Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Pusong Ligaw" Part 13 Mag buhat noong maganap ang insidenteng pag tatagpo namin ni Jerome sa dako pa roon ay tila natakot na akong ipikit ang aking mga mata sa tuwing sasapit ang gabi. Paano kaya kung hindi ako nakatakas sa malagim na bangungot na iyon, malamang ay patay na ako ngayon at kahit na kailan ay hindi ko na makikita pang muli si Seth. Halos araw araw akong binabalot ng matinding takot at pag aalala dahil hindi ko makontrol ang aking sarili.Kaya naman halos lahat ng blogs at research sa internet tungkol sa "Astral Body Projection", "Lucid Dreaming at "OBE" o "Out of the Body Experience" ay binasa ko at masuring pinag aralan upang mas maging malawak pa ang aking kaalaman sa ganitong uri ng abilidad. Ang ilan sa mga ito ay kung paano kontrolin ang