Ang Lihim Ni Seth
AiTenshi
"Ang Lihim na pag tingin"
Part 9
Alas 7 ng gabi noong nakarating kami ni Seth sa mansyon. Bakas na bakas pa rin ang tensyon sa aming mga mukha ngunit pilit namin itong itinago lalo na noong buksan ni Manang Pelly ang pintuan at halos himatayin ito sa pag kabigla noong makitang kasama ko si Seth na nakatayo sa bungad ng sala. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang matinding takot at pag aalala noong masilayan nito ang mukha ng taong tumulong sa kanya limampung taon na ang nakalilipas. Samantala, ngumiti naman ni Seth at kinamusta ang matandang katiwala. "Kumusta kana? Matagal tagal na rin buhat noong huli kitang makita. Maliit ka pa noon at iyak ng iyak sa gitna ng kakahuyan. Masaya akong makitang mabuti ang iyong kalagayan." ang wika ni Seth habang naka ngisi ito. "Nababasa ko ang matinding takot sa iyong mukha, huwag kang mag alala dahil hindi ako masamang tao."
"Nabigla lamang po ako. Hindi ko inaasahan na makikita kitang muli." naiilang na wika ni Manang Pelly.
"Pasensya na kung natakot kita. Kumusta kana? Matagal tagal na din." tugon ni Seth at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito.
"Mabuti naman ako. Ang totoo noon ay nabigla ako noong makita kang muli, hindi man lang nag bago ang iyong anyo, magandang lalaki pa rin ito at halos walang pinag bago. Samantalang ako naman ay kumulubot na ang balat sa katandaan. Alam kong wala kang gagawing masama sa amin dahil minsan mo nang iniligtas ang aking buhay at utang ko sayo iyon." wika ni Manang Pelly habang hinahainan kami ng pag kain sa kusina. "Mabuting bata po iyang si Sir Ybes, ang totoo nun ay palagi kang bukambibig sa akin niyan. At kahit paano ay itinuring ko na rin siyang anak, gusto kong maging ligtas sya sa lahat ng pag kakataon kaya't nais kong humingi ng paumanhin kung nasabi ko sa kanya ang aking nakaraan."
"Wala iyon, mabuting tao si Ybes, alam ko iyon dahil nababasa ko ang nilalaman ng puso ng mga tao sa aking paligid. Banayad ang inyong pag katao kaya't alam kong matatanggap nyo ako. Hindi ako normal na taong katulad nyo ngunit pareho naman ang ating mga katawan. Nauuhaw, nagugutom, napapagod at nang hihina din ako. Kulay pula rin ang dugong dumadaloy sa aking ugat at tumitibok din ang puso, nag mamahal at nasasaktan. Kapareho ninyo, kaya't kahit papaano ay naiibisan ang lungkot sa aking damdamin kapag naiisip akong hindi ako kaiba." paliwanag ni Seth
"Nasusukat ang pag katao ng isang nilalang kung paano sya mag mahal at makibagay sa kanyang paligid. Hindi mahalaga kung ano, sino at saan ka nag mula dahil sa huli ay mapagtatanto mo na ang pinaka mahalagang bagay dito sa mundo ay ang nilalaman ng puso mo." Ang wika ni Manang Pelly sabay bitiw ng isang matamis na ngiti
Nag patuloy ang kwentuhan habang kami ay kumakain ng hapunan. Noong una ay pansin kong naiilang at natatakot si Manang Pelly kay Seth ngunit di nag laon ay naging panatag na rin ito lalo't nakita niya kung paano kami mag usap at mag biruan. Para nga daw kaming mag kapatid ni Seth kung hindi iisipin ang kanyang tunay na edad. Hanggat maaari ay ayokong iparamdam sa kanya na naiiba siya kaya't kung ituring ko siya ay parang tunay na kaibigan o kapatid o kasintahan. Basta huwag lamang niyang isipin na iba ang kanyang pag katao.
