"Alam mo ba kung bakit ko nagawa iyon?" Maya-maya ay tanong nito. Agad siyang lumingon sa babaeng nakahiga sa hospital bed. Hindi ito nakatingin sa kaniya at nasa kesame ang mata nito. "Paghihigante!" anito. "Paghihigante?" Ulit niyang usal. "Oo. Isang bagay na hindi ko nagawa sa mga taong umabuso sa akin noon dahil sa takot at kabataan ako." Walang emosyong wika nito. "Ano? Pero anong ginawa sa'yo ni Xian para gumante ka?" Aniya sabay tayo at lapit sa nakahigang babae. Nakita niya ang pagngisi nito sabay nang pagbuhos ng luha. "Dalawang taon akong kinulong at ginawang asa-asawahan ng sarili kong ama. Sa unang pagkakataon ay nakagawa ako ng paraan para makatakas. Lumayo ako at iniwan ang probensyang kinalakhan ko at napadpad ako sa Maynila. Doon panibagong pakikibaka ang ginawa ko. M