Kahit papaano ay naging malapit naman si Althea sa kakambal na si Panyang, kinailangan kasi nitong bumalik sa Manila kasama ang boss nito ngunit panay ang habilin ng kanilang papa rito. "Binabalaan na kita, Panyang, huwag na huwag kang babalik rito na walang dangal dahil baka mapatay ako ang lalaking 'yan," bulalas ng ama nang batukan ito ng ina. "Ikaw, Melencio, kung anu-anong sinasabi mo, paano kapag nakulong ka 'di wala na akong makakasama baka gusto mong ngayon pa lang ay maghanap na ako ng kapalit mo," sabad naman ng ina kinakamot ng ama sa ulo nito. "Mahal naman, nagbibiro lang naman ako, wala namang ganyanan," maktol ng ama. "O, siya, huwag kang mag-alala dahil nagbibiro lang din naman ako," ani naman ng ina saka napangisi sa ama na parang batang naisahan. "Mahal naman," angil

