CHAPTER 3- Ipinangakong Pagmamahalan

1941 Words
Isang umaga mismo sa dalampasigan ng dagat ay abala ang maraming tao na nag-aasikaso sa dumating na dalawang naglalakihang bangka. Marami na naman itong hakot na mga nahuling iba’t ibang isda lalo na ang sikat na bangus sa kanilang lugar. Abala si Maleyna na tumutulong sa kanyang ina para mailipat ang mga nabiling isda para mailagay iyon sa dala-dala nilang malalaking batya para ipantinda iyon sa kanilang palengke. Biglang may lumapit na batang lalaki sa likuran nito at hinugot nang paulit-ulit ang kanyang damit sa likod para makuha ang pansin nito. "Oh, Carlito bakit? May kailangan ka ba?” pagtatanong na lang ni Maleyna ng makita niya ito sa kanyang likuran. "May lalaki pong naghihintay sa iyo banda sa gubat na naroroon. Magpunta raw muna kayo roon,” sabi naman nito sa kanya sabay turo nito roon sa kaliwang side banda sa likod ng kinaroroonan nila. "Sino raw?” pagtatakang tanong nito sa bata. "Hindi po nagpakilala basta ang sabi niya ay kailangan ninyo raw po magpunta roon,” paalala pang banggit ng bata sa kaniya. "Ah ganoon ba, ok sige salamat Carlito,” huling tugon na lang nito sa kanya. Nagpaalam naman siya sa kanyang ina bago siya nagtungo sa lugar na itinuro ng bata. Nagpalinga-linga si Maleyna sa paligid ng kagubatan subalit wala siyang makita ni anino ng tao na nagpapunta sa kanya roon. Takang taka na lang ito bakit parang halos na walang katao-tao sa paligid. Hanggang sa pagharap niya sa kanyang likod ay bigla siyang napasigaw ng malakas sa sobrang pagkagulat… "Ahhh! Diyos ko po ginoo!” sigaw bigla ni Maleyna. "Wah! Gulat ka noh hahahah… ang laki ng mata mo parang katulad ng isang isda hahaha,” sarkastikong sabi sa kanya ni Premetivo habang todo na lang sa pagtawa ito. Nagtago pala ito sa likod ng isang malaking puno na naroroon para surpresahin ang babae. "Nako po! Premetivo Del Puerca aatakihin ako sa puso sa ginawa mo ah.. hindi magandang biro yan,” pagmamaktol na lang ng babae sa kanya. "Nako po mahal ko huwag naman ganyan. Sige ka, pati rin ang puso ko ay mamamatay kapag nangyari yun kasi nasa iyo na rin ang puso ko,” paglalambing na lang nito sa babae sabay yakap nito sa kanya ng mariin. Hindi naman maiwasan na kiligin ang babae sa sinabi niya. Nagdaan ang mahabang sandali, napansin ni Maleyna na biglang sumeryoso si Premetivo at tahimik lang ito na nakatanaw sa kalawakan ng view ng kanilang dalampasigan. Naroon sila tumambay sa isang tuktok ng matarik na bundok na halos natatanaw ang kabuuan ng kagandahan ng buong siyudad nila. "May problema ba?” pagtatanong na lang nito sa lalaki. “Huh? Pasensya ka na, baka talagang kailangan ko ng sabihin sa iyo ito,” unang pagbubukas ng topic nito kay Maleyna. "Ang tungkol saan?” aniya. “Nalaman na ng magulang ko ang tungkol sa atin. Siguro ang kailangan nating gawin muna ngayon ay mas mag-ingat pa tayo sa mga pagkikita natin, pero huwag kang mag-aalala anuman ang mangyayari ay hindi naman kita iiwanan,” pangakong saad na lang nito sa kausap.. "Huh? Paano na yan? Hindi pala ako gusto ng pamilya mo para sa iyo. Kaya pa ba natin pangatawanan ito?” pag-aalalang banggit naman sa kaniya ng babae. "Bakit naman hindi? Basta nagmamahalan tayo iyon ang mahalaga. Ipaglalaban pa rin kita,” dagdag pang banggit ng lalaki sa kanya sabay yakap nito sa babae at hinalikan ito sa kanyang ulunan habang nakatanaw pa rin ito sa kagandahan ng kalawakan na naroroon. Pagkauwi muli ni Premetivo sa kanilang tahanan isang dapit hapon ay may naabutan itong bisita sa kanilang bahay. Nakatanggap siya ng balita mula sa informant na dumalaw sa kanyang trabaho na kailangan muna raw niyang umuwi sa bahay nila dahil pinapauwi siya ng kanyang ama subalit wala itong sinabi na dahilan kung bakit siya pinapauwi. Kaya’t sinunod na lang nito ang habilin ng informant na iyon dahil kakilala naman niya iyon. Pagkadating niya, “Oh kumpanyero narito na pala ang anak kong si Premetivo. Halika anak at batiin mo ang ating mga bisita,” bungad kaagad ng kanyang ama ng makita siya nito pagkapasok nito sa kanilang bahay. "Magandang tanghali po,” masayang bati naman nito sa kanilang bisita. Naroroon sa kanilang sala ang buong pamilya muli ng Monchesca at kasama nila ang kanilang nag-iisang anak na babae na si Marciana. Nagtaka ito kung anong mayroon kung bakit muli sila napadalaw sa kanila. Ang buong pamilya niya at ang buong pamilya ng Monchesca ay naroon sa isang sala at nagkakwentuhan muna saglit sa ibang mga bagay bago pinagtapat ng ama ni Premetivo ang totoong dahilan kung bakit naroroon sila. "Napagdesisyonan namin ng kumpanyero ko na ipakasal kayo sa isa’t-isa. Ito’y para sa ikabubuti ninyo at para mas maging matatag pa ang sanib pwersa ng ating pamilya. Sana’y maunawaan ninyo,” seryosong pahayag ni Don Costejo sa lahat. "Anong kahangalan ito pa? Bakit kailangan ninyo akong ipilit na ipakasal dahil lang sa negosyo? Tinanong ninyo ba ako kung ok lang po ba sa akin?” shock na pahayag nito sa kanyang ama. "Ah, iho pasensya ka na huh? Matagal na kasi namin napagkasunduan iyan ng ama mo. Sa katunayan hinintay talaga namin na tumuntong muna kayong dalawa sa tamang edad bago kayo ipakilala sa isa’t-isa. Hinintay ko lang din makatapos sa kolehiyo itong anak ko para magkakilanlan kayo,” pagpapaliwanag na lang ni Don Lucio sa kanya. Hindi na lang sumagot si Premetivo. Tiningnan niya ang direksyon kung saan nakaupo ang babae na si Marciana na tahimik lang at halos hindi rin ito makatingin sa kanya ng mga oras na iyon. "Pasensya na po kayo, medyo masama na rin ang pakiramdam ko, maiwan ko muna kayo rito,” seryosong paalam na lang nito sa kanilang lahat. "Saan kana naman pupunta? May bisita pa tayo,” pahabol na banggit ng kanyang ama sa kanya subalit umalis pa rin si Premetivo at nagtungo ito roon sa kanyang sariling kwarto sa taas. Buong araw itong nagkulong roon. Nagdaan pa ang ilang linggo nang napansin ni Maleyna na hindi na ganoon kadalas magpakita si Premetivo sa kanya. Kung dati-rati ay bumibisita ito sa pwesto ng kanilang palengke o kaya’y dumadalaw mismo sa kanilang bahay, ngayo’y halos hindi na. Nagdesisyon na itong puntahan ang lalaki sa kanilang mansyon para malaman ang totoo nitong kalagayan. Sinubukan ni Maleyna na umakyat sa bakuran nila kahit masyado itong mapanganib ay kinaya niya. Alam niyang hindi rin siya papapasukin sa main entrance sa unahan dahil ilang araw na rin siya pabalik-balik sa pagtatanong doon sa guard kung nandoon ba sa loob ang sinyorito nito, subalit paulit-ulit nilang sinasabing wala raw doon. Bago siya magpunta roon ay nakausap na niya ang isa sa pinakamalapit nitong kaibigan sa kanyang trabaho. Ang sabi naman nito ay nagleave daw ng tatlong araw mula pa nang nagdaang araw. Sa kabilang banda naman, narating nga ni Maleyna ang taas ng bakuran. Sa kanyang ginawang pagmamasid sa loob ay nakita niya si Premetivo na naghuhugas ng kanyang sasakyan. Sinubukan niyang tawagin ito at kumaway-kaway pa ito para lang mapansin siya. Habang naghuhugas naman si Premetivo ng kanyang sasakyan ay may nahagip ang kanyang pheriheral vision na may gumagalaw-galaw sa kanyang gilid. Napaangat niya ang kanyang mukha sa taas ng puno at nakita niya si Maleyna na naroroon sa tuktok ng bakuran nila. Nagulat si Premetivo at natataranta itong pumunta sa kanyang kinaroroonan saka niya ito tinulungan na makapasok sa loob ng kanilang bahay. "Maleyna, bakit mo naman ginawa iyon na umakyat sa bakuran? Hindi mo ba alam na sobrang delikado ng ginawa mo?” pag-aalalang tanong kaagad ni Premetivo sa kanya nang nasa loob na sila ng bahay nito at nakaupo roon sa kanilang kusina. "Balewala sa akin ang panganib para sa iyo. Ano bang nangyari sa ‘iyo? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin? Hindi ka na rin nagpupunta sa bahay namin,” pag-aalalang tanong naman kaagad sa kanya ni Maleyna. "I’m sorry sa pagkukulang ko, pinababantayan na kasi ako ng mga magulang ko mula pa noong mga nakaraang araw at pinapasundan nila ako sa kahit saan mang lugar na puntahan ko. Pasensya ka na, gusto lang kita protektahan. Nag-iisip lang ako ng paraan kung paano ako makakalapit uli sa iyo. Pasensya ka na kung natagalan ako,” sambit na lang iyon ni Premetivo habang nakayakap ito kay Maleyna. "Sige, nakapag-isip-isip na ako. Magkita tayo after 3 days sa pantalan. Lumuwas na lang tayo ng Manila at bahala na kung anong buhay ang pwedeng mangyari sa atin doon basta magkasama tayo,” sambit na lang ni Premetivo sa kanya habang nakayakap pa rin ito. "Kahit anuman ang sabihin mo.. panghahawakan ko iyon mahal ko,” sabi naman ng babae. Sa mga pagkakataong iyon ay hindi napansin ni Premetivo na dumating na pala sa kanilang bahay ang kanyang mga magulang at naabutan na nga sila na nagyayakapan sa isang upuan sa kusina. "Paanong nakapasok ang isang trespasser dito sa bahay ko?!” biglang pahayag ng ama ng lalaki nang makita sila sa ganoong akto. Parehas silang nagulat sa narinig at dali silang nagkalasan ng yakap sa isa’t-isa. Napatingin na lang si Maleyna sa ama ng lalaki. "Ang lakas naman ng loob mo na pumasok sa pamamahay ko!” sabi pa muli nito. " Pasensya na po, gusto ko lang makita si Premetivo,” tanging sagot nalang ni Maleyna. "Pasensya ka na iha kung sasabihin ko ito sa iyo pero sana maumawaan mo, hindi ka nababagay para sa anak ko. Malaki ang ambisyon ko para sa kanya dahil siya ang magiging tagapagmana ko at kung pera lang din ang habol mo sa kanya.. babayaran na lang kita kahit na magkano layuan mo lang siya,” diretsahang pahayag sa kanya ng ama ng lalaki. Nagulat si Maleyna sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay tinarakan ng kutsilyo ang kanyang dibdib nang mga oras na iyon. “Pasensya na rin po kung sasabihin ko ito sa inyo pero, hindi po ako mukhang pera. Kahit mahirap lang kami, may dangal pa rin ako at dignidad sa sarili ko. Pinalaki naman po ako ng maayos ng ina ko kahit wala na ang ama ko. Totoong mahal ko ang anak ninyo hindi dahil sa yamang mayroon siya kundi ang pagkatao niya mismo ang minahal ko sa kanya,” mahabang madamdaming pahayag nito sa kanya. "Mas magandang marinig mo na rin ito para magtigil ka na sa kahibangan mo! Ikakasal na ang anak ko sa anak ng business partner ko... kaya wala ka na ring magagawa," sambit pa muli ng ama ni Premetivo. "Anong pinagsasabi mo pa? Hindi ko naman sinabi na pumayag ako. Itigil mo na yan pa, hayaan mo na ring makaalis nang maayos dito si Maleyna,“ pakiusap na lang nito sa kanyang ama. Nashock si Maleyna sa kanyang nalaman. "Totoo ba? Kaya ba hindi ka na nagpapakita sa akin?“ sobrang gulat na pagkasabi ng babae sa lalaki at halos tuluy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha nito sa kanyang mga pisngi. "Huwag kang makinig sa ama ko, walang saysay ang kanyang mga sinabi,” pagpapakalma na lang nitong sabi sa babae. "Kahit na anong gawin mo pa, hindi ako magpapakasal sa kahit na kanino! Syangapala pa, ako ang nagpapunta sa kanya rito kaya sana hayaan na lang natin siyang makaalis ng maayos dito," pakiusap pa ulit ni Premetivo sa ama niya habang yakap-yakap pa rin nito si Maleyna na kanina pa lumuluha. Hindi na lang nakapagsalita pa ang ama nito sa sobrang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD