NAKATULALA ako habang pinagmamasdan ang pag galaw ng tubig sa loob ng baso ko nakapangalumbaba pa ako. Pagkatapos bumuntong-hininga ako. "Walang papalit dyan sa five hundred mo Rhina. Umayos ka baka ibuhos ko ang basong kanina mo pa pinagmamasdan." Nakataas pa ang kilay ni Aceshelle ng sabihin niya 'yon sakin. "Wag kang basag trip bestfriend." "Tss! Ako pa ang basag trip. Ikaw nga tong nagyayang kumain dito sa cafeterie tapos ang gagawin mo titigan mo lang yang tubig na nasa baso. Kahit abutin ka pa ng one hundred years hindi mo yan kayang palutangin!" I rolled my eyes. "Asar ka noh!" "Ano ba kasing drama ang ginagawa mo? kamusta na pala ang malapit ng ikasal?" "Engage! Sa taong hindi naman ako ang gustong mahalin." Sinimsim muna ni Aceshell ang softdrink niya bago muling nagsalita.