Grabe ang naging gulo sa pagitan nina Vanya at kabit ng asawa nito. Kulang na lang ay kalbuhin ni Vanya ang babae. Si Ayu ay ang inaanak niya ang prinutektahan niya agad. Kinarga at inilayo sa mga nag-aaway. "Sabing tama na!" Marahas na itinulak ni Alvin si Vanya. Dahilan para mapasubsob si Vanya sa sahig. "Vanya," saklolo ni Ayu sa kaibigan. Habang karga si Princess ay iniharang niya ang katawan kay Vanya upang hindi ito masaktan pa ni Alvin. Nag-iiyak na lamang si Vanya. Tila bigla ay nawalan na ito ng lakas. "Umalis na kayo rito! Alisssss!!" sigaw na ni Ayu. Nagulat ang batang tulog na karga nito kaya nag-iiyak na. "Mga baboy! Mga hayuuuppp!" sigaw ni Vanya sa dalawang paalis. Gigil na gigil ito sa matinding galit. "Tama na, Vanya. Hayaan mo na sila," awat ni Ayu sa kaibigan. "S