Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Althea nang masilayan ang guwapong kasintahan, para silang mga teenager na unang nakita ang kani-kanilang crush. "Babe, you look amazing," turan ni Luan sa kanya nang makalapit siya rito. "Thank you, babe, you too, you look fantastic," sagot naman ni Althea kay Luan. Hindi nawala ang ngiti ng dalawa sa isa't isa, kitang-kita ang pagmamahal nila at pagpapahalaga nila sa bawat isa. "Shall we?" ani Luan sabay lahad ng palad nito sa harap ni Althea. Natatawang ibinigay naman ni Althea ang palad rito sa extra ka-sweet-an ng kasintahan. "Well, I'm just enjoying this moment, baka kasi ito na ang huling date natin—" "What do you mean?" mabilis na sabad ni Althea dahil iba ang naramdaman sa sinabing 'yon ng kasintahan. "Hey, babe, I don't mean anythin

