CHAPTER 2- Match maker

1900 Words
Naupo na nga ang buong pamilyang Monchesca banda sa harapan sa tapat pa mismo ng mga nagpeperform na musikero sa stage. Habang nagkakatuwaan sa pakikipagkwentuhan sina Don Lucio Monchesca at Don Costejo Del Puerca kasama ng buo nilang pamilya ay napansin ni Don Costejo na nakapila sa buffet area ang anak nito na si Premetivo kung kaya’t tinawag niya ang pansin nito sa pamamagitan ng pag-utos sa isang waiter na naroroon malapit sa kanilang pwesto. "Pakitawag mo nga ang senyorito mo. Papuntahin mo siya rito sa harapan,” utos na pagkasabi nito sa isang lumapit na waiter. “Sige po Sir,” sagot naman nito. Habang namimili at naglalagay ng pagkain sa isang plato si Premetivo ay nilapitan siya ng isang waiter at bumulong ito sa kanyang kanang tainga. Sinabi nito na pinatatawag siya ng kanyang ama at kailangan niya raw magtungo ngayon sa harapan. Kung kaya’t binilisan na lang niya ang maglagay ng pagkain sa isang plato saka niya inabot ito sa lamesa ni Maleyna. “ Mahal ko, pupunta muna ako saglit sa harapan ah… maiwan muna kita rito pero babalikan kita pagkatapos ko pumunta roon kasi pinapatawag ako ni papa,” sabi na lang ni Premetivo sa babae. "Ok lang mahal sige lang, pumunta ka na kaagad doon baka naiinip na siya. Maghihintay lang ako rito hanggang sa dumating ka,” huling sambit naman nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay hinalikan na lang ng lalaki ang ulo ng babae ng simple. "Hi! Iho, naku kumpanyero… napakagwapong bata naman itong anak mo. Mga lahi talaga kayo ng artistahin ah,” masayang komento kaagad ni Don Lucio Monchesca nang makita nito si Premetivo na lumapit sa kinaroroonan nila. "Naku po, maraming salamat ho. Pinatawag mo raw ako pa?” takang pagtatanong nito. "Ayun na nga kumpanyero ito ang anak ko na si Premetivo, anak, ito naman ang isa sa pinakamalapit kong kaibigang negosyante sa Maynila na si Don Lucio Monchesca. Kasama naman niya si Mrs. Graciana na kanyang asawa at ang anak nilang bunso na si Marciana,“ pagpapakilalang saad naman ni Don Costejo. "Hi po, have a great evening po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa pagdalo ninyo, hopefully po ay mag-enjoy kayo,” masaya namang nasabi ni Premetivo sa kanila. Habang nagkakausap-usap silang lahat sa harapan ay natatanaw sila ni Maleyna sa duluhan. Nasaksihan nito na may pinakilalang babae ang ama nito sa lalaki. Biglang nakaramdam ng poot ito sa kanyang dibdib at nawalan na siya bigla nang gana pang magpatuloy sa pagkain. Tinitigan namang maigi nito si Marciana na isa sa mga nakatayo sa harapan na halos tanaw nito ang side view ng kanyang mukha maging ang buong pamilya na kasama nito. Nakaramdam tuloy ng panliliit sa kanyang sarili si Maleyna. Biglang sumagi sa kanyang isip ang mga kataga na… "Hi naku Maleyna… kawawa ka naman… tingnan mo naman ang babaeng pinakilala ng ama ni Premetivo sa kanya... mayaman, maganda, may class, may pinag-aralan, kilala sa lipunan at higit sa lahat boto pa sa kanya ang buong pamilya ng lalaki saan ka pa.. ano pa bang laban mo sa babae na iyon?” ito ang mga ideyang sumagi sa kanyang isip na bumabaon sa kanyang pagkatao. Nalungkot bigla si Maleyna at halos hindi na ito makatingin sa mga taong nasa paligid niya roon. Sa kabilang banda, “Ah sandali lang pa, kasi… may aasikasuhin pa akong mga bisita. Dumating kasi yung mga kaibigan ko maiwan ko muna kayo riyan,“ pagdadahilan na lang ni Premetivo sa kanila. "Sandali lang, aalis ka na kaagad? Dumito ka na muna at kausapin mo muna yung anak nila oh, para hindi maboring dito,” pakiusap pa ng ama sa kanya. "Importante lang talaga pa, kaya ninyo na'yan, sige pa,” pagtanggi na lang ni Premetivo sabay alis kaagad nito. Magsasalita pa sana ang kanyang ama subalit bigla na itong umalis na nagmamadali. "Saan na yung anak mo kumpanyero?” pagtatanong bigla ni Don Lucio nang napansin niya na wala na si Premetivo sa area nila. "Naku pare, busy raw siya… alam mo namang maraming mga bisita ngayon atsaka, marami pa namang pagkakataon. Sa susunod ay kami naman ang dadalaw sa inyo sa Maynila, I'll make a schedule for that," tugon naman ni Don Costejo sa kausap. Sa pangyayaring iyon ay sinundan ng tingin na may pagkadismaya ni Don Costejo ang kanyang anak na naglalakad palayo sa kanila dahil sa ginawa nito na biglaang pag-alis. "Hi! Mahal, oh bakit parang malungkot ka? May problema ba?” tanong na lang ng lalaki sa kanya nang makita niya ito na pinaglalaruan na lang niya ang pagkain na natira sa kaniyang plato. Nagtungo ng pasimple si Premetivo sa kinaroroonan ni Maleyna. Napansin din niya na nakasimangot na rin ito. “Hmmm.. uwi na muna ako. Bigla sumama ang pakiramdam ko,” biglang sambit na lang nito sa lalaki. "Ok ka lang ba talaga? Anong nangyari sa iyo? Bakit bigla ka ng masungit ngayon? Ok naman tayo kanina diba?” aniya. Hindi siya nililingon ng babae at saka ito tumayo at biglang alis sa kanyang pwesto. "Sandali lang mahal ko, alam ko na.. yung babae ba na pinakilala ng papa ko sa unahan kanina? Yun ba?” tanong ulit nito sabay hawak sa kanang kamay ng babae para pigilan ito. "Ok sige, pag-usapan na lang natin ito sa labas mamaya,” huli pang banggit nito saka niya hinatak ang babae papalayo sa okasyong iyon. Nagpunta naman sa tabing dagat ang dalawa. Tahimik lang na naglalakad sa gilid ng tubig si Maleyna na nakapaa lang at nakatanaw iyon sa kalawakan ng tubig na naroroon. "Hey mahal! Ang bilis mo naman maglakad.. kanina ka pa hindi nagsasalita sa loob ng sasakyan. Ano bang problema talaga? Magsalita ka naman oh please?” pakiusap na sambit nito habang hinihingal pa ng todo para lang maabutan niya ito sa paglalakad. Nagawa na rin na lumuhod ng lalaki sa paanan ng babae sa patuloy na pagmamakaawa nito sa kanya. “Nagseselos ka ba sa babaeng pinakilala ng aking ama?” muli pang hirit na pagtatanong sa kaniya nito habang nakaluhod pa rin sa kanyang paanan. Tahimik lang si Maleyna ng mga sandaling iyon at bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang kalungkutan habang nakatanaw sa kalawakan ng dagat na naroroon. “Nagseselos ka nga hahaha! Wohoo! Mahal mo talaga ako haha.. alam mo palangga ko, wala ka dapat ikaselos dahil wala namang ibig sabihin iyong ginawa ni papa na pagpapakilala sa kanila. Ito’y normal lang dahil isa yun sa kanyang mga business partner sa negosyo atsaka, malayo pa ang pinanggalingan nila. Taga roon sila sa Maynila,“ todo pa nito sa pagpapaliwanag habang tumatalon-talon sa harapan ng dagat. "Yahoo! Nagseselos si Maleyna!“ sigaw nito sa kalawakan ng tubig sa dagat para lang asarin si Maleyna. "Shhhh.. ano ka ba, huwag ka nga maingay diyan.. baka may makarinig pa sa iyo malaman pa nila na tumakas ka roon sa party ninyo,“ biglang sita naman ni Maleyna sa kanya. Inakbayan kaagad siya bigla ng lalaki sa kanyang kanang balikat. "Galit ka pa ba? Naku po! Walang-wala naman ang babaeng iyon sa kagandahan mo… sus! Mas maganda ka naman sa kanya noh. Atsaka mahal kita Maleyna. Ito ang tatandaan mo mahal ko, kahit na anumang mangyari ay wala na akong iba pang mamahalin kundi ikaw lang. Hindi kita ipagpapalit kailanman.. promise ko yan sa iyo mahal.” Sinasabi niya ang mga kataga niyon habang hawak-hawak nito ang dalawang pisngi ni Maleyna at nakatitig ito sa kanyang mga mata nang walang kakurap-kurap. ”Talaga promise? Kahit na anong mangyari?… hindi mo ako ipagpapalit ah,“ paninigurong sambit pa ni Maleyna sa kanya. "Oo, mahal… pangako yan.. ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko… wala ng iba pa,“ huling sabi sa kanya ng lalaki sabay halik nito ng mariin sa kanyang labi. Pagkatapos niyon ay naghabulan silang parehas sa gilid ng dagat habang nagtatawanan. Pagkauwi ng lalaki kinabukasan.. “Bakit ngayon ka lang umuwi?“ tanong kaagad ni Don Costejo pagkapasok pa lang nito sa pintuan ng kanilang bahay. Napalingon siya sa pinaggalingan ng boses ng kanyang ama. Nakita na lang niyang nakaupo ito di kalayuan sa isang sofa na katabi ang kanyang inang naghihintay din sa kanya. "Doon po ako natulog sa bahay ng kaibigan ko,” pagdadahilan na lang nito na nakatayo lang sa harapan ng kanyang mga magulang. "Sinong kaibigan ang sinasabi mo? Gusto mo bang papuntahin ko dito nang makumpirma ko kung totoo ang sinasabi mo?" baritonong boses na nanunubok na pagtatanong sa kanya. Hindi kaagad nakasagot si Premetivo sa kanyang ama. "May nagreport sa akin na nakita ka raw kagabi malapit sa dalampasigan natin na may kasama kang isang babae, tama ba?“ mariing pagtatanong pa nito sa kanya. Ang ina naman niya ay hindi naman umiimik sa kanyang tabi. "Doon nga po ako natulog sa kaibigan ko,” pag-uulit pa na sabi nito. "Diyosmiyo Premetivo Del Puerca, ako pa ba ay pagsisinungalingan mo pa? Matagal ko nang alam na nakikipagrelasyon ka sa isang anak ng mangingisda. Tigilan mo na nga ang pagiging immature mo at magtino ka na! Hinayaan lang kita dati dahil ang tingin ko’y naghahanap ka lang ng aliw o hindi nagseseryoso sa buhay. Ngayon kailangan mo ng magseryoso at tigilan mo na iyang mga kabaliwan mo!“ pananakot na sambit ng kanyang ama. "Pa, ok ok! So what kung may relasyon kami ng sinasabi ninyong anak ng isang mangingisda? Pa, mahal ko siya. Wala akong pakialam kahit maging anak pa siya ng isang basurero o kung sino pang hamak lamang na tao sa paningin ninyo. Matino naman si Maleyna. Nagmamahalan kami,“ pag-amin na lang ni Premetivo sa kanyang ama. "Walang kwenta yang pagmamahal ang sinasabi mo! Hindi mo ba naisip ang kahihiyan ng pamilya natin? Anong maipagmamalaki niyan sa pamilya natin? Anong klase ng karangalan ang maipagmamalaki niyan ha?” galit na sambit pa nito. "Pa, can you please let me to choose with my own kung sino ang karapat-dapat at hindi karapat-dapat para sa akin? I have my own life! Alam kong sasabihin ninyo na naman na malaking kasiraan ang ginagawa ko sa pamilya na ito. For God sake! Why are you always thinking your ownself? You’re being so selfish na papa.. dahil puro power na lang ang mahalaga sa iyo,“ sagot pa ng lalaki sa kanya. “Tama na Premetivo, nagiging bastos ka na sa pakikipag-usap sa papa mo! Nasaan na ang respeto mo?" sabat bigla ng kanyang ina sa sagutan nilang mag-ama. Napatahimik na lang saglit si Premetivo. "Ayan ang nagiging impluwensya ng babae na yan sa iyo, ang maging bastos at suwail na isang anak.. tumigil ka na diyan sa kalokohan mo. Tandaan mo na isa kang heredero ng pamilya na ito. Balang-araw ikaw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko kaya huwag mo balewalain lahat. I worked hard for this life and honor.. Hopefully na sana ay hindi masira dahil lang sa pagiging suwail mo!“ sambit pa muli ng papa niya. "Anak please, sundin mo na lang ang papa mo para wala ng gulo. Tatlo na lang tayo sa pamilya magkakasira pa ba kayo nang dahil lang sa isang babae na iyan? Tigilan mo na ang pakikipagkita sa kanya, maliwanag ba?” pakiusap na lang ng kanyang ina. Hindi na lang umimik si Premetivo at tuluy-tuloy na lang ito umakyat patungo sa kanyang sariling kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD