"Ma'am, saan po tayo ngayon?" tanong na naman ng driver ni Yhannie. Ilang ulit na dahil kanina pa tulala si Yhannie. "Po?" Sa wakas ay naalimpungatan rin si Yhannie. Medyo nagulat pa ito. "Sabi ko po kung saan na po tayo? Uuwi na po ba tayo, Ma'am?" ulit ng driver. "Um... O-oo. Oo, uuwi na tayo, Tisoy," utal-utal na sagot ni Yhannie. Pinilig niya ang ulo para bumalik na siya sa sarili talaga. Paano'y ang lalim kasi ng iniisip. Mula pa sa grocery na pinuntahan nila kung saan nakausap niya si Mychal na dati niyang kaklase ay nawawala na siya sa sarili. Ayaw man niya kasi ay pumapasok pa rin sa isip niya iyong sinabi ni Mychal sa kaniya bago sila naghiwalay. "By the way, Yhannie," pahabol ni Mychal kanina. Lumingon ulit siya rito. "Yes?" "Payong kaibigan lang. Bantayan mo ang asawa mo.