Gaya ng nakasanayan na sa bahay ng mga Robles ay maingay pa rin, kakaiba ang ingay sa araw na 'yon dahil hindi magkandamayaw ang lahat para sa pag-alis nila para sa kanilang mga honeymoon. Halos hindi maampat ang bilin ng kanilang inang si Trining habang ang ama naman ay panay ang sermon. "Mama, papa, honeymoon po namin ito kaya please, spare us with your rules," bulalas ni Althea sa mga magulang. "Anak, wala naman akong masamang sinabi, sinabi ko lang namang mag-iingat kayo doon," bulalas ng ina na tila nagtatampo. "Oo nga, anak, sinabihan ka lang naman namin na mag-iingat kayo, may masama ba doon?" giit ng ama. "Bakit may naririnig na naman kasi akong rules diyan?" busangot si Althea sa ama, may phobia na yata sa salitang 'yon dahil iba ang kaba kapag naririnig. "Aba, tama naman ang