Matapos ang hapunan, agad kaming pumasok ni Seth sa kwarto upang kumuha ng damit pamalit. Sa likod ng mansyon ay maluwang na paliguan na parang isang japanese hotspring, ipinagawa ni papa ang bukal na iyon para sa kanyang rayuma o sa sumasakit na tuhod at kasukasuan. Maganda kasi sa katawan ang mainit na tubig sa bukal lalo malamig ang klima sa buong paligid. Dito ko inaya si Seth upang marelax naman ang aming katawan. Kapwa kami nag alis ng saplot at walang itinira, wala namang ilangan bagamat paminsan minsan ay napapatingin ako sa kanyang katawan na parang inukit sa perpektong hugis. Matambok ang dibdib, bilugan ang braso. Maliit ang tiyan na may kaunting abs. Sa pusod nya ay may buhok pa ibaba sa kanyang ari na may kalakihan bagamat hindi pa ito matigas ay tila makopa na ang anyo. Ngayon lamang ako humanga sa anyo ng isang hubad na lalaki. At bago ko pa malaman huli na ang lahat dahil nag flag raising na pala ang aking pag kakalaki na ikinatawa naman ni Seth "tol, mukhang may ipag mamalaki ka rin ah. Tayong tayo." ang pabirong wika nito sabay tawa ng malakas.
Ibayong pag kahiya naman ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Kaya wala akong nagawa kundi takpan ang tigas na tigas kong pag kalalaki gamit ang aking dalawang kamay at mabilis na inilubog ang katawan sa tubig. Malakas na tawa naman ang kanyang isinukli saka ito nag pasyang lumusong upang maligo na rin. Hanggang dibdib ang lalim ng tubig doon kaya hindi na rin makikita ang aking katawan tama lang upang maitago ang aking katigasan. Tahimik kaming naligo, mag kalayo at walang kibuan. Bagamat paminsan minsan ay lihim akong napapasulyap sa kanyang ginagawang pag himas sa kanyang braso, leeg at dibdib.
"Tol, sino si Jerome? Masamang tao ba dito?" pag basag ko sa katahimikan dahilan para mapahinto si Seth sa kanyang ginagawa at napatingin ito sa akin. "Katulad ko rin siya.. Hindi rin ito normal na tao. Ang kaibahan nga lang namin ay sumusunod siya sa batas at alituntunin ng aming lahi." sagot nito.
"Alituntunin? Lahi? Ang ibig sabihin ay marami kayo?" muli kong tanong
"Oo tol. Nag kalat kami. Mahabang kwento ngunit handa naman akong isalaysay ang lahat ng ito sa iyo. Pag dating ng tamang panahon na handa kana." muli niyang sagot at ipinag patuloy ang kanyang ginagawang pag kuskos.
"Tama ka tol, marahil ay hindi pa nga ito ang tamang oras para malaman ko ang lahat.. Hayaan na muna natin.. Ngunit, hindi nangangahulugan ito na wala akong paki alam.. Mag kaibigan tayo diba?" ang tanong ko sabay bitiw ng matamis na ngiti. "Ah e, oo naman tol. Mag kaibigan tayo." sagot naman niya at nag bitiw ng isang hilaw na ngiti.
Walang kibuan...
Halos isang oras ang itinagal namin sa paliguan bago kami mag pasyang umahon dito. Presko at masarap sa pakiramdam ang tubig, tama nga si Manang Pelly dahil pati ang aming tensyon at magulong pag iisip ay pansamantalang nawala. At katulad ng dati ay agad nilabhan ni Seth ang mga damit na aming suot dahil para raw ito sa aming kaligtasan. Naalala ko tuloy noong unang beses akong mapadpad sa kakahuyan. Ang bilhin sa akin ni Seth ay agad akong mag palit ng damit pag kauwi ko ngunit hindi ko naman alam kung bakit. "Para saan ba iyan? Bakit kailangan labhan kaagad ang ating mga damit kapag umuuwi tayo galing sa kakahuyan?" pang uusisa ko.
"Para makatiyak na tayo ay magiging ligtas sa mag damag." sagot nito
"Hindi ko pa rin maunawaan tol." muli kong tugon.
"Ganito kasi iyon tol, kapag tayo ay nasa loob ng kakahuyan, naiiwan ang amoy ng ating mga damit sa buong paligid. Humalimuyak ito at naaamoy ng mga masasamang elementong nakatago sa loob ng naturang lugar kaya't may posibilidad na masundan nila tayo. Kung huhugasan natin kaagad ang ating mga damit ay nawawala ang amoy nito at hindi na tayo matutunton pa." paliwanag ni Seth habang binabanlawan ang aming mga gamit.
"Kung ganoon pala ay maaaring malagay sa peligro ang buhay natin? Kung mag kataon man?"
"Syempre! ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Ipag tatanggol kita sa abot ng aking makakaya. Huwag kang mag alala dahil nandito ako palagi para sa iyo tol." seryosong wika nito "Teka, nasaan pala yung kwintas?"
"Inilagay ko doon sa drawer ko sa itaas. Kukunin ko ba?"
"Hindi na tol, isasampay ko lamang ito at sabay na tayong umakyat sa itaas."
Matapos labhan ang aming mga damit, inikot naman ni Seth ang buong mansyon. Sinigurado niyang naka kandado ang mga pintuan at ang malalaking bintana sa paligid nito. Ayokong itanong ngunit pakiramdam ko ay balisa pa rin ito mag buhat noong nakaharap niya ang lalaking si Jerome kanina sa kakahuyan. Kahit hindi nya sa akin sabihin ay batid ko pa rin na nag aalala ito at natatakot sa hindi ko malamang kadahilanan.
Pag pasok sa aming silid ay agad naman niyang kinuha ang kwintas sa loob ng aking drawer at muli itong tumabi sa aking pag kakaupo. Ngumiti ito sa akin at isinuot ang kwintas sa aking leeg. "Sa iyo na ito tol. Ang kwintas na ito ay ibinigay sa akin ng isang espesyal na tao, ang sabi niya sa akin ay ibigay ko raw ito sa taong nais kong protektahan, sa taong aalagaan ko at paglilingkuran. Lagi mo itong isusuot at huwag mong iwawaglit sa iyong katawan. Dahil ang kwintas na ito ang mag liligtas sayo mula sa kapahamakan." paliwanag ni Seth habang inila-lock ang tali nito.
"Teka Seth, bakit ako? Sino ba ako para protektahan at paglingkuran mo?" ang tanong ko at doon ay unti unting pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Alam kong luha ito ng kaligayahan dahil sa unang pag kakataon ay naging espesyal ako sa isang tao.
"Dahil utang ko sayo ang buhay ko.. Mahalaga ka sa akin.. Kasiyahan ko ang pag lingkuran ka." seryosong sagot nito habang nakatitig sa aking mga mata at maya maya ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Maraming salamat sa pag tanggap mo sa akin tol. Napaka saya ko. Kahit kailan ay hindi ko lilimutin na utang ko sayo ang lahat, ang aking hininga, ang pag t***k ng aking puso at ang buong pag katao ko.. Lahat ng ito ay dahil saiyo."
"Iingatan ko ito tol, pangako. Masaya rin ako dahil sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang naranasan na maging espesyal. Salamat Seth.." ang iyak ko at doon ay niyakap ko pa ito ng mas mahigpit pa.
Ibayong saya ang namayani sa aking dibdib noong mga sandaling iyon. Mukhang hindi ko na kailangan pang itago ang aking lihim na pag tingin kay Seth dahil maaari ko na itong ipadama ano mang oras. Habang lumilipas ang mga sandaling kasama ko siya ay mas lalo pang nag iigting ang aking nadaramang pag papahalaga sa bawat segundong nandito siya sa aking tabi. Lalaki si Seth at lalaki rin ako, alam kong may mali ngunit ayoko nang kontrahin pa ang kaligayahang nadarama ko. Hindi ko natitiyak kung hanggang saan ang aabutin nito ngunit hinahayaan ko na lamang umusbong at lumago, mag papadala ako agos ng aking damdamin hanggang nandito pa ang taong nag bibigay ng ngiti sa aking mga labi.
Alas 2 ng madaling araw noong ako ay maalimpungatan, natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa bilugang braso si Seth habang ito naman ay nadilat lamang at pinag mamasdan ako sa pag tulog. Talagang pinabayaan na nya na nakahiga ako sa katawan nya at paminsan minsan ay niyayakap pa nya ako ng mahigpit. "Um, bakit gising ka pa? Hindi ka ba makatulog?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi tol, nagising din ako dahil mayroon tayong bisita sa labas." ang bulong nito.
"Bisita?" anong ibig mong sabihin?" nag tataka kong tanong
"Nakatayo siya doon sa labas ng tarangkahan ng Mansyon." sagot nito.
"Sino sya? Si Jerome ba?"
"Oo tol, nag aabang sya doon kanina pa. At sa pag kakataong ito, alam na nya na alam nating nandoon siya." bulong ni Seth at marahan nitong bumangon mula sa kanyang pag kakahiga. "Teka bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Lalabas ako para kausapin siya. Dito ka lang at kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas. Maliwanag ba?" pag papa alam nito at marahang inalis ang kandado ng bintana. "Teka, bakit ka pa lalabas? Delikado doon. Paano kung may masamang pakay ang Jerome na iyon? Dito ka nalang at huwag ka nang umalis. Please." pakiusap ko at niyakap ko ito mula sa kanyang likuran.
Tumingin ito sa akin at nag bitiw ng isang matamis na ngiti. "Bakit ka nag aalala sa akin?" tanong niya.
"H-hindi ko alam, basta ayokong mapahamak ka. Mahalaga ka sa akin Seth. Please. Dito ka lang dahil kapag lumabas ka ay lalabas din ako. Hindi ako nag bibiro." pag babanta ko dahilan para matawa ito "Seryoso ka ba?"
"Oo, pag lumabas ka ay lalabas din ako." Seryoso kong tugon
Muli ito ng natawa at ginulo ang aking buhok. "Ang kulit mo pala talaga, para kang bata dyan e" wika naman nya at muling ikinandado ang bintana.
"Ang ibig bang sabihin nyan ay hindi kana lalabas?" nakangisi kong tanong.
"Hindi na tol, ang kulit mo kasi eh. Tara tulog na tayo ulit." wika naman nya sabay yakap sa akin pahiga sa kama. "Salamat tol. Ngayon lamang may ibang tao na nag aalala at nag papakita ng papahalaga sa akin." bulong pa nito
"Mahalaga ka sa akin, basta ayokong may mangyaring masama sayo. Hangga't maaari ay nais kong umiwas ka sa mga bagay ng mag dadala sa iyo sa kapahamakan." tugon ko habang nakatitig sa kanyang mata. Ngumiti naman ito at niyapos ang aking mukha. "Salamat tol, pasensya kana kung pati ikaw ay nababahala.. Nandito lamang ako at hindi kita pababayaan."
"Basta dito ka lang... Huwag kang aalis sa aking tabi" ang kunwari'y pag mamaktol ko sabay hawak sa kanyang kamay at hindi ko na ito binitiwan pa,
"Talagang naninigurado kang hindi ako makaka alis ha." Biro naman nya
"Oo naman, mahirap na.."
Tawanan...
Mayroon pa ring tensyon at bahid ng pag aalala sa mukha ni Seth noong mga sandaling iyon. Marahil ay iniisip pa rin niya ang bisitang nag mamasid sa labas ng tarangkahan ng mansyon. Ngunit gayon pa naman ay pilit pa rin niya itong tinatago sa pamamagitan ng pag yakap sa akin o kaya ay pag haplos sa aking buhok habang naka higa ako sa kanyang braso. "Babantayan kita .. Mag pahinga kang mabuti." ang bulong nito at muli nya akong ikinulong sa kanyang matipuno at bilugang bisig.
itutuloy..