"So kailan ka ulit babalik, Babe? Kailan ulit tayo magkikita ulit?" Nakapulupot ang dalawang kamay ni Ayu sa leeg ni Athan. Naglalambing siya rito dahil paalis na naman si Athan. Uuwi na naman sa totoong asawa. "Basta kapag nakalusot ulit ako sa asawa ko darating ako rito kaya huwag ka na namang gagawa ng hindi ko gusto kundi magagalit na ako sa 'yo talaga." Nagpapa-cute na ngumiti siya saka mabilis na kinintalan niya ng halik ang red lips ni Athan. "Nagtampo lang ako sa 'yo kaya nagawa ko iyon. Promise hindi na iyon mauulit." Sa noo naman siya hinalikan ni Athan. Pero hindi siya papayag na hindi muna sila mag-lips-lips kaya maalab niya itong hinalikan sa labi. Naramdaman niyang bumukol agad ang pagkal*l*ki ni Athan kaya natawa siya kaunti. Ang dali talaga nitong painitin. "Ikaw talaga