Tumawa na lamang si Heather saka tuluyang napanatag. Marami pa siyang hindi alam sa lalaki at namamangha siya sa mga bagay na natutuklasan rito. Tinulungan pa siya nitong isuot ang seat belt niya. He is very careful to the extend na halos e-secure niya lahat para lamang maging komportable siya. "Okay ka lang ba?" Tanong nito habang kinakabit nito ang headphones nito na tila may sinubukan pa kung nagana. "Yeah,” tugon kahit may takot sa dibdib pero natatabunan iyon ng excitment. Matapos nitong i-set ang lahat ay kumaway ito sa mga naiwan. Kumaway naman ang kaibigan ito at ni Dante maliban sa sekretarya nito na bakas ang inggit sa mukha nito. Nang umikot ang elise ng chopper ay napuno ng takot ang dibdib dahilan para mapasinghap siya. Gagap ng kamay niya ang nagpakalma sa kaniya. Pa