Chapter 102:

1774 Words

Masaya ang lahat dahil tatlong araw na lamang ay ikakasal na sila, sina Althea at Luan, Panyang at Xian, Kikay at Zeus. Wala nang sasaya pa sa tulad nina Trining at Melencio dahil sa wakas ay nabuo ang kanilang pamilya at ngayon ay panahon na para magkaroon ng sarili-sariling pamilya ang mga ito. Mahirap noon una pero unti-unti rin nilang natanggap na bubuo na rin ng sariling mga pamilya ang mga anak. "Basta mga apo, bigyan niyo agad kami ng maraming apo sa tuhod," turan ng mama ni Trining. "Aba, baka naman hindi mo na kayang habulin ang mga magiging apo natin," bara naman ng ina ni Melencio. "Ano'ng ibig mong sabihin, balae, na uugod-ugod na ako?" bulalas nitong sabad. "Wala akong ganyang sinabi, balae, masyado ka lang nag-iisip," pasaring pa ng ina. "Inang," awat ni Melencio sa ina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD