Pilitin limutin ni Xian ang nakaraan para kay Heather at sa magiging anak. Bumalik ang pagiging sweet rito. Kasabay noon ang unti-unting paglobo ng tiyan ng asawa. Hindi matatawaran ang ligayang hatid sa kaniya ni Heather at nang nalalapit na pagdating ng kaniyang anak. "Anong gusto mong kainin? Sabihin mo lang at bibilhin ko para sa'yo mamaya pag-uwi ko.” Malambing na turan ni Xian sa asawa habang inihahatid siya nito sa tarangkahan. "Huwag ka na palang maggagalaw rito dahil baka mapaanak ka ng ‘di oras," paalala pa kay Heather. Napangiti si Heather. "Don't worry, okay lang ako. Sige na at baka ma-late ka sa meeting niyo," turan rito at mabilis na humalik sa pisngi niya ang asawa saka umalis na. Nakatanaw lang siya sa papalayong asawa. Nakita niya ang pilit nitong pagtakas sa nakaraan