"Mukhang pagod ka, ah?" pansin ni Yhannie sa asawang bagong dating. Naawa siya sa asawa dahil nanlalata ito. Inumaga na ng uwi. "Akin na 'yan." Kinuha niya ang messenger bag ni Athan at siya na ang nagdala. Gawain na niya na sinasalubong ang asawa kapag dumadating ito ng bahay galing trabaho. "Ang hirap kasing kausap pala ang client na iyon. Ang daming demand. Kesyo gano'n ganito raw. Ang arte," sabi ni Athan habang niluluwagan nito ang necktie. "Kaya ka ba inumaga ng uwi?" "Oo. Sorry, Hon. Sabi ko saglit lang pero inumaga na ako." "Naku, okay lang 'yon. Kumain ka na ba ng almusal?" Inakbayan niya ang asawa habang papasok sila sa loob ng bahay. "Oo, sa opisina na rin kanina. Kayo ng anak natin? Kumain na ba kayo?" "Oo. Nakapasok na nga siya sa eskwela, eh. Kung kumain ka na pala ay