Part 11: Sandaling Paghihiwalay

2381 Words
Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Sandaling Paghihiwalay" Part 11 Araw ng Sabado, ilang oras na lamang ang natitira sa akin dahil babalik na ako sa siyudad kinabukasan. Halos isang buwan din ang itinagal ko sa lugar na ito bagamat ang unang usapan lang namin ni Papa ay dalawang linggo lamang ako mananatili dito sa hacienda. Sino ba naman ang mag aakalang mag eextend pa ako ilang linggo pa dahil kay Seth at sa kaligayahan kong nadarama kapag kasama ko siya. Iyon nga lang, sa sobrang saya ay hindi ko na malayang nauubos na ang oras, at bukas ang magandang panaginip na ito ay mag tatapos na. "Iho nasabi mo ba kay Seth na bukas ay babalik kana doon sa siyudad?" ang tanong ni Manang Pelly habang tinutulungan ako sa pag aayos ng aking gamit. "Hindi pa po, hindi ko alam kung paano mag papa alam sa kanya. Ayokong malungkot siya at muling makaramdam ng pag iisa. Sa kaparehong dahilan ay malulungkot din ako." sagot ko naman na hindi maitago ang bigat ng aking dibdib. "Sir Ybes, ako rin ay nalulungkot sa iyong gagawing lisan ngunit batid ko mas ikalulungkot ito ni Seth." malungkot na wika din ni Manang Pelly. "Huwag po kayo malungkot, sandali lang naman akong mawawala. At sa pag babalik ko po ay hahanapan ko na ng kasagutan ang aking mga katanungan tungkol sa lugar na ito."tugon ko naman sabay bitiw ng hilaw na ngiti. Matapos kong ayusin ang aking mga gamit, nag pasya naman akong ilibot si Buknoy sa buong hacienda. Halos hindi nito maitago ang labis na excitement habang pinag mamasdan ang nag tatakbuhang hayop sa bukid, paminsan minsan ay binibilang pa nya ang mga ito kahit na pa ulit ulit lang mula 1 to 15. Iyon lang kasi ang kaya niya pero cute pa din at talagang mapapatawa ka. Paminsan minsan naman ay ginagaya pa nito ang huni ng mga baka, kambing at ibang hayop sa kanyang paligid kaya naman mas lalo pang natatawa sa kanya ang mga tao sa hacienda, bibong bibo daw kasi at napaka talino pa. Noong araw ding iyon ay dinala ko siya sa fish pond at dito ay tinuruan ko siya kung paano mamingwit ng isda, ito ang unang pag kakataon na naka hawak si Buknoy ng pamingwit kaya naman tuwang tuwa ito habang naka upo kami sa tulay ng pala isdaan. Sa bandang huli, ang aming mga nahuli ay iniluto namin at ginawang pananghalian. Alas 2 ng hapon noong kami ay makabalik sa hacienda, pasan ko si Buknoy habang lalakad pabalik sa tarangkahan ng mansyon at doon nga ay nakita ko si Seth na naka upo sa gilid nito tila hinihintay ang aking pag dating."Tol, kumusta?" bati ko habang lumalakad palapit dito. "Nga pala, si Joey (tunay na pangalan ni Buknoy) kapatid ko." pag papakilala ko kay Buknoy na noon ay naka kapit pa rin sa aking likuran. "Oh Buknoy say hi to kuya Seth." ang bulong ko sa bata. Bumaba naman si Buknoy mula sa aking likuran at lumapit ito kay Seth sabay kuha ng kanyang kamay at nag mano ito. "Aba, magalang na bata pala itong si Joey. Malayong malayo sa iyo tol." biro ni Seth. Binuhat nya si Buknoy at isinampa sa kanyang batok para ipasahan. Syempre natuwa naman ang bata at hinagikgik ito sa katatawa. "Ngayon lang napansan ng ganyan yan kaya tuwang tuwa." wika ko naman habang pinag mamasdan sila na parang mag amang nag bobonding. "Mahilig ka pala sa bata?" tanong ko kay Seth. "Oo naman. Alam mo namang solong anak lang ako. Kaya kahit papaano ay sabik din ako sa batang kapatid." sagot naman nito habang iniikot ikot si Buknoy sa kanyang pag pasan.. Ilang minuto rin sila sa ganoong pag lalaro hanggang sa dumating si Manang Pelly at pasimple nitong niyaya si Buknoy na pumasok sa mansyon. Marahil ay ginawa niya ito upang makapag usap kami ni Seth ng masinsinan at maipaliwanag ko sa kanya ang aking pag balik sa siyudad bukas. Noong mga sandaling iyon ay nag lakad naman kami patungo sa kabilang ibayo malapit sa bungad ng kakahuyan at doon ay naupo sa batuhan. Masayang masaya ito habang hawak ang aking mga kamay, samantalang ako naman pilit itinatago ang kalungkutang nadarama habang nakangiti. tahimik.. Pareho kaming naka titig sa bungad ng kakahuyan at pinag mamasdan ang mga kuneho at maliit na usang nag tatakbuhan. Tila ba nag papakiramdaman kami kung sino ang mauunang babasag sa katahimikan. "Bukas ay ipapasyal kita doon sa ilog, maligo tayo at manghuli ng isda kasama si papa." ang naka ngiting pag yaya ni Seth sa akin dahilan para balutin ng lungkot ang aking mga mata. "Teka, may problema ba? Bakit nararamdaman ko ang lungkot mo?" nag tatakang tanong nito. Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa kanya ng tuwid. "Ikinalulungkot ko na hindi na ako makakasama pa sa iyong pamamasyal bukas. Babalik na kasi ako sa siyudad at itutuloy ang aking pag aaral para sa huling semester ng ika apat na taon. Ang totoo nun ay dalawang linggo lamang talaga ang bakasyon ko dito sa probinsya, pinahaba ko lang ng ilang linggo pa dahil sayo, dahil masaya akong kasama ka. At ngayon si papa na mismo ang nag papabalik sa akin doon kaya't wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Pero huwag kang mag alala. Mag kikita pa naman tayong muli.. dadalawin kita dito." malungkot kong pag papaalam Tahimik.. Tumango lamang ito, at nanatiling nakatingin sa malayo. Tila ba hindi nya nagustuhan ang kanyang narinig.. "Seth, babalik naman ako agad at mag kikita tayong muli." ang muli kong pag papaalam at doon ay hindi ko na naiwasang umiyak. "Ayos lang. Geh" ang tila nag tatampong sagot nito "Seth naman, pangako ko na babalik ako agad.. Huwag ka naman malungkot dahil nasasaktan ako." Paki usap ko lang "Iiwan mo rin pala ako..." ang mahinang salita nito at doon ay tumayo ito at lumakad palayo sa akin kaya naman hinabol ko siya at niyakap ito mula sa likuran. "Huwag kang umalis. Pakiusap.. Nasasaktan ako." ang iyak ko. "Iiwan mo rin pala ako. Sana ay hindi mo na ako pinatikim ng pansamantalang kaligayahan. Sana ay sinabi mo agad sa akin na limitado lamang ang lahat ito. Sana ay limitado rin ang naibigay ko saiyo. Ang akala ko ay nanaginip lamang ako dahil sa unang pag kakataon sa aking buhay ay mayroong tumanggap sa akin, kung sino at ano ako. Pero ngayon? Ang panaginip na iyon ay tapos na. Maaari kanang lumisan.." ang mahinang wika nito habang nakatalikod at pilit inaalis ang aking kaya sa kanya katawan. "Hindi ko kayang umalis ng ganito. Pag katapos ng pinag samahan natin? Ganoon mo nalang itatapon ang lahat? Aalis lamang ako para tapusin ang aking pag aaral. Babalik din ako para saiyo... Paki usap huwag mo naman ako talikuran tol." ang umiiyak ko pag susumamo habang nakayakap sa kanyang likuran. "Umalis kana at bumalik kana sa lugar na pinag mulan mo. Huwag mo akong alalahanin dahil sanay akong mag isa." tugon nito at doon ay tuluyan niyang inalis ang aking kamay sa kanyang katawan at muli itong lumakad palayo sa akin. Napaluhod na lamang ako habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa lupa. Kasabay ng pag patak ng luha sa aking mga mata ay siya namang unti unting pag bagsak ng ulan sa kalangitan. Tila ba nakikiramay ito sa kalungkutang aking nadarama noong mga sandaling iyon habang si Seth ay unti unting lumalakad papasok sa kakahuyan kaya naman dali dali akong tumayo at hinabol ito. Mabigat na mabigat ang aking pakiramdam at naninikip ang aking dibdib.Tila ba hindi ko kakayanin na mag hiwalay kami ni Seth sa ganitong paraan. "Seth, bumalik ka dito pakiusap!!" ang sigaw ko habang nag kakandarapa sa maputik na daan ngunit hindi man lang ito lumingon sa akin kaya naman inipon ko ang hininga sa aking baga at sumigaw ako ng malakas "SETH! HUWAG KANG LUMAYO.... MAHAL KITAAAAAAA!!" ang sigaw ko na umalingaw ngaw sa buong paligid at doon ay napahinto ito sa pag lalakad at sandaling lumingon sa akin.. Tahimik.. Batid kong narinig nya ang lahat.. Ngunit sa pag aakala na lalakad siya pabalik sa akin ay nag kakamali pala ako dahil tila slow motion niyang binawi ang kanyang tingin at ipinag patuloy ang pag lakad palayo sa akin hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking mga mata. Tila nawalan ako ng lakas at marahan akong nasaldak sa putikan. Sa pag kakataong ito ay kawalan ng pag asa ang aking naramdaman habang hinuhugasan ng malamig na buhos ng ulan ang aking maduming katawan. Mabuti pa ang dumi sa aking damit ay kaya nitong hugasan.. Bakit ang kirot at sakit sa aking dibdib ay hindi nito magawang tanggalin? Parang kahapon lamang ay walang hanggang ligaya ang aking naradama.. Ngayon ang kaligayahang ito ay nag laho na. Kung kailangan nag karoon ako ng lakas ng loob aminin ang aking tunay na nararamdaman saka naman siya tuluyang lumayo sa akin. Tuloy pa rin ang pag patak ng ulan.. Nang hina ang aking tuhod, at hindi ko na nagawa pang tumayo. Patuloy pa rin ang buhos ng ulan na siyang nag bibigay lamig sa aking kalamnan. Umiiyak ako ngunit walang makaka kita nito maliban sa patak ng ulan na dumadaloy sa aking mata. "Sir Ybes!! Hayun siya!!" ang narinig kong sigaw ng mga tauhan ni papa at doon ay nakita nila akong nakasaldak sa putikan. Dali dali silang tumakbo palapit sa akin at doon ay inalalayan nila ako sa pag tayo. "Sir, ano po ang ginagawa ninyo sa lugar na ito? Nag aalala na po sa iyo ang iyong ama." tanong mga ito ngunit hindi naman ako sumagot at ipinag patuloy ko na lamang ang aking pag lalakad. Noong gabing iyon ay damang dama ko pa rin ang sakit at matinding lungkot habang naka upo sa tabing bintana at maiging tinatanaw ang tarangkahan, nag babaka sakali lamang ako na sana'y puntahan ako ni Seth upang kami ay mag kaayos ng sa gayon ay maging maluwag naman ang aking pakiramdam kahit na papaano. Tama nga sila, ang dahilan ng iyong kasiyahan ay maaaring maging dahilan din ng iyong kalungkutan. Kanina nga ay tinanong ni Papa kung ano ang nangyari sa akin doon sa bungad ng kakahuyan. At dahil ayokong aminin ang totoong nangyari ay sinabi ko na lamang na nadulas ako at umipit ang ugat sa aking mga paa kaya't hindi agad ako nakatayo. Bagamat sa kabila ng aking pag sisinungaling ay naka tingin lamang sa akin si Manang Pelly at batid kong alam na nya ang tunay na dahilan. Ilang oras pa ang itinagal ko sa tabi ng bintana ngunit walang Seth na nag paramdam sa akin. Kung kailan pa naman nasabi kong mahal ko siya ay saka siya nawala. Okay lang sa akin kahit hindi sya sinuklian ang pag mamahal ko, ngunit sana lang ay hindi nya ako natiis.. Ito ang nakakasakit sa akin ng lubos, ang makita siyang lumakad palayo sa akin. Kinabukasan, nakahanda ang lahat ng aking gamit at ikinakarga na ito sa aming sasakyan. Muling tinipon ni Papa ang lahat ng tao sa hacienda upang makapag paalam ako ng maaayos sa kanila. Isa isa ko silang kinamayan at niyakap, ang ilan ay nalungkot at ang ilan naman ay nag baon pa ng mga gulay at prutas. Ilang minuto bago kami tuluyang umalis ay nagawa ko pang mag tatakbo sa bungad ng kakahuyan, nag babaka sakali akong nandoon si Seth at hinihintay lamang ako nito. "Seth!! Nasaan kaaa?" "SETH NASAAN KAAA!!" ang muli kong sigaw ngunit walang Seth lumabas mula dito. Tahimik.. Lalong bumigat ang aking loob at pakiramdam ko ay tinusok ng kung anong matulis na bagay ang aking puso. "Seth.. Aalis na ako.. Babalik ako agad pangako.. Mahal kitaaaa!!" ang muli kong sigaw at doon ay maluha luha akong nag tatakbo pa balik sa harap ng tarangkahan. Mabigat ang aking dibdib at ano mang oras ay maaaring bumuhos ang luha sa aking mga mata.. At bago tuluyang sumakay ng sasakyan ay hinabol pa ako ni Manang Pelly at doon ay niyakap ako ng mahigpit. "Mag iingat ka iho.. Pag butihin mo ang iyong pag aaral." bulong nito. "Salamat po Manang Pelly. Babalik po ako at mag kwentuhan tayo ulit..Mag iingat po kayo." ang tugon ko naman habang nakayakap dito ng mahigpit. "Nga pala Sir Ybes, narito po ang sulat na iniabot ni Seth sa akin kaninang umaga.. Ibigay ko raw ito sa iyo" wika nito sabay abot ng isang nakatuping papel. Kinuha ko ito at inilagay sa aking bulsa. Napasalamat ako kay manang Pelly at muli akong kumaway sa bintana habang nag iwan ng matamis na ngiti sa lahat. Nag simula nang lumakad ang sasakyan at mula sa bintana ay tinanaw ko ang mga puno at batuhan na naging parte ng aking kaligayahan, parang kahapon lamang ay masaya kong nilalakad ang lugar na iyon, may ngiti sa labi at may sigla sa aking katawan. At habang nasa ganoong pag tanaw ako ay nakapa ko ang sulat ni Seth sa aking bulsa kaya naman agad kong dinukot ito at tinitigan.. Kasabay ng pag bukas ko ng papel ay siya namang pag bukas ng radyo sa loob ng sasakyan, kaya't ito ang nag mistulang background music habang pinabasa ko ang sulat.. Ang musika ay pinamagatang "Pusong Ligaw na inawit ni Jericho Rosales, ito rin ang halos paborito kong kanta. "Ybes, Patawarin mo ako kung iniwanan kita kahapon. Labis lamang akong nasaktan at nabigla sa iyong pamamaalam. Hindi ko napag handaan ang araw na aalis ang kaligayan ko, ngunit gayon pa man ay marami salamat sa sayang idinulot mo sa aking buhay. Lagi kitang iisipin at hahagkan sa hangin. Pag butihin mo ang iyong pag aaral at umaasa akong babalik ka upang makasama akong muli. P.S MAHAL DIN KITA.. Baunin mo ang pag ibig ko at gawin itong inspirasyon sa lahat ng pag kakataon, hindi hinding kita iwawaglit sa aking puso at isipan, dahil ikaw pa rin ang paulit ulit na hahanapin ng puso kong ligaw.. Hihintayin ko ang iyong pag babalik.. Nag mamahal, Seth Halos pumatak ang aking luha noong mabasa ko ang sulat ni Seth kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin ang papel at hagkan ito. Kasabay nito, ipinangako ko sa aking sarili na babalik sa piling niya dahil batid ko na ang aking pag lisan ay sandaling pag hihiwalay lamang. itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD