Naging masaya ang lahat sa pagkakabuo ng pamilya Robles, hanggang ngayon ay marami ang hindi pa rin makapaniwala maging ang mag-asawang Trining at Melencio. "Grabe, mahal, hindi ko akalain na tripplet pala ang anak natin," ani Melencio. "Gustuhin ko mang magtampo at mainis kina mama at papa pero wala ma ring magandang maidudulot noon, una ay wala na si papa at pangalawa, ayaw kong magkagalit kami ni mama ngayong matanda na siya at anumang oras ay kukunin na siya ni Lord," bulalas Trining. "Sino'ng kukunin ni Lord?" maya-maya ay tinig na narinig nila. Kapwa napalingon sina Trining at Melencio dahilan upang manlaki ang mga mata nito. "Mama?!" sabayang bulalas ng mag-asawa na tila gulat na gulat sa kanilang nakita. "O, bakit parang nakakita kayo ng multo?" maang na turan ng bagong datin

