Maalab ang halik ni Xian sa kaniya kaya mabilis din siyang nadarang. Tinugon naman niya ang bawat halik at haplos nito. Naramdaman niyang napatigil si Xian sa paghalik sa kaniya saka tumitig sa kaniyang mukha. Naghinang ang kanilang mga mata. Bahagya siyang nailang sa ginawa nitong pagtitig sa kaniya kaya ngumiti na lamang siya rito. Ngunit hindi ito ngumiti, pormal lamang ang mukha nito. Bigla ay napahiya siya kaya binaling na lamang ang tingin niya ngunit agad nitong hinuli ang kaniyang baba at muling binaling ang tingin sa kaniya. Muli ay naghinang ang kanilang mga mata. Napapalunok sa nakakapasong titig nito. Tila may nais itong sabihin ngunit hindi magawang sabihin. "Xian," namutawi sa kaniyang labi. "Heather," anas din ni Xian. "Xian, gusto na yata kita." Ang hindi napigilang s