Alfred's POV Nagmamadali akong lumabas ng kwarto upang sundan si Rhina. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Nasaktan ko siya ng sobra masyado akong lumagpas sa limitasyon ko. Paglabas ko nakita ko si Teo na kalalabas lang ng kotse niya. "Wrong timing!" "Oh? Bakit nagmamadali ka? Excited kana sa pupuntahan natin?" Ani Teo. Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "Nagtext ako sayo ah? Hindi mo ba nabasa?" Umiling ako sa kanya. "Saan ka pupunta?" Bigla kong naalala si Rhina. Susundan ko nga pala siya. Sumakay ako sa kotse ni Teo. Ako ang nagmaneho ng Kotse niya. "Teka saan mo yan dadalhin?" "Just go with may hinahabol ako." Nagkibit balikat siya at sumakay sa kotse niya. Pagkatapos pinaharurut ko yon. "Faster Alfred! Napupurol kana yata." Humalakhak pa siya. Na mas lalo kong kina