Part 8: Ang Panganib Sa Kakahuyan

2005 Words
Ang Lihim ni Seth AiTenshi "Ang Panganib sa kakahuyan" Part 8 Nag patuloy ang seryosong pag uusap namin ni Seth habang naka upo sa gitna ng tulay kung saan kapwa naka lawit ang aming mga paa sa malamig na tubig nito. Banayad at nakaka relax sa pakiramdam habang unti unting nasasanay ang aking katawan sa malamig na paligid. "Ang sabi ng mama mo ay ngayon ka lamang nag dala ng kaibigan dito sa bahay ninyo. Bakit? Wala ka bang kakilala sa paanan ng bundok o kaya ay hacienda?" nag tataka kong tanong. "Wala tol. Sanay naman akong isa sa buhay. Ang mga hayop dito sa kakahuyan ang naging kaibigan ko sa pag lipas ng panahon." sagot nito habang naka tingin sa kalayuan. "Alam mo tol, sa tuwing pinag mamasdan kita ay napapansin kong may kakaiba sa mga mata mo." pag puna ko. "Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" pag tataka niya "Kasi, pakiwari ko ba ay balot ito ng kalungkutan. Oo, naka ngiti ka nga ngunit bakas na bakas pa rin ang lungkot sa iyong mga mata. Para bang sinasabi nito na "matagal kanang nag iisa." tugon ko sabay bitiw ng malalim na buntong hininga. "Siguro nga ay tama ka doon. Matagal na akong malungkot at nag iisa. Ayaw nila sa akin.. Walang may gusto sa akin sa mundong ito. Kaya heto, sinanay ko na lamang ang aking sarili na maging mapag isa." malungkot sa sagot ni Seth "Tol, bakit mo nilalagyan ng harang ang sarili mo sa ibang tao? Bakit hindi ka lumabas ng kakahuyan upang masilayan ang mundo at maka kilala ng ibang taong magiging parte ng pag katao mo." mungkahi ko. "Ayoko! Hindi maaari dahil iba ako Ybes. Kakaiba ako at walang makaka intindi sa akin. Nabubuhay lamang ako upang mag tago sa kakahuyang ito." may kataasang boses na sagot nito sabay tayo at lumakad ito palayo sa akin. "Saan ka pupunta?" ang tanong ko kaya naman tumayo rin ako at hinabol ko ito sa kanyang pag lalakad. "Saan ka pupunta Seth?" muli kong tanong ngunit hindi ito sumagot. "Kung inaakala mong walang nakakaintindi sayo, nandito ako tol. Naiintindihan kita.. Huwag mong isiping nag iisa ka dahil tapos na ang mga panahong iyon. Nandito na ako.... Nauunawaan kita dahil alam ko na kung ano ka." ang sigaw ko dahilan para mahinto ito sa pag lakad at nanatili pa ring nakatalikod sa akin. "Alam mo kung ano ako?" tanong nito. Alam kong seryoso siya kahit nakatalikod pa rin ito sa akin. Noong mga sandaling iyon ay tila nabigla ako. Ano ba tong salitang pinakawalan ko, parang aatakihin yata ako sa puso. At bukod pa roon tumatagiktik din ang malamig na pawis sa aking noo. Huminga ako ng malalim at doon ay nag pasyang mag salita na rin, wala naman akong ibang pag pipilian dahil nadulas na ang aking dila. "Oo, alam kong hindi ka normal na tao. Isinilaysay sa akin ni Manang Pelly ang mga pangyayari limampung taon ang nakalilipas. Kung paano siya naligaw dito sa loob ng kakahuyan at kung paano mo siya tinulungan. Kung inakala mong nakalimutan na nya ang lahat ng iyon ay nag kakamali ka dahil hanggang ngayon ay tandang tanda pa nya ang iyong mukha. Hindi ka tumatanda at ni minsan ay hindi nag bago ang iyong anyo. Noong gabing makita kita sa lumang gusali, ang inakala ko ay hindi kana makakaligtas sa dami ng sugat at pinsalang natamo mo. Malalim ang sugat sa iyong tiyan at balikat, kaya't imposible itong hindi mag iwan ng marka o peklat sa iyong katawan. Ngunit nung nag kita tayo ulit, wala ang mga ito. Walang bakas ng kahit na anong galos sa iyong katawan. Kaya't noon pa man ay tinanong ko na ito sa aking sarili. Alam kong hindi ka normal na tao tol." Tahimik ulit.. "Natatakot ka ba?" seryosong nito habang nananatili pa rin sa ganoong pag kakatalikod. "Hindi tol. Kahit na kailan ay hindi ko natakot sa iyo. Alam kong mayroon kang mga bagay na inililihim sa akin ngunit nais ko malaman mo na hindi nag bago ang tingin ko sayo. Hindi na mahalaga sa akin kung ano at sino ka... ang mahalaga sa akin ay masaya ako kapag kasama kita." sagot ko naman. "Hindi ako normal na tao. At hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Kaya't paano mo nasabing hindi ka takot sa akin?" ang galit na sigaw nito sabay harap sa akin at doon ay nakita kong iba na ang kulay ng mga mata nito. Kulay dilaw at kakaiba ang itsura. Lumakad ito patungo sa aking kinatatayuan, hinawakan nito ang makapal na sanga punong kahoy at parang papel lamang itong sinira sa kanyang kamay. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ka takot Ybes." ang salita nito habang nakatitig ng tuwid sa aking mga mata at ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha. Alam kong sinusubukan lamang niya ako kaya't noong mga sandaling iyon ay hindi ako nag pasindak. "Matagal ko nang alam kung ano ka Seth. Tanggap ko iyon kaya't hindi na ako natatakot sayo. Maniwala ka sana sa akin." sagot ko habang naka titig din sa kanyang mga mata. Ilang sandali rin kami sa ganoong pag tititigan hanggang sa bitiwan nito ang aking braso at muling tumalikod sa aking harapan. "Ngayong alam mo na ang katotohanang hindi ako isang normal na tao. Maaari mo na ring akong iwan.. Huwag kang mag alala dahil sanay akong nag iisa at nalulungkot." ang nag ccrack na boses nito. "Hindi ako aalis tol. Ayoko.." "Bakit?" "Dahil gusto kong malaman mo na hindi ka nag iisa. Naririto ako para sayo, handa akong tanggapin ka ng buong buo at wala akong pinag sisisihan doon. Paki usap tol, huwag mo akong itaboy palayo dahil tiyak na malulungkot ako kapag nawala ka sa akin. Ewan ko ba, ngunit nakasanayan ko na ang makasama ka." seryosong salita ko. Maya maya ay humarap ito sa akin na nangungusap ang mga mata "kaya mo lang ba sinasabi iyan ay dahil naaawa ka sa akin? Naaawa ka dahil malungkot at miserable ang buhay ko diba?" "Hindi Seth, sinasabi ko ito dahil ayokong mag sinungaling sa sarili ko. Ito ang nararamdaman ko at iyon ang nilalaman ng nito... nitong puso ko. Gusto kong maging parte ako ng buhay mo. Nais kong tibagin ang pader na iniharang mo sa iyong paligid at nais kong patunayan na hindi ka nag iisa.. Paki usap maniwala ka." sagot ko sa kanya ngunit hindi ito kumibo at lumakad na lamang ito palayo sa akin. Iniwan nya akong nakapako sa aking kinatatayuan kaya naman noong mga sandaling iyon ay ibayong lungkot ang namayani sa aking pag katao. Wala na rin akong nagawa kundi ang lumakad palayo at tahakin ang kasalungat na daan pabalik sa aking pinag mulan. Malalim na lungkot ang nangibabaw sa aking dibdib habang tinatawid ang tulay. Masakit lamang isipin na sa dami ng salitang binitiwan ko sa harapan ni Seth, wala man lang ni isang kataga ang pinaniwalaan nya. Sa huli ay mas pinili pa rin niya ang lumakad ng walang kasabay... ang lumakad ng nag iisa. Makalipas ang ilang sandali, matagumpay akong nakatawid ng tulay bagamat pakapal ng pakapal ang hamog sa aking paligid at mag didilim na rin kaya medyo malabo na ang aking dinaraanan. Nasa ganoong pag lalakad ako noong bigla na lamang may isang di kilalang lalaki ng sumulpot sa aking kinatatayuan. Halos kasing tangkad ito ni Seth, maganda rin ang pangangatawan, matangos ang ilong at maganda ang kanyang mga mata, itim na itim ito at tila nakaka akit na pag masdan. Nakasuot ng itim na pantalon at kulay brown na leather jacket. "Mukhang naliligaw ka yata pare?" ang tanong nito habang naka ngiti. "Hindi naman. Alam ko ang daan palabas ng kakahuyan. Kaya't kung maaari ay mauna na ako." ang nag aalangan kong sagot. Hindi ko maunawaan ngunit nakakaramdam ako ng takot kapag ngumigiti ito kaya naman minabuti kong iiwas na lamang ang aking mga mata. "Delikado dito sa kakahuyan lalo't pakagat na ang dilim. Marami mga nilalang ang bumangon mula sa ilalim ng lupa upang mag hanap ng makakain. Gustong gusto nila ang mga sariwang dugo at lamang loob ng mga dayuhang naliligaw sa kakahuyang ito. Humahalimuyak ang amoy mo at dinadala ito ng hangin patungo sa kanilang mga nagugutom na sikmura. Ahhhh ang bango... kakaiba ang amoy." ang nakakalokong pananakot nito habang tila nilalanghap ang hangin sa kanyang paligid. Nanakot nga ba? O seryoso siya? "Pasensya na ngunit wala akong panahong makipag kwentuhan ngayon. Kailangan ko na makabalik sa amin dahil tiyak na hinahanap na nila ako." sagot ko at muli akong lumakad paiwas sa kanya ngunit kahit saan ako lumiko ay naka harang ito sa aking harapan na tila isang ahas na nakahanap ng biktima. "Bakit aalis kana? Ayaw mo na ba akong makausap?" muling tanong niya. "Hindi naman sa ganoon, ngunit nag aapura kasi ako. Marami pa namang pag kakataon upang maka kwentuhan ka." "Mali ka pre, pag pinaalis kita... sayang ang pag kakataon. Hayaan mo.. hindi mo ito mararamdaman." ang naka ngising sagot nito dahil upang balutin ako ng matinding takot. Namalayan ko na lamang na umatras ang paa ko palayo sa kanya. "JEROME!!!" boses ni Seth sa aking likuran. Tila nabigla naman ang lalaki at nawala ang atensyon sa akin. Kataka takang nag bago ang timpla ng itsura nito at parang naging maamo, hindi katulad kanina na kulang na lamang ay kainin ako ng buhay. "Pareng Seth, ikaw pala. Kumusta?" ang naka ngising bati nito. Samantalang si Seth naman ay hinatak ang aking braso patungo sa kanyang likuran. "Bisita ko ang isang ito. Ibalato mo na siya sa akin." ang wika nito. "Nakaka lungkot namang marinig na bisita mo pala ang isang iyan. Ang akala ko ay nag dala ka ng miryenda para sa amin. Humahalimuyak ang kanyang mabangong amoy. Nawawala ako sa aking sarili." ang tugon nito at sa pag kataong ito ay tila nanginginig ito sa kasabikan. "Umalis kana Jerome. Mag dudulot lamang ng gulo ang binabalak mo." seryosong wika ni Seth dahilan para mas lalo akong kabahan. "Mas masaya kung may gulo. Mas masarap namnamin ang isang bagay na pinag hirapan hindi ba?" tugon naman ni Jerome sabay ngisi at muli akong pinag masdan. "Kung makakalapit ka. Bakit hindi mo subukan?" salita ni Seth at ramdam kong galit na rin ito. Ano mang sandali ay maaari na silang mag abot. "Ano bang nangyayari dito?!" ang boses naman ng papa ni Seth at mabilis itong nag tatakbo sa aming kinalalagyan. "Kapamilya namin ang isang ito kaya't hayaan mo siyang makalabas ng kakahuyan." ang dadag niya at tila ba alam na nya agad ang nangyayari. Samantalang ako naman ay naka nga nga at pilit na inuunawa ang sitwasyon. "Wala naman, nais ko lamang makilala ang inyong ESPESYAL na panauhin. Sige aalis na ako, ingatan mo siya Seth.." ang sagot naman ni Jerome, muli itong lumakad palayo sa aming kinalalagyan at kataka takang nawala ito sa dilim. "Sige na anak, ihatid mo na si Ybes sa kanilang tahanan. At kung maaari doon ka na rin mag palipas ng gabi. Delikado kung babalik ka dito sa kakahuyan ng dis oras ng gabi." wika ng ama niya at doon ay hinubad nito ang kanyang pang ginaw saka ipinatong sa balikat ng anak. "Sige na, humayo na kayo." "Salamat po papa." wika ni Seth at hinitak ako nito patungo sa bungad ng kakahuyan. "Sino ba iyon? Anong ba ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong. "Mamaya na ako mag papaliwanag tol. Ang mahalaga sa ngayon ay makalabas tayo dito bago mag gabi." sagot niya at nag patuloy kami sa pag takbo. Magulong magulo ang aking pag iisip noong mga oras na iyon. Mas lalo yatang nagiging komplikado ang sitwasyon at pakiwari ko ay mag dudulot ito ng malaking gulo sa hinaharap. Sa kabilang banda naman ay ramdam kong balot din ng takot si Seth, tahimik ito at nakatuon lamang ang atensyon sa ginagawang pag takbo. Kaya naman mas lalo pang humigpit ang pag hawak ko sa kanyang kamay upang hindi ako mahiwalay ng landas sa mapanganib na kakahuyang ito. itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD