Chapter I: The cold and listless woman

2850 Words
"Tell him to get lost! If he can't do the job properly then he better resigned!" Pinihit ni Daneliya ang swivel chair paharap sa binatana nang pumasok ang secretary. Kasalukuyan niyang sinisermunan ang isa sa mga staff niya sa cellphone. "I don't care about him. Hindi niya nagawa ang trabaho niya dahil sa kapabayaan. You know what, huwag mo na siyang hintaying mag-resigned. Fire him!" Walang pakundangan niyang saad sa sobrang galit. Nag-rason ang nasa kabilang linya na lalong hindi nagustuhan ng dalaga. “Fire him o isasama kita sa kanya." She said as a final warning. Wala siyang tyaga sa mga incompetend na staff. She can always find a better one. Kaya nga niyang manulot ng ibang staff mula sa malalaking kompanya. Isang magandang offer letter lang ang kailangang ihanda. "I want the report tomorrow morning as soon as possible." Iyun lang at tuluyang pinutol ang tawag without even saying a proper goodbye. “Kanina pa mainit ang ulo natin.” Nakataas ang kilay na komento ni Leah. Sa lahat ng staff ay ito lang ang namumukod-tanging nakakapagsalita sa kanya ng ganuon dahil kahit paano ay malapit ito sa kanya. Kaklase niya ito noong college at hindi naputol iyun kahit na nang mag-abroad siya ng isang taon. Nang itayo ang DC Corp ay nagulat siya nang mag-apply ito. Hindi na ito pina-interview at agad kinuhang secretary. "I think kailangan mo na talagang mag-unwind. Puro ka trabaho kaya ka ganyan. Stop being so uptight." Suhestyon nito. Daneliya Corcova. The sole owner of DC Corporation. Cold, snob, maldita at lahat na yata ng pangit ng ugali ng isang babae ay narito. The woman doesn't care about what other people think about her. She already experienced worse. Hindi nga ba at kilala siyang bastarada! Thanks to her evil-stepmother. Yulla is pure Russian. At itinuturing nitong dumi siya sa pamilya ng mga ito dahil sa pagiging anak sa labas. Kung sanay buhay ang ina. Di sana'y iba ang naging buhay niya. She was not born outside married. Maxim Corcov married her mother, kung sana'y hindi ito bigla nalang naglahong parang bula twenty four years ago. She have all the files. Being an IT genius ay kaya niyang kalkalin ang alinmang bagay na gusto niyang alamin as long as mayroong records iyun kahit saang pc. At pwede niya iyung isampal kay Yullia kung sana'y nalaman niya iyun ng mas maaga. But her skills only went out nang magpunta siya ng Dubai. She had met an Indian IT expert na nagpa-realized sa kanya kung ano ang kakayahan niya. Gustuhin man ipahiya ang naging madrasta ay wala na ring point. Besides, as much as she hated the Corcovs ay nirerespeto parin ang ama kahit papano. Sapat nang malaman na siya ang nais nitong magmana ng lahat naipundar nitong negosyo sa Pilipinas. “Ikaw na naman ang pinag-uusapan dahil sa naging temper mo sa conference room kanina." Pagbibigay-alam ni Leah na kung hindi lang naging malapit na kaibigan si Daneliya noon ay nungkang pagtyagaan din ang ugali ng amo ngayon. Daneliya used to be a quite and shy woman during college days. Kung anong nagpabago rito ay hindi matukoy ng sekretarya. “Bakit hindi mo ibigay sa akin ang listahan ng mga taong sinasabi mo at ng isa-isa ko silang tanggalan ng trabaho. Hindi kasama sa ipinapasahod ko sa kanila ang pag-chismisan ako." "If you continue doing that ay mauubusan ka ng staff Dane." Leah reminded. She rolled her eyes. "Maraming tao ang naghahanap ng trabaho. We can do mass hiring whenerever we wanted to." Nakaismid niyang sabi at pinagkrus ang legs mula sa pagkakaupo. "Its not about the people, its their skills that the company needs. I know that you can always replace your staff whenever you wanted to, but you shouldn’t. Baka dumating ang araw na maubusan kana ng pondo dahil sa pagpapalit-palit mo ng staff na incompetent naman." Daneliya made no response. Proud siya sa kinalabasan ng DC Corp. Ang totoo'y front lang dapat iyun sa totoong pinagkukuhanan niya ng pera na tanging siya lang ang nakakaalamn. Not even Leah. Something she had learned all throughout the years, kahit gaano ka ka-close sa isang tao ay hindi mo dapat ipaalam dito ang pinakatatagong sekreto mo. Hindi mo kasi alam kung kailan ka ta-traydurin nito. "Alam mo dapat sayo ay mag-asawa na. Nagiging masyado ka ng grumpy lately eh." Tumaas ang kilay niya sa naging suhestyon nito. "It's a joke right?" "Come on Dane! Para saan ang pagpapayaman mo kung hindi ka rin lang mag-aasawa." "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nagpapayaman dahil sa lalaki…" "Mga anak I mean." Putol ni Leah. "For your childrens Dane. Wala kabang balak mag-pamilya?" "Do you?" Balik-tanong rito. "Of course!" Agad nitong sagot. "Do you even have a boyfriend?" Dagdag tanong. Tulad niya ay pihikan din ito sa lalaki. Though she doubted kung pihikan ba ang tawag sa kanya. She just don't trust any man in general. Para sa kanya, majority ng male species ay walang isang salita, lalo na sa bansang kinalakihan. "I don't. But I already have a prospect." Nagningning ang mga mata nito. "And you should too dahil hindi na tayo bumabata." "Just make sure na hindi lang pera ang habol niya sayo." Paalala niya rito. "Kung kasing-yaman na kita saka mo ako sabihan ng ganyan. Saka ano naman kung pera lang ang habol niya sa akin. Kung kasing-gwapo naman ng prospect ko yun." She rolled her eyes when she saw that dreamy look in Leah’s eyes. "Don’t be stupid. May pera ka man o wala ay huwag mong hayaan na mas malaki ang kinikita mo kaysa sa lalaki. Aabusuhin ka lang nila." "Wrong Daneliya! That's what you called love. Dahil kaya mong punuan ang pagkukulang ng partner mo." Leah corrected her friend. "Fool!” May pagkasurang saad at muling umikot ang mata pataas. "But we are all fools in love." "Only to few people I guess. Huwag mong lahatin dahil nasa matino pa akong pag-iisip." Napapailing itong tumitig sa kanya. "You can't be forever alone Daneliya. Isang araw ay may makikilala kang isang taong magpapaibig sayo at tatandaan ko yang mga pinagsasabi mo." "I don't deny that fact. Pero tinitiyak ko sayong utak ang paiiralin ko." Puno ng katiyakang sagot niya. Her falling in love with someone? Ni hindi nga niya magawang ma-attract sa isang lalaki kahit gaano ito ka-gwapo at succesful. "Oh yeah! Tandaan mong mahirap magsalita ng tapos. I will surely remember this day. But for the meantime, wait." May dinukot itong isang maliit na calling card mula sa notebook sabay abot. "Matagal ko ng gustong ibigay to sayo. Baka lang gusto mong maligaw dito. Maaliw ka tiyak." Sabay hagikgik. Tinanggap yun saka binasa ang nakasulat. Tumaas ang kilay at nagtatanong ang matang muling bumaling rito. "Queen's men lair? Anong lugar ito?" “The address and the number is there. Bakit hindi mo subukan.” Pag-uudyok nito. "What is this first?" Kulit niyang tanong. "Basta puntahan mo nalang. Feeling ko ay yan ang kulang sayo. Spice up your life Daneliya. Hindi lang sa pera umiikot ang mundo ng isang tao. Sinasayang mo ang gandang meron ka. Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay baka kabi-kabilaan ang date na meron ako." "You know wala akong oras sa mga ganitong bagay at sa sinasabi mong kabilaang pakikipag-date." Ipinatong ang calling card sa isang tabi. Puno ng poise na tumayo at dinampot ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair. "Maaga kang aalis?" Gulat na tanong ni Leah na halos hindi na sanay na mas nauuna ang among umaalis. "May dinner sa bahay. Hindi ko palalampasing hindi makita ang reaksyon ng madrasta ko kapag nakita niya ako." She smiled wickedly. “Mang-aasar ka lang eh." Naiiling na sabi nito. "Alam mo, kapag ikaw pina-salvage ng mga yan bahala ka. Bakit hindi kana kasi makuntento. Napatunayan mong kaya mong maging successful ng wala ang tulong nila." "But where will be the fun with that?" Mataray na tugon. She will never be contented and satisfied sa pang-aasar sa madrasta. Hindi niya mapaniwalaang nagawa ng isang ordinaryong housewife lang na paranasin siya ng miserableng buhay noon. Ang ginagawa niya ngayon ay kulang pa sa mga pagpapahiyang ginawa nito sa kanya nung nasa mansyon pa siuya. “Mauuna na ako sayo.” Pagpapa-alam dito at dinampot ang limited edition ng mamahaling bag sa mesa at paseksing naglakad papunta sa pinto. Nasundan nalang ni Leah ng humahangang tingin ang amo. Sa elevator ay hindi ilang kasabay ang hindi naiwasang hindi mapatingin sa dalaga. And why not? She is half-Russian pero mas mukhang puro siya. She was five feet six inches and a body to die for. Ang kanyang mukhang laging nakalitaw sa banat na banat na pagkakapusod ay isang magandang tanawin na lalong pinalutang ng mamahaling make-up brand na gamit. Mukha siyang isang modelo ng isang sikat na lingerie brand abroad. Ang ibang nakaka-kilala sa kanya ay ni hindi tumitingin sa direksyon niya. Scared that she might recognize them at magulat nalang na wala ng trabaho kinabukasan. Paglabas ng elevator ay taas noong naglakad hanggang sa marating ang naghihintay na sasakyan. Lumabas ang chauffer na ni hindi niya pinasalamatan at agad lumulan saka tinugpa ang daan pauwi sa bahay ng ama. Wala pang isang oras ay narating niya ang mansyon ng mga Corcov sa the Fort. Her father Dmitry Corcov is now retired pero mas pinili nito ang manatili sa bansa dahil sa mga naipundar nitong negosyo. Pero mayroon rin naman itong bahay sa Russia na ginagawa nalang bakasyunan ng buong pamilya, maliban sa kanya. Pagpasok niya sa main entrance ng mansyon ay binati siya ng katulong na ni hindi niya tinapunan ng tingin. Sinamahan siya nito papunta sa grand dining room. Walang pumasok doon ang hindi napatingala sa mamahalin at engrandeng chandelier na inorder pa ni Yulla sa Russia. Maging siya na tumira sa bahay na iyun ay hindi parin mapigilang tingalain ang naturang bagay. Dumako ang mata ng lahat sa kanya. Si Maxim na pagkagalak ang bumadha sa mga mata nang masilayan siya. Si Yulla sa kanan nito na pagkayamot naman ang naging reaksyon kaharap ang panganay na ganuon rin ang ibinabadya ng mukha. Katabi nito ang isang babaeng ngayon niya lang nakita. Well, Dmitry is just a womanizer dahil bukod sa gwapo ay nakukuha talaga nito ang mga gusto kahit noon pa man. At ang dalawa pang lalaking kapatid na parang hindi siya nag-iexist sa buhay ng mga ito. “Daneliya, my amazing daughter. Come and join us. Mabuti at nakapunta ka sa imbitasyon ko.” Magiliw na turan ng ama. He has an excellent Tagalog dahil wala pa itong asawa ay na-destino na sa Pilipinas. Even Yulla found a way to learned the said language at hindi mo rin ito maibebenta. “But of course Papa!” Daneliya smiled sweetly. “Can I say no to you.” Naupo siya sa silyang hinila ng katulong para sa kanya at nag-hello sa iba na walang naging sagot. “How's your business going?” Tanong ni Maxim. “You can always ask me for help you know that right." Pinanatili niya ang ngiting naka-plaster sa labi. Liar! She had asked him help when she graduated from college pero dahil wala itong tiwala sa kakayahan niya bilang babae ay tumanggi ito. Isang beses lang siya nagtangka upang makapag-put up sana ng sariling business tulad ng kapatid na si Dmitry na dise-otso pa lang ng mga panahon na yun at nag-aaral rin pero may car-wash business na ay hindi siya pinagbigyan. Ang nais nito ay ipaasawa siya sa isang business partner. She loves her father pero nagtanim siya ng sama ng loob na hanggang ngayon ay nanatiling nakatanim sa puso. Ang dahilan ay hindi niya daw kailangang mag-trabaho kung pwede naman siyang mag-buhay reyna ng walang ginagawa which she found so unfair. Naniniwala siyang hindi nasusukat ang kakayahan ng isang tao dahil sa kasarian nito. “My business is going well Papa! Thank you anyways. I will surely remember that.” “Kung sana'y kasing galing mo ang mga kapatid mo. Lalo kana Dmitry, hindi yung kung sino-sino ang dinadala mong babae sa bahay. Focus on what you want in life.” Ipinagkibit-balikat ng lalaki ang komento ng ama. “Time will come Papa at gugulatin rin kita. At ano ang sinasabi ninyo. You knew Lara for a long time now.” Hindi ito pinansin ni Maxim. Tahimik na nagpatuloy sa pagkain ang mag-anak. Kapansin-pansin ang masakit na tingin sa kanya ng mag-inang Yulla at Dmitry, but Daneliya just smiled wickedly at them. Wala namang kayang gawin ang mga ito sa kanya kaya hindi siya natatakot. Hindi pa man natatapos kumain ang lahat ay nag-excuse siya. She felt bored suddenly. Hindi na kasing saya ng dati ang inisin ang sariling pamilya. Iisang reaksyon nalang naman ang nakukuha niya sa mga ito. And that's hatred! "I'm going ahead papa." Pagpapaalam niya. “Bakit hindi ka magpalipas ng gabi dito Daneliya. This is still your home. And were are your family.” Home! It was never a home for her pero hindi niya yun kailangang ipamukha sa lahat. “Next time.” She refused for a hundredth times now. Agad gumuhit ang disappointed sa mukha ng ama. Pinigil ni Daneliya ang makaramdan ng kahit ano. Tapus na siya sa pagiging mabait at martir. She's a strong woman now. A very succesful one! “Marami akong uwing paperworks at buong gabi akong magta-trabaho mamaya." Pagsisinungaling niya dahil hindi naman siya talaga nag-uuwi ng trabaho. May ibang gawain siyang hinaharap pagdating sa sariling tahanan. “Please find time to visit us again. Ikasisiya ko yun.” “Sure Papa.” Tumayo na siya. Sandaling tinapunan ng tingin sandali ang bawat myembro ng pamilya. Tumalikod at nakasimangot na nilisan ang lugar. Pagdating sa bahay ay aligaga ang mga katulong sa pagsalubong sa kanya. Nakaramdam siya ng lungkot ng salubungin siya ng katahimikan at malamlam na ilaw ng bahay. “Madam ipaghahain na po ba namin kayo? Nakahanda na po ang pampaligo ninyo.” “Hindi ako kakain.” Tipid niyang sagot at dumiretso sa hagdan ng alanganin siyang tawagin ng kasambahay. “Ah eh! M-Madam m-magpapaalam ho sana ako at kailangan kong umuwi ng probinsya.” Napahinto siya sa tangkang paghakbang sa unang baitang ng hagdan. Hinarap ang kasambahay na ni hindi niya alam ang pangalan. "Ilan taon ka ng nagta-trabaho sa akin?" Nagulat ito pero alanganing sumagot. “L-Limang taon po madam." “Ilang beses sa isang taon kayo pwedeng magbakasyon.” Hindi iyun tanong sa part ni Daneliya kundi pagpapaalala ang isa sa mga mahigigpit na patakaran sa bahay pagdating sa mga empleyado. "I-Isang beses lang po. E-Emergency lang po M-Madam." “Sumunod ka sa akin.” Matabang niyang saad at pumihit paharap sa hagdan saka nagtuloy sa kwarto. Pagkalapag ng bag ay inilabas ang cheke at nagsulat ng presyo saka inabot sa may katandaan ng babae. Nanlaki ang mata nito. Kung sa halagang nakasulat doon o dahil nakuha nito sa wakas ang ibig sabihin ay wala ng pakialam si Daneliya. "M-Madam?” “Hindi paba sapat na kabayaran yan? Sobra-sobra na yan bilang serbisyo mo sa akin sa limang taon.” “P-Pero…” “Pagod ako at marami akong gagawin. Tulad ng sabi ko nung una kitang tinaggap dito, kung ano lang ang bitbit mo papasok sa bahay ko ay siyang dadalhin mo palabas.” "P-Pero b-bakasyon lang po ang…" "Isa sa mga patakaran ko ay isang beses lang kayong pwedeng umalis para mag-bakasyon sa isang btaon. Hindi ba madaling intindihin yun? Mamili ka, tatanggapin mo ang pera na yan at uuwi ka sa inyo o ibabalik mo ang pera at mananatili rito?" "N-Nasa ospital po ang anak ko." Mangiyak-ngiyak na sabi nito. Nag-iwas siya ng mata. Hindi siya pwedeng lumambot sa mga ganuong bagay. Aabusuhin ka lang kapag naging mabait ka! She reminded herself. "You had made your choice. Sapat ang pera na ibinigay ko sayo para makapag-pundar ka ng maliit na negosyo." Walang nagawa ang katulong kundi maluha at laglag ang balikat na lumabas ng kwarto. Pilit pinatigas ni Daneliya ang sariling damdamin. Kailangan niyang gawin iyun para sa sariling kaligtasan. Sa tuwing aalis ang mga kasambahay ay pinaiimbistagah niya muna ang mga ito bago bumalik sa bahay niya. Kung saan pumunta at anong ginawa ay nais niyang malaman.Hindi lingid sa kaalamang may mga taong nais alamin ang tungkol sa kanya at kailangan niyang mag-ingat. Hindi pwedeng may makaalam ng pinakatatagong sekreto. Bago tuluyang maligo ay naglakad siya papunta sa isang panig ng kwarto. May pinindot sa ilalim ng maliit na mesang naroon at unti-unting gumalaw at gumilid ang isang malaking portrait sa dingding. Ilang sandali lang ay bumuka iyun at lumitaw ang isang pinto. Tinype niya ang personal password at pumasok sa loob. Dinouble lock niya ang pinto at bumungad sa kanya ang mga kulang dalawampung malalaking screen. Lahat iyun ay naka-switch at sabay-sabay gumagalaw ang flow ng stock markets sa malalaking bansa tulad ng USA, Japan, UAE at iba pang European countries. Ang ibang screen ay naka-focus ang flow ng stock market. Tumayo siya sa gitna nun at pinanood ang kung anumang ipinapakita ng screen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD