PART 5

1251 Words
"Ano 'yong ginawa mo?!" hablot agad ni Athan sa isang braso ni Ayu nang makapasok ito sa bahay Galit si Athan na dumating tulad ng inasahan ni Ayu. Pero wala iyon sa dalaga, sa halip ay binigyan niya si Athan ng nag-aalab na halik. Miss na miss na niya ito kahit halos isang araw pa lang sila na hindi nagkikita. "Ayu, ano ba?!" Kaso ay itinulak siya ni Athan. Mas lalong nainis ito. "Let's talk. Explain to me what you did earlier," tapos ay madiin nitong sabi. Nagulat bahagya si Ayu pero ano pa't naging kabit siya nito kung hindi niya mapapaikot sa mga palad niya ang lalaki. "Puwede bang mamaya na lang? I miss you, Babe," malandi niyang sabi at hinalikan niya ulit ito. Kabisado na niya si Athan. Kaunting landi lang dito ay bibigay na agad. Hindi man mawawala ang galit ay mababawasan naman. "Stop it!" tulak pa rin sa kaniya nito. "I love you, Babe," pagpipilit niya. Ikinulong niya ang mga pisngi nito sa mga palad niya. Mas sinalabusab niya ito ng halik. Hanggang sa nagtagumpay siya. Saglit nga lang ay mapusok na ang kanilang halikan. Lumaban na si Athan sa kaniyang halik. Animo'y sabik na sabik sila sa isat-isa at ngayon lang nagkita makalipas ang madaming taon. Kasabay ng kanilang mainit na halikan ay ang marahas pero puno ng pananabik na kapaan sa mga iba't-ibang parte ng kanilang katawaan. Naglakbay ang mga labi ni Athan mula sa kaniyang mga labi pababa sa kaniyang tainga, sa kaniyang leeg, hanggang sa napunta sa kaniyang malulusog na dibdib. Halos mapigtas ang leeg ni Ayu na napaungol. "Sh*t, Athan. I love you," aniya na napapasabunot sa buhok ni Athan. Ilang sandali pa'y hubot-hubad na silang dalawa at makikitang si Ayu na ang nasa ibabaw ni Athan. Mabilis ang pataas-pababang pag-ulos niya roon na animo'y sinasaniban ng masamang elemento sa sobrang sarap ng sensasyong nararamdaman. "Oooohhh..." mga ungol nilang dalawa. Sabay ang bawat kilos ng katawan nila papuntang rurok ng langit. Nakalimutan na nang tuluyan ni Athan ang galit nito. Gayundin ang tampo ni Ayu. Natalo na ng sarap na pinapadama nila sa isa't isa. Pinagsawa nila ang kanilang mga sarili. Para silang walang kapaguran. Habang si Yhannie na tunay na asawa ni Athan ay buong pusong pinapatulog naman ang kanilang anak na si Nana sa mga sandaling iyon. Wala itong kaalam-alam sa pagtataksil ng asawa. Wala itong kaalam-alam na sa mga oras na iyon ay hindi mabilang kung nakailang rounds si Athan sa piling ng ibang babae. "Mommy, where is daddy?" tanong ni Nana. Namumungay na ang mga mata nito. Inaantok na pero naisip pa rin ang ama. "Nasa work ang daddy, Anak. Mamaya pa iyon uuwi kaya matulog ka muna," masuyong sagot ni Yhannie sa anak. Hindi nagtagal ay mahimbing na ang tulog ng cute na bata. ********* "DAD, ihahatid ko lang si Mommy sa condo ko. Doon muna raw siya sa 'kin," malungkot na sabi ni Mychal sa ama. "Sorry, dad, pero ayaw niya po talaga makinig sa akin. Galit na galit talaga siya sa'yo." Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Leonardo Alvares. Hindi na nito masisisi ang asawa kung hindi na tumatanggap ng paliwanag dahil ilang beses na nito itong nasaktan gawa sa mga babaeng pinatulan nito noon. Ang hindi lang matanggap ni Mr. Alvares ngayon ay wala naman itong ginagawa para magalit na naman ang asawa. Kung kailan naging nagbago at tapat na ito sa asawa ay nangyari pa rin ang ganito. "Sa tingin ko, Dad, dapat ay hayaan niyo muna si Mommy. Don't worry mapapatawad din kayo niyon," saad ulit ni Mychal sa ama. Pinamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng ragged jeans na suot. Sanay na siya sa laging pag-aaway ng mga magulang niya kaya hindi na siya nababahala nang husto. Tumango si Mr. Alvares sa anak. "Sige, Son, ikaw na muna ang bahala sa mommy mo hanggang hindi humuhupa ang kaniyang galit sa akin. Take good care of her, okay?" "Of course, Dad. Aalis na po kami." Tatalikod na sana si Mychal pero tinawag ulit siya ng ama. Masunurin siya sa mga ito dahil ang totoo ay ampon lang siya ng mag-asawang Alvares. May isip na siya nang inampon siya ng mga ito sa isang bahay ampunan. At ang sabi sa kaniya, nagkaroon daw ng diperensya sa matris ang Mrs. Sandra Alvares noon kaya hindi nito nabiyayaan ng anak si Mr. Alvares. Nakakalungkot man ang nangyari sa mag-asawa, somehow ipinagpapasalamat niya iyon sa Diyos dahil kung hindi siguro nagkaroon ng diperensya ang Mommy Sandra niya ay hindi siya maaampon ng mga ito at mabibigyan ng magandang buhay. Ang tingin nga ni Mychal ay kaya nambabae ang dad niya dahil nga doon sa dahilan na iyon—ang wala silang sariling anak. Siguro kung nabiyayaan lang sila ng anak ay tahimik ang buhay ng mag-asawa ngayon. "Mychal, pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo? Hindi ka naman siguro busy masyado sa ating kumpanya, hindi ba?" "Yeah, hindi naman po, Dad. What is it?" Muli ay nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Mr. Alvares kasabay nang paghalukikip nito bago nagsalita. "Son, gusto kong hanapin mo yung babaeng nanira sa araw namin ng mommy mo. At kapag nahanap mo ay iharap mo siya sa mommy mo para maniwala ang mommy mo na hindi ko talaga kilala ang babaeng iyon." "So, totoong hindi mo talaga kilala ang babaeng iyon, Dad?" Hindi makapaniwala si Mychal. Ilang ulit na iyong sinabi ng dad niya iyon sa kaniya pero hindi siya naniwala dahil akala niya ay alibi lang iyon ng kinikilalang ama. Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Mr. Alvares. "Hindi ko talaga siya kilala kaya hanapin mo siya para magkaayos na kami ng mommy mo. Simula sinabi ko sa mommy mo na magbabago ako ay totoong nagbago na ako kaya totoong hindi ko other woman ang babaeng iyon. Kailangang ayusin ng babaeng iyon ang gulong ginawa niya sa amin ng mommy mo." Kahit paano ay may tuwang naramdaman si Mychal. Akala niya kasi ay totoo na naman ang hinala ng mommy niya na may bago na namang babae ang dad niya. Kahit hindi siya tunay na anak ay mahal na mahal niya ang mga ito, kaya tulad ng isang tunay na anak ay nasasaktan siya 'pag nag-aaway ang mga ito. "Tulungan mo sana ako, son, dahil gusto ko nang bumawi sana sa mommy mo. Matatanda na kami para magkaroon ng problemang ganito na naman." Ngumiti siya sa ama. "Sige po, Dad. Ako na’ng bahala. I’ll find that girl." PAGDATING ni Mychal sa opisina niya sa Manpower Corporation na pag-aari ni Mr. Alvares ay iyon agad ang inasikaso niya. Nakipag-ugnayan agad siya sa isang kilala niyang private detective at pinahanap ang babaeng tinutukoy ng kaniyang dad. Wala pang dalawang araw ay natanggap niya agad ang impormasyong nakuha ng detective. Nagkita sila sa isang park tulad ng dati. "Thank you, Detective Bonalos." Kinamayan niya ang detective at naghiwalay na sila na parang hindi magkakilala. Habang patungong kotse ay binuksan na ni Mychal ang envelope at tiningnan ang laman niyon. Subalit anong pagsasalubong ng kaniyang mga kilay nang makilala niya ang babaeng nasa larawan na sumira sa date ng kaniyang mga magulang noong isang araw. Nakikilala niya ang babae sa larawan dahil mula nakita niya ang babaeng iyon ay hindi na niya nakalimutan. "Ayu Marie Hernandez," basa ng isipan niya sa pangalan ng babaeng nasa larawan. Hindi nagtagal ay napangisi siya habang tinitigan ito. Tingnan mo nga naman at kahit sa ganitong bagay ay ang suwerte niya talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD