Part 10: Paraiso Ni Seth

2411 Words
Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Paraiso ni Seth" Part 10 Kinaumagahan, pag mulat ng aking mata ay nakita ko agad ang gwapong mukha ni Seth. Natutulog pa rin ito habang naka yakap sa akin. Mukhang seryoso nga ang mokong sa kanyang sinabi na aalagaan nya ako at poprotektahan kaya heto, kahit na sa aming pag tulog ay naka kulong pa rin ako sa kanyang bisig. Patuloy kong pinag masdan ang kanyang mukha at doon ay hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung ilang taon na kaya ang pinalagi nya dito sa mundo, ilang taon na ba siyang malungkot at nag iisa? Darating ang araw na tatanda ako at kukulubot ang balat samantalang siya ay mananatili na lamang sa ganitong anyo mag pakailanman. Anong lungkot kapag naiisip ko. Napag patuloy sa pag titig sa kanyang mukha, maigi kong pinag masdan ang matangos nyang ilong, mapula at maninipis na labi at ang kanyang napaka kinis na mukha. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag kakatitig nang bigla na lamang pumatak ang luha sa aking mga mata at eksato namang pag dilat nya kaya nagulat ito noong makita akong umiiyak. "Tol, bakit ka umiiyak? May problema ba?" ang agad na tanong nito kaya naman bigla akong bumalikwas ng bangon at itinakip ang kumot sa aking mukha. "Wala ito, napuwing lamang ako. Sorry kung naistorbo kita sa pag tulog mo." palusot ko at doon ay naramdaman kong bumangon din ito at nilingkis ang kanyang mga kamay pagapang sa aking bewang. "Hmm, pwede ba iyon? Bigla ka na lamang iiyak ng walang dahilan? Sige ka, kapag hindi mo sinabi sa akin ang dahilan ng pag iyak mo ay mapipilitan na talaga akong basahin ang nilalamang ng isip mo." seryosong tanong nito na may halong pag mamaktol. "Kaya mong gawin iyon?" tanong ko naman. "Oo naman. Ako ang masusunod kung nais ko bang basahin ang nilalaman ng isipan mo. Naka depende sa akin kung gagawin ko ito o hindi." paliwanag nito at maya maya ay tinitigan niya ang aking mga mata. Tahimik.. Maya maya ay laking gulat ko noong lumapit ito sa akin at bigla na lamang akong hinalikan sa pisngi sabay sabi ng "Magandang umaga." "Bakit mo ako hinalikan?" tanong ko naman. "Hinalikan kita dahil iyon ang nilalaman ng isip mo. Ang sabi mo ay naiinis ka dahil hindi man lang kita binati ng magandang umaga o hinalikan man lang sa pisngi." paliwanag nito dahilan para matameme ako at nakaramdam ng pag kahiya. Iyon nga eksatong naisip ko kanina noong inilingis niya ang kanyang kamay sa aking bewang. Ibang klase pala ang isang ito dahil daig pa nya ang scanner ng utak. "Huwag kang mag alala dahil kahit tumanda ka pa ay mananatili pa rin ako sa tabi mo.. Hindi kita iiwan.." dagdag pa nya kaya't mas lalo akong natutula. "s**t hindi ka nga nag bibiro." ang mangha kong salita habang naka hawak sa kanyang mag kabilang pisngi at maiging inuusisa ang kanyang mata. "Ano bang tinitingnan mo sa mata ko? Depende sa akin kung gusto kong basahin ang isip ng tao o hindi. May abilidad ako na bukas o isarado ang kakayahan ko itong. Minsan ko lamang ito gamitin dahil ang pag babasa sa isip ng iba ay masamang gawain at isa pa ay natatakot akong malaman ang iniisip nila tungkol sa akin. Karaniwan kasi ay iniisip nilang wirdo ako, haliwa at mapanganib." wika ni Seth na may halong lungkot sa mga mata. "Huwag mo silang isipin tol. Hindi natin kailangan ang buong mundo para intindihin tayo.. Ikaw at ako lang ay sapat na." wika ko naman at niyakap ko ito ng mahigpit. "Tama ka doon Ybes. Ikaw lang ay sapat na sa akin." tugon naman niya at doon ay muli kami nahiga upang mag kwentuhan at pag usapan ang ilang bagay sa aming paligid. Tatlong araw ang lumipas, naging madalas ang pag tatagpo namin ni Seth. Kung baga sa mag syota ay nasa "dating stage" pa lamang kami bagamat paminsan minsan ay itinatanong ko sa aking sarili kung bakit sa lalaki ako nahuhulog? Bakla ba ako? O nag kataon lamang dahil kakaiba si Seth? Ang ibig kong sabihin ay "ibang iba" siya sa lahat. Maalaga, maasikaso at pakiwari ko ba ay ligtas ako kapag kasama ko siya. Kung gayon ay posible pala talagang madevelop ka sa isang taong nag papakita ng labis na kabutihan sa iyo. At isang araw ay gigising ka na lamang na tinamaan kana pala ng lintik at iyon ang magiging simula ng iyong saya at lungkot pag dating sa pag mamahal. Araw ng Biyernes, muli akong sinundo si Seth upang ipasyal sa loob ng kakahuyan. May mga paborito daw kasi siyang lugar sa loob nito na gusto niyang ipakita sa akin. Syempre excited akong sumama at hindi na ako nag dalawang isip pa. Ibayong saya kasi ang dulot nito sa aking pag katao at hindi ko na namamalayan pa ang oras na nalilimipas kapag kami ay mag kasama. Alas 10 ng umaga noong ako ay tumulak sa kakahuyan dala ang lunchbox at ilang kakanin para sa amin ni Seth. Inihanda ito ni Manang Pelly dahil tiyak daw na magugutom kami sa pag lalakad. Katulad ng dati ay sinalubong ako ni Seth sa bungad at may dala nanaman itong isang pirasong rosas na iniabot sa aking kamay "para sayo." wika nito habang naka ngiti. "Para sa akin ulit? Hmmm nanliligaw ka ba?" pabiro kong tugon bagamat sa loob loob ko ay umaasa akong OO ang kanyang sagot. "Kung manliligaw ba ako ay sasagutin mo ako? Maraming magagandang babae doon sa hacienda baka nga may dinedeskartehan ka na doon e." hirit nito na tila nag seselos. "Wala no, hindi naman ako lumalabas sa ibang parte ng hacienda kundi doon lamang sa manukan, babuyan at sa mga bakahan. Iyon lang kasi ang nag papalakas sa aming negosyo. Teka baka naman inaasahan mo na maiinlove ako doon sa manok at baboy sa poultry house?" pabiro kong hirit. "Pwede rin, basta ba kasing gwapo ko yung manok at baboy. Pero hindi ko naman sinasabing kamukha ko sila." wika naman nito at kinuha nya ang knapsack na aking sukbit. "Lakad na tayo tol." pag yaya nito sabay akbay sa aking balikat. Para kaming mag kasintahan namamasyal sa isang romantikong lugar noong mga oras na iyon. Muli naming tinahak ang daan patungo sa paboritong tambayan ni Seth dito sa loob ng kakahuyan. Maingat lamang kami sa pag lalakad dahil nag kalat raw ang mga bitag at patibong na ginagawa niya papasok upang walang makadiskubre sa naturang lugar. Panatag akong naka sunod kay Seth dahil pakiramdam ko ay ligtas ako pag nasa kanyang tabi, walang sino man ang maaaring lumapit at sa akin kapag siya ang kasama ko. "Nga pala tol, tungkol sa kwento ni Manang Pelly. Gaano ba katotoo na mabilis lumipas ang oras dito sa loob ng kakahuyan? Naalala ko ang salaysay nya (ni Manang Pelly) sa akin noong siya ay naligaw dito sa loob, limang oras lamang daw siya dito ngunit laking gulat nya noong malamang labing limang araw na siyang nawawala sa labas. Bakit pag dating sa akin ay mag kapareho lamang ang oras? Kahit abutin ako ng mag hapon dito ay ganoon pa din pag labas ko?" "Ang nangyari sayo at kay Pelly ay mag kaiba. Noong mga oras na naligaw si Pelly at ang kanyang mga kaibagan dito sa loob ng kakahuyan ay inabot sila ng dilim. Hindi nila alam kung saan sila tutungo kaya't naligaw sila. Paulit ulit lamang ang kanilang dinaraanan dahil bumabagal ang oras dito kapag ikaw ay namamali ng daan. Sa makatuwid, MALI ang daan na pinili nila Pelly noong mga oras na iyon. Kaya sa pag aakala na sandali lamang sila sa loob, nag kamali sila dahil bumabagal lamang ang oras sa loob nito kapag sumasapit ang hating gabi. Sabi ko nga sa iyo, misteryoso ang mga puno dito sa loob ng kakahuyan. Mayroon silang sariling pag iisip at nararamdaman nila ang intensyon ng kanilang mga bisita. Mapag laro sila at kung minsan ay hindi biro ang mga ito. Sa iyong parte naman, kaya hindi bumibilis o bumabagal ang takbo ng iyong oras dito sa kakahuyan ay dahil sa tatlong dahilan. Una, kabisado ko ang daan at kahit na kailan ay hinding hindi tayo maliligaw. Ikalawa, ako ay kilala ng mga puno at nilalang dito sa loob ng kakahuyan kaya't pinoprotekhan nila ako at ang aking taong mahalaga sa akin. Ikatlo, hindi tayo inaabot ng hating gabi sa loob nito dahil delikado. At mayroon pang ikaapat na dahilan ngunit hindi ko muna sa iyo sasabihin ito." paliwanag nito habang naka ngisi. "Hala, bitinin ba ako?" pag mamaktol ko. "Sabihin mo na yung huling dahilan." "Basta tol..Heto na pala tayo sa paborito kong lugar. Tayo na." ang excited wika nito sabay hawak sa aking kamay at nag tatakbo kami sa hangganan ng mga puno. Isa pala itong patag na lugar, luntian ang paligid dahil punong puno ito ng d**o at magagandang bulaklak. Maraming nag liliparang insekto, tutubi, paro paro at tipaklong. Ang akala ko ay sa mga pelikula at magasin ko lamang makikita ang ganito kagandang lugar. Isang paraiso, mapayapa at makulay. Hindi ko akalain sa likod ng nakaka kilabot na lugar sa loob ng kakahuyan ay may naka kubli na ganitong kagandang lupain. "Dito ako madalas tumatambay kapag ako ay nalulungkot at nakakaramdam ng matinding pag iisa. Tanging ang mga bulaklak, d**o, insekto, hangin at mga puno lamang ang saksi sa aking pag dadalamhati, sila ang yumayakap sa akin kapag kailangan ko ng masasandalan." malungkot na wika ni Seth habang naka tingin sa kalayuan. "Ang ganda dito, ngayon lamang ako naka kita ng ganito kaaliwalas na lugar." pag kamangha ko naman. "Tara doon tayo sa ilalim ng puno, malamig doon at mas patag ang damo." pag yaya ni Seth sabay hawak sa aking mga kamay. Pag dating namin sa nasabing puno agad kong inilatag ang kumot na nakatago sa loob ng aking knapsack. Naupo kami dito at inilabas ko ang panang haliang ipinabaon sa amin ni Manang Pelly. Apat baunan ito, ang una ay nag lalaman ng kanin, ang ikalawa ay ulam, ang dalawa naman salad at ilang minatamis. "Wow, ang dami naman." namamanghang wika ni Seth kaya naman agad ko itong binigyan ng kutsara upang matikman nya ang nakahaing pag kain. "Masarap talaga mag luto si Manang Pelly, nasabi ko kasi sa kanya na mamasyal tayo kaya heto ipinag luto nya tayo ng makakain." sabi ko naman habang abala sa pag subo. "Nga pala tol, paano mo nadiskubre ang lugar na ito?" "Bata pa lamang ako ay alam ko na ang lugae na ito, halos hindi ko na matandaan kung paano ko ito na diskubre basta't ang alam ko lamang ay dito ako madalas dinadala ni mama at papa tuwing inaaway ako ng aking mga kalaro. At pag katapos ay magiging maayos na ang aking pakiramdam, makikipag habulan ako sa mga insekto o kaya ay gugulong sa damuhan hanggang sa makalimutan ko ang lungkot na aking nadarama." kwento ni Seth habang naka tingin sa kalayuan. "Kung gayon ang lugar palang ito ay parte na ng pag katao mo. Ito ang iyong naging sandigan sa tuwing ikaw ay nalulungkot o nasasaktan. At dahil dito tatawagin ko ang lugar na itong "Paraiso ni Seth." ang seryosong wika ko dahilan para mapatingin ito sa akin habang punong puno ng pag kain ang bibig. "Oh bakit napatingin ka?" tanong ko at doon ay natawa ito ng malakas. "Hahaha seryoso?" tanong niya. "Oo bakit? Ayaw mo ba? Maganda naman ah." hirit ko pa at doon ay natawa na rin ako. Tawanan kami at ipinag patuloy namin ang pag kain.. Matapos ang tanghalian, mag katabi naman kaming haliga sa kumot. Humiga ako sa kanyang braso at doon ay mag kasabay naming pinag masdan ang ganda ng kalangitan. Damang dama ko ang saya noong mga oras na iyon. Tila ba ayoko nang matapos ang mga sandaling ito, sana ay tumigil na lamang ang mga kamay ng orasan at hayaan kaming madala sa walang hanggang kasiyahan. Natitiyak ko na ito ang mga sandaling hinding hindi ko malilimot. Halos ilang oras din kami sa ganoong pag lalambingan at yayakapan hanggang sa mag pasya kaming isinop na aming mga dalang gamit. Hapon na rin kasi at delikadong abutan ng dilim sa kakahuyan. At bago pa kami tuluyang lumisan sa munting paraisong ito ay iniukit pa ni Seth ang aming pangalan sa puno kung saan kami lumilim "SETH X YBES" at hindi lang iyon dahil mayroon pa itong puso at palasong nakatusok. Jologs din pala itong si Seth pero sobrang romantiko naman niya. Ilang oras ulit ang aming nilakad pabalik sa bungad ng kakahuyan at doon ay nag paalam sa akin si Seth na uuwi muna sa kanila upang samahan ang kanyang ina. Samantalang ako naman ay nag pasalamat sa masayang araw na kanyang inilaan para sa akin. At bago tuluyang mag hiwalay ay niyakap pa ako nito at ginawaran ng halik sa noo. "Mag ingat ka tol." bulong ko habang nakayakap sa kanya. "Ikaw rin, ikandado mo ang mga bintana sa iyong silid habang wala ako." tugon nito at doon ay nag pasaya na kaming lakad pabalik sa aming tahanan. Eksato alas 6 ng hapon noong marating ko ang tarangkahan ng masyon at doon ay narinig kong may isang bata ang tumawag sa akin. "KUYAAAAAA!!!" ang sigaw nito habang nag kakadarapa sa pag takbo palapit sa akin. "Buknoy? Teka anong ginagawa mo dito?" pag tataka ko sabay yakap dito. "Wala po kuya, nandito ako para sunduin ka. Maaayos na ang pakiramdam ni Papa kaya't maaari kana daw bumalik sa siyudad." ang wika ni Buknoy at doon ay nakita kong bumaba si papa mula sa balkunahe at nilapitan ako nito. "Anak, maraming salamat sa pag babantay mo dito sa hacienda habang wala ako. Alam kong naiinip kana kaya't sa darating na Linggo ay maaari kanang bumalik sa siyudad upang umatend ng second semester." ang nakangiti wika ni papa sabay yakap sa akin. "Good Job son.. maaari na kitang pamanahan." Noong mga sandaling iyon ay tila naguluhan ang aking pag iisip. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Kung babalik ako sa siyudad ay malalayo ako sa piling ni Seth at matatagalan bago kami muling mag kita. Ayokong malayo sa kanya ngunit ang buhay ko naman ay nasa siyudad. Paubos na ang aking oras dahil Sabado na bukas, isang araw na lang at lilisan na ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan ko nakilala ang taong nag bigay saya sa buhay ko. itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD