang sirain ang organisasyon natin kapag hindi nag-ingat ang sinumang gagawa ng misyon na ito." Pagbibigay-alam ni Aphrodite. The woman slightly understood his reaction. Hercules is one of the organization's greatest assets. Isa ito sa mga hindi dumaan sa tough training dahil sa naging previous experience. A high-ranked soldier in the Armed Forces of the Philippines at hindi basta-basta ang skills. A black belter and a sharpshooter to say the least. Bukod pa sa kayang-kaya nitong patumbahin ang sinumang ka-sparring nito. “Kung ganuon ay bakit ninyo tinanggap ang trabahong ito?” “We don't question Hera's decision.” She reminded him. “At gusto niyang ikaw mismo ang personal na trumabaho nito. Why Hercules? Is it because its an easy mission o dahil sa babae ang target?” May himig ng pagbibirong tanong. Lumalim ang gatla sa noo ni Hercules pero hindi nag-abalang sumagot. Nagpatuloy si Aphrodite dahil sa pananahimik niya. “Daneliya Corcova. The infamous illegitimate daughter of a former Russian diplomat based here in the Philippines. But her wealth didn't come from her father. She used to be a shy and a nerd one.” Inilagay ang larawan ng isang tila teenager na babae sa mesa. Agad napansin ni Hercules ang kagandahan nito. She was wearing eyeglasses and no make-up na lalong nagpalutang sa natural na ganga ng babae. "On her twentieth birthday, she left their own house and went to Dubai. A year after, she came back home and put up her own business, the DC Corporation. A small-time company that is now a multi-million dollar corporation, seven years later. Don't you find something weird about it?" "Baka nakahanap ng mayamang sheik at ibinahay siya." Kibit-balikat na opinyon ng binata. “Maybe. Except that Daneliya is very much aloof with men. Wala pa ni isang nakapasok sa bahay niya Hercules, or so we know. Not even her business partners. Maraming agency na ang nangalap ng impormasyon tungkol sa kanya but there is no traces of how she made it. Paano niya ginawa, ano ang buhay niya outside DC and all." “Don't you think its unetthical na kalkalin ang pribadong buhay niya?” Tanong rito. Ang kinabibilangang organisasyon ay isang kompanya na nagbibigay solusyon sa mga problema ng mga tao sa lipunan na hindi kaagad mabigyang solusyon ng mga kinauukulan. Pero bakit masyado naman atang personal ang pinapahawak sa kanya ngayon. “Trabaho mong paghiwalayin ang personal niyang buhay sa negosyo. The person behind this wanted to know how and why she became the owner of DC Corp. Who knows at baka may illegal siyang ginagawa at hindi siya nauubusan ng pondo kahit ilang beses ng dumaan sa krisis ang kompanya niya.” Inilapag ang files sa mesa at tumindig mula sa pagkakaupo. "But a woman as a target? Bakit hindi niyo ito ibigay sa mga baguhan?” “As I told you, si Hera mismo ang nagsabing ikaw ang pahawakin ng case na ito. Kung anong rason ay hindi ko alam. Aside from the fact that we know you can do the job properly.” “That's it? Marami pang mas magaling kaysa sa akin, bakit ako?" Magkasalubong ang kilay na tanong. What a lame excuse. Kailangang sumunod dahil utos mismo yun ng nakatataas pero dapat bigyan siya ng magandang rason. Malakas ang pakiramdam na may mali sa set-up. Aphrodite smiled at Hercules’ confused look. Isa ito sa nakakaalam ng personal na buhay ng bawat myembro ng organisyon. And the woman admit that she is very much impressed with his background. Pinanghihinayangan lang na tila hanggang sa oras na yun ay dala parin ng makisig na binata ang nangyari rito limang taon na ang nakararaan. “Why don't you do it habang wala pang misyong maibigay sayo. Ilang buwan kana rin namang bakante. Don't tell me nag-eenjoy kana sa pagiging bartender lang." She teased. “If I have an option ay hindi ako magpupunta sa Queen's Men at manatili nalang sa Tartarus.” “Oh come on! Spice up your life. Accept the mission and find out what the client wants. Baka masurpresa ka sa isa mga malalaman mo?” “You are talking in riddles alam mo ba yun.” “Life is full of surprises Hercules. You've become a great help in our organization. Don't tell anyone but I think you are one of Hera's favorite.” “Suhol ba yan para tanggapin ko ang misyon?” Sarkastikong tanong. Him as Hera's favorate? Its a joke dahil hindi pa niya ito nakikita kahit kailan. Isang malamyos na tawa ang pinakawalan ni Aphrodite.“I don't think kailangan pa ng suhol. No time limit Hercules. Ikaw ang mag-desisyon kung kailangan mo sasabihing mission accomplished kana. Let's meet again after.” Tumalikod ang binata at nagtungo sa pinto nang tawagin itong muli ni Aphrodite. "Remember the number one forbidden rule, handsome." Sadyang binitin ng babae ang sasabihin. Gumuhit ang isang maluwang na ngiti sa labi bago magsalita. "Do not fall inlove!" Lalong lumalim ang pagkaka-gatla sa noo nito. “I don't know what made you say that. But I'll make sure that I won't fall for someone like Daneliya Corcova.” “It could be her or it could be someone else. Tandaan mong sa misyon na ito ay hindi lang ang babaeng binanggit mo ang involved. You might meet someone unexpectedly along the way.” Muli ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Hercules. Aphrodite is usually strict pero iba ang approach nito sa kanya ngayon. Binuksan ang pinto at tuluyang lumabas ng opisina saka nilisan ang Olympus. Ilang agents ang nakasalubong at binati na simpleng tango lang ang itinugon. Hindi siya masyadong close sa mga kasamahan. Hindi na nais maulit ang isang pangyayari sa buhay na nawalan siya ng pokus dahil sa pakikipaglapit sa ibang tao. Gaano mo man kakilala ang isang indibidwal at gaano man ito kabait sa harap mo ay hindi parin matitiyak kung kailan ka ta-traydurin nito. Bumama siya sa Queen's Men at tinapos ang natitirang trabaho kanina bago puntahan si Aphrodite. Ilang minuto nalang at uuwi na rin kasi siya. Queen's men. Isang bar iyun kung saan majority ng staff ay mga agent at kapag walang misyon ay kailang mag-trabaho doon. They were called by their alias! Isang bagay kung bakit niya ginustong mapabilang doon. Nakakalimutan niya pansamantala kung sino siya. He used to be called as Second Lieutenant Atlas James Cervantes five years ago. At kung maari niyang kalimutan ang sariling pangalan upang kalimutan ang isang bangungot na pangyayari sa buhay ay gagawin niya. It still haunted him! How Laura died because he was too late that day. Dahil nagtiwala siya sa isang taong pagtataksilan lang pala siya sa bandang huli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
444.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.9K
bc

My Son's Father

read
583.2K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook