Dalawang linggo na rin ang makakaraan mula nang bumalik sina Panyang at Xian pabalik sa Manila, naghihintay lang din sila ng tawag mula kay Zeus dahil sinabi nitong any moment ay luluwas na sila ng Pampanga. Saktong nasa pool area sila nang marinig ang malakas na pagtawag, napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig nang makita ang umiiyak na si Panyang. "Papa!" atungal nitong turan. "Ano'ng nangyayari sa 'yo?" pormal na tanong ng ama na noon ay napatayo pa nang makita ang hitsura ni Panyang. Sa bagay, kahit na sino yata ang makakakita rito ay mapapatingin talaga sa kakambal. Sabog-sabog ang buhok at hilam ng pinaghalong sipon at luha ang mukha nito. "Papa, si Xian po kasi," dinig nilang sumbong ni Panyang. Agad na napalingon si Althea kay Luan nang marinig mula sa bibig ni Pan

