Naging maayos ang pagtanggap ng buong pamilya kay Kikay dahilan upang mas lalong umingay ang bahay ng mga Robles. "Althea, Panyang, dalhin niyo iton si Kikay sa magiging silid niya," ani ng kanilang ina. May isa pa kasing guest's room sa kanilang bahay na pinasadya para sa kanilang lolo at lola kapag darating sila. "Doon na muna siya sa silid ng lola niyo," turan ng ina. Mabilis namang tumalima sina Althea at Panyang na binitbit ang mga gamit ni Kikay. "Naku, ako na, nakakahiya naman sa inyo," mabilis na awat ni Kikay sa kanila. "Wala 'yon, gusto ka namin i-welcome rito,' tugon ni Panyang habang papabhik na sila ng hagdan. "That's true," segunda naman ni Althea sa sinabi ni Panyang habang bitbit ang maliit na bag ni Kikay. "Teka, nanliligaw ba sa 'yo ang boss mo?" usyoso pang usisa

