Naging masaya ang lahat sa pamilya Robles, hindi talaga nila aakalain na pagtatagpuin sila ng tadhana sa kabila ng lahat, anuman ang dahilan kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay ay hindi na niya tatanungin ang Diyos bagkus ay papasalamat na lamang nila dahil sa dami ng mga nangyari sa loob ng dalawang dekada ay pinagtagpu-tagpo pa rin sila. "Kikay, Panyang, huwag kayong mahihiyang magsabi sa amin ng papa niyo kung may kailangan kayo," saad ni Trining sa mga anak, batid kasi niyang medyo naiilang pa rin ang mga itong magsabi sa kanya. "Oo mga anak, huwag niyo ring kakalimutang sabihin sa 'kin kapag sinaktan at lalong-lalo na kung niloko kayo ng mga asawa ninyo," bulalas ng kanilang ama. "Papa naman," angil ni Xian. "O, ikaw ba ang kinakausap ko!" bara ni Melencio kay Xian na noon ay napapa

